Sunshine Dizon thankful for co-parenting setup with estranged husband

by Melba R. Llanera
May 29, 2021
Sunshine Dizon on the most important lesson she gleaned from her failed marriage: "What I learned in life is acceptance is the key, acceptance and forgiveness. Not only the person who wronged you but forgiveness for yourself."
PHOTO/S: GMA-7

Sa mabigat na pinagdaanan ni Sunshine Dizon kunsaan nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila ng asawang si Timothy Tan noong 2016, ibinahagi ng Kapamilya aktres na ang pagtanggap at pagpapatawad ang naging susi niya para makapag-move on sa kanyang buhay.

Masalimuot ang pinagdaanan ni Sunshine dahil may third party involved sa hiwalayan na nauwi pa nga sa pagsasampa ng kaso bago naging maayos ang relasyon ng mag-asawa para sa co-parenting arrangement na maayos nilang napagkasunduan.

Sa ekslusibong panayam ni Bianca Gonzalez kay Sunshine sa Cinema News noong nakaraang May 21, natanong ang aktres kung ano ang payo na maibibigay niya sa mga kababaihang dumadaan din sa napagdaanan niya.

Pahayag ng aktres, "What I learned in life is acceptance is the key, acceptance and forgiveness. Not only the person who wronged you but forgiveness for yourself.

"Sa ganitong sitwasyon kasi, ang daming nag-a-arise na insecurities. Sometimes, a big factor also is to blame yourself. You failed in life or in marriage. Ako, natutunan ko first is to accept. Ito na ang sitwasyon, wala nang magagawa, what are the next steps. Hindi naman tayo pare-pareho ng sitwasyon.

Continue reading below ↓

"Just a few days ago, I was asked during an interview if I would consider myself as a single parent. I don't want to claim that title na single parent ako. Nakakahiya dun sa mga totoong single parent. Mag-isa lang silang kumikilos at gumagawa ng lahat ng paraan para sa mga anak nila. Ang set up ko is co-parenting. Somehow, I'm still blessed."

SUNSHINE THANKFUL FOR CO-PARENTING SETUP

Ayon nga kay Sunshine, pinagpapasalamat niya ang presensiya ng asawa sa kanilang mga anak sa kabila sa kanilang paghihiwalay.

Pakiusap niya, "I think it would be unfair for me to go into details. It's so easy for me to talk about it in public, pero siya hindi puwede kasi he's private. Siguro what I can say na lang is I'm very thankful that he does what he has to do. He does his responsibilities well. My kids are happy na may daddy pa rin sila.

Continue reading below ↓

"Nagagawa ko ang mga dapat kong gawin. Andiyan pa rin ang father nila to watch over my children when I'm not around. Walang perfect relationship. May pagkakamali along the way. Nagkataon lang na hindi ako yung tipo na will just say it's okay and move on from that."

Payo ng Kapamilya actress, ang dapat na unang isaalang-alang pag maghihiwalay ang mag-asawa ay ang kapakanan ng kanilang mga anak.

Ani Sunshine, "Ultimately dahil iba-iba tayo ng sitwasyon at kaso, isipin muna natin ang mga anak natin kung mayroon tayo. Ano ang kailangan nila, ano ang dapat para sa kanila?

"Minsan out of anger, masyado tayo nagiging selfish. Nakakalimutan natin hindi lang ako or ang asawa or lalake ang naapektuhan sa ganitong sitwasyon.

"Ultimately, it's your children who will suffer. Kailangan ma-balance yun ng tama. Ngayon katulad ko, kung puwede pa naman or co-parenting, go for it. At least may semblance ang mga bata ng buong pamilya.

Continue reading below ↓

"Pero kung ang kaso hindi na healthy for everyone na you're under the same roof, let go. Life is short. Dapat unahin mo na maging masaya ang puso mo at may peace ang pag-iisip mo. Kung may anak ka, mapi-feel din nila 'yan."

SUNSHINE'S KIDS UNDERSTAND NATURE OF HER JOB

Dahil isa si Sunshine sa mga artistang di nawawalan ng trabaho, pinagpapasalamat din ng aktres na na-train mula sa murang edad pa lang ang kanyang mga anak kung ano ang nature ng trabaho niya bilang isang aktres.

Pagmamalaki niya, "Early age pa lang na-train ko na sila. Sinasama ko sila sa work nung maliit pa lang sila, so they have an understanding of what I'm doing, how hectic it is.

"When they were younger, there was a time I was doing an afternoon soap. Heavy, sinasaktan ako, api-apihan. I saw my eldest daughter watching it. She was so confused, she cried. Tanong niya, 'Why are they hurting Mama?'

Continue reading below ↓

"Right then and there I told my helpers, 'Ate, pag ganitong story, huwag mo na muna sila pinapanood.' Feeling ko mato-trauma yung bata. My daughter is 10 and Anton is 3.

"I'm just blessed that my kids are quite understanding. Hindi nila ako dini-disturb during work, di sila ganun. Okay naman sila, they allow me to go to work."

SUNSHINE WELCOMES SHIFT TO FEEL-GOOD, ROM-COM ROLE

Kinasanayan nang mapanood si Sunshine sa mga serye ng Kapuso network na may mabibigat na tema. Pero kahit kilala siya bilang isang dekalibreng drama actress, aminado rin naman siyang masaya ring gumanap sa mas magaan at masayang roles paminsan-minsan.

Pinagpapasalamat ng aktres na kabilang siya sa isang feel good rom-com: ang Marry Me, Marry You ng ABS-CBN kunsaan kasama niya ang isang malapit rin sa kanya na si Janine Gutierrez.

Bulalas niya, "I'm excited to work with Janine again. Back in our network before, my first lead role, we were together doing it. Tuwang-tuwa ako na siya rin makakasama ko sa first serye ko sa Kapamilya at sa Dreamscape.

Continue reading below ↓

"I can definitely say that the project is exciting. When they presented the script I was like, 'Wow! Ang sarap ng feeling na di masyadong mabigat. Ilang taon na akong umiiyak parati. A little of rom-com, a slice of life. Family-based and family-oriented. Marami kang matututunan sa mismong story."

SUNSHINE NOT CLOSING HER DOORS ON LOVE

Kahit naka-move on na si Sunshine mula sa sakit na dulot ng paghihiwalay nila ng kanyang ex-husband, hindi naman siya nagsasarado ng puso para sa susunod na pakikipagrelasyon.

"I'm turning 38. It's always exciting and nice to be in love and to be loved in the future. If someone comes along and they're courageous enough to present their good intentions, bakit naman hindi? Hindi dapat sinasara ang puso sa pag-ibig," deklara niya.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Dizon on the most important lesson she gleaned from her failed marriage: "What I learned in life is acceptance is the key, acceptance and forgiveness. Not only the person who wronged you but forgiveness for yourself."
PHOTO/S: GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results