Lolit Solis offers to do PR work for Piolo Pascual and Sam Milby

by Nerisa Almo
Dec 23, 2007
If Lolit Solis becomes PR officer for Piolo Pascual and Sam Milby, she will repackage their image. She says, "Gagawin ko silang machong-macho."

"Willing akong magtrabaho sa kanila nang libre. Hanggang nasa showbiz ako, ako ang magpi-PR sa kanila. Totoo 'yan sa loob ko," pahayag ng talent manager na si Lolit Solis, kapalit ng pagpapatawad na maibibigay nina Piolo Pascual at Sam Milby.

Noong Huwebes, December 20, nagfile si Lolit ng kanyang counter-affidavit sa kasong libelo na isinampa laban sa kanya nina Piolo at Sam. Ang kaso ay kaugnay ng column ni Lolit na nailathala noong October 15 tungkol sa diumano'y nakita niyang magkasama ang dalawang aktor sa Sofitel Philippine Plaza.

Ayon kay Lolit, isang fair report ang kanyang ginawa. "Hindi ko naman sila kilala kaya wala akong bigat ng loob sa kanila, walang galit, walang malisya or anything. Kaya nga di ba biniro ko si Atty. Joji [Alonzo], sabi ko, ‘Ikaw lang ata ang galit sa akin, hindi naman si Piolo't si Sam, e. Ikaw lang ang may gustong matuloy ito.'"

Dagdag pa ng kolumnista sa taped interview ng Startalk noong December 22, "Hindi naman din siguro magagalit personally si Piolo at si Sam kung ibabase doon sa talagang sinulat ko o nasabi ko dahil alam naman nating lahat na may mga worse pang nasulat sa kanila, may mga worse pang nasabi sa kanila. Pero hindi sila nag-react, bakit 'ka ko nag-react sila [sa akin]? Ang feeling ko tuloy aping-api ako. I never said that they're gay."

Continue reading below ↓

At tulad ng hiniling ni Sam, makailang ulit na rin daw siyang humingi ng tawad ukol sa nangyari. "Nasa inyo na iyon. Kung talagang Kristiyano kayo, patawarin niyo na ako."

At bilang kapalit ng kapatawarang ibibigay, boluntaryo pang nagbigay ng kanyang serbisyo si Lolit upang gawan ng PR o press releases ang dalawa.

"Hindi naman [mahirap gawin] lalo na sikat na si Piolo at saka si Sam. Okay na, madali nang gawin yun. But let's say na may mga trabaho sigurong puwede ko pang gawin para sa kanila."

Subalit mariin namang sinabi ni Lolit na bagaman humingi na siya ng tawad, hindi naman daw niyang magagawang bawiin ang kanyang naisulat at nasabi tulad ng isa pang kahilingan ni Sam.

Aniya, "Ang akin naman talaga, may guilt ako kung bakit sinabi ko. Kung bakit sinabi ko pa yung nakita ko. Ngayon, yung guilt na sinabi ko 'to, nakasakit pala ako ng damdamin, di ba? Pero it doesn't mean na babawiin ko yung sinabi ko na nakita ko sila."

Continue reading below ↓

SORRY TO MR. MANAHAN. Sa January 17 ang susunod na nakatakdang hearing para sa kasong ito at inaasahan na magkikita ang dalawang kampo. Para kay Lolit, isang magandang oportunidad ito upang personal na makahingi ng tawad kina Sam at Piolo, gayundin sa tagapamahala ng Star Magic—ang may hawak sa dalawang aktor—na si Mr. Johnny Manahan.

"Baka sakaling magkikita-kita na kami doon. Personally, makakahingi na ako ng tawad doon sa dalawa at saka baka sakaling kasama nila si Mr. M, si Johnny Manahan, at least, personally rin makakahingi ako ng tawad sa kanya," sabi ni Lolit.

Ayon kay Lolit, mahalaga din diumano ang paghingi ng tawad kay Mr. M dahil, "Kasi, parang si Johnny Manahan [ang] representative." Dagdag pa ni Lolit, "Kumbaga, kung nasaktan yung dalawa... Parang ano yan, e, kasi ang mga manager usually parang nanay yan o tatay nung alaga nila."

Inamin din niya na bagamat hindi siya close kay Mr. M., mas kilala naman daw ni Lolit si Mr. M. kaysa kina Piolo at Sam.

Continue reading below ↓
At sa taped interview ni Lolit, sinabi pa niya, "Baka gumawa ako ng paraan para makausap si Mr. M. Kahit kay Mr. M hihingi ako ng tawad dahil alaga niya yung dalawa. Ito na lang ang hinihingi ko sa kanyang Christmas gift. ‘Kausapin mo na ako, Mr. M.'"
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
If Lolit Solis becomes PR officer for Piolo Pascual and Sam Milby, she will repackage their image. She says, "Gagawin ko silang machong-macho."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results