Jolina Magdangal enjoys "Working Hour" with the President

by Alex Datu
Dec 23, 2007
Jolina Magdangal is a multifaceted lady. Aside from being an actress, a host, and a singer, she's also an entrepreneur. And on top of the numerous roles she assumes and her busy schedule, she manages to engage in socio-civic activities.

Last Wednesday, December 19, ay dumating si Jolina Magdangal sa Christmas lunch ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na ginanap sa World Music Room sa Promenade, Greenhills.

Si Jolens, ang palayaw ng actress-singer-host, ay isa sa mga PEP bloggers. Sa kabila ng kanyang hectic schedule ay nakadaan siya sa party at nakipag-bonding sa ilang mga PEP staff.

"Galing ako sa Malacañang para doon sa show ng Presidente, yung Working Hour with the President. Ginagawa yun every week, weekly 'yon eh, na umabot na ngayon ng limang taon," ang sabi ni Jolina na isa sa mga regular hosts din ng Unang Hirit.

Nagsimula siya sa nasabing programa noong 24 years old pa lang siya at ngayong 2007, bale limang taon na siyang nagtatrabaho bilang host ng naturang TV show with the President.

"Hindi ko pala namalayan...ang babait ng mga tao doon. Ang kumuha talaga sa akin doon ay ang RTVM o Radio TV Malacañang," ang masaya pa niyang kuwento.

Inusisa namin siya tungkol sa kanyang pay at naging open naman sa pagsagot si Jolina.

Aniya, "Weekly 'yon eh. Akala ninyo malaki [salary]. Ang dami nga ang nagsasabi sa akin, siguro kaya mo nabili ang van ay dahil sa malaki mong suweldo. Alam ninyo sa totoo lang, ang nagbabayad sa akin ay government, hindi siya [President]. Kaya ang suweldo ko ay kulang na puwede mo sabihing panggastos lang at naka-tseke pa 'yon. Ang tagal nga napapalitan."

Continue reading below ↓

Pero hindi naman pera ang dahilan ni Jolens kung bakit niya tinanggap ang naturang project. Masaya siya at isa raw malaking privilege ang makatrabaho ang Presidente ng Pilipinas. Pero may balak ba siyang pumasok sa mundo ng pulitika?

"Sa ngayon talaga, di ko nakikita 'yong sarili ko," ang walang kaagam-agam niyang sagot. "Siguro puwede akong tumulong na hindi ako politician. Pero ayaw kong magsalita ng tapos kasi sinasabi nila, ganyan din ang sinabi ni Gov. Vilma Santos."

What about being the wife of a politician?

"Puwede siguro dahil na-try ko na magkampanya pero sabi namin ni Bebong [Muñoz, her boyfriend], puwede nga siyang makatulong din na hindi siya talaga papasok d'yan o siguro kung bibigyan ng pagkakataong ma-appoint siya," ang sasot niya.

Dagdag pa niya, "Ako puwede ko siyang tulungan, 'yong wife ng politician, okey sa akin kasi ako bilang asawa, susuportahan ko siyempre."

Nabanggit din niya ang epekto ng nakaraang eleksiyon noong hindi pinalad makakuha ng seat si Bebong sa kongreso.

Continue reading below ↓

Ayon kay Jolina, "Kung naapektuhan man kami o ako, okey lang...pero natuto ako ngayon mag-trust sa tao, kung sino ang dapat pagkatiwalaan. Mas natuto akong makabasa ng tao."

May plano bang tumakbo uli si Bebong?

"Sa ngayon, wala muna. Siguro mas maganda 'yong trabahong nakuha niya ngayon, mas stable. Ah, hindi naman sobrang stress pero hindi kasing-stressful ng politics.

Nag-enjoy naman si Jolina with the PEP staff dahil pinaunlakan pa niya ang request ng mga ito na mag-alay siya ng isang kanta. From there, tumuloy siya sa Heart Center dahil kakantahan naman niya ang mga batang may cancer at may sakit sa puso.

Ang kuwento niya, "Mayroon akong foundation pero nasa Cebu, 'yong Jolina's Little Angels kung saan every month ay nagsu-suppport ako sa Kapuso [Foundation]. Dito sa Manila, wala, eh, kaya parang iniisip ko na magkaroon dito."

Isa pang gustong gawin ng aktres ay ang magkaroon ng daycare center dahil mahilig siya sa bata. Pero sa ngayon, idadaan daw muna niya sa mga foundations ang kaya niyang maibigay na tulong.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Jolina Magdangal, Unang Hirit
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jolina Magdangal is a multifaceted lady. Aside from being an actress, a host, and a singer, she's also an entrepreneur. And on top of the numerous roles she assumes and her busy schedule, she manages to engage in socio-civic activities.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results