Alex Gonzaga puzzled by netizens' negative reactions to her Ariana Grande wedding tweet

by James Patrick Anarcon
May 30, 2021
Alex Gonzaga replies to netizen who said that she is making Ariana Grande's wedding all about her: “Nakakatawa ka naman. Tingin mo with this tweet na-agaw ko spotlight kay ARIANA!?? Seryoso ka?"
PHOTO/S: @mscathygonzaga on Instagram and Twitter

Ikinagulat ni Alex Gonzaga ang ilang tweets ng netizens tungkol sa kanyang pagpa-fangirl sa American singer na si Ariana Grande.

Noong Huwebes, May 27, nag-post si Alex sa Twitter ng picture ng kasal nila ng asawang si Mikee Morada noong November 2020.

Katabi nito ay ang larawan ni Ariana Grande at ng asawang si Dalton Gomez na ikinasal nito lang May 15, 2021.

Nitong nakaraang linggo lang din nag-release ng official photos ng intimate wedding nina Ariana at Dalton.

Pareho ang naging set-up ng kasal nina Alex at Ariana: intimate wedding na ginanap sa bahay na kakaunti ang guests.

Bilang fan ni Ariana, ikinatuwa ni Alex ang pagkakapareho nilang ito na kanyang ibinahagi sa kanyang Twitter post.

Pabirong sabi ni Alex, “When your lodi marries the same way as you... AG from the east and west ftw! mars it’s a tie!! @ArianaGrande”

Sa kasalukuyan, mayroong 29.3K likes ang tweet na ito ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS’ VIOLENT REACTIONS

Subalit tila hindi lahat ng netizens ay natuwa sa pagpa-fangirl ni Alex base sa replies ng ilan sa mga ito.

Isang netizen ang nag-reply sa tweet ni Alex ng “HA ANO CONNECT”

Sagot ni Alex dito, “Intimate wedding at home. Gets?”

Hindi rin napigilan ni Alex ang sagutin ang isa pang netizen na sinabing ginawang tungkol sa kanya ang kasal ni Ariana.

Reply ng netizen sa tweet ni Alex, “t*ng*n* all about you teh?”

Isa namang fan ni Alex ang sumagot sa netizen: “Uhhh ehh twitter niya kasi to? Ano gusto mo itweet niya? Tungkol sayo?”

Paliwang muli ng netizen sa kumontra sa kanya, “Kasal ng iba, ginawa nyang tungkol sa sarili nya? Anong di mo maintindihan don? Can't she let Ari have her own spotlight without including herself in the picture? The universe doesn't revolve around one person.”

Dito na sumagot si Alex at tila nagulat sa naging reaksyon ng bumabatikos sa kanyang tweet.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pabirong sabi ni Alex, “Nakakatawa ka naman. Tingin mo with this tweet na-agaw ko spotlight kay ARIANA!?? Seryoso ka? Hahahah Nakausap ko si Ariana ok naman at happy and busy siya sa married life. Di naman nya ininda tong tweet ko ‘coz this is just me fangirling. Sorry ah tropa mo ata si ariana.”

Hindi naman na muling sumagot si Alex nang mag-reply sa kanya ang netizen.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga replies to netizen who said that she is making Ariana Grande's wedding all about her: “Nakakatawa ka naman. Tingin mo with this tweet na-agaw ko spotlight kay ARIANA!?? Seryoso ka?"
PHOTO/S: @mscathygonzaga on Instagram and Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results