Rhian Ramos spends Christmas with dad in Thailand

by Eric Borromeo
Dec 23, 2007
After My Only Love, rumors have it that Rhian Ramos's next project will be Dyesebel. The actress says she's not sure about it yet, but a source reveals to PEP that GMA management is indeed eyeing her to be the next Dyesebel.

Sa Thailand magpa-Pasko si Rhian Ramos. Gusto ng young actress na i-celebrate ang Christmas kasama ang kanyang father na naka-base roon. First time niyang hindi kasama ang ina, pero excited pa rin ang My Only Love star to spend time with her dad.

"Two days lang naman siguro ako do'n, kasi, I need to be back to resume yung taping namin ng My Only Love on the 28th," ang pahayag ni Rhian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng naturang sineserye last Friday, ika-21 ng Disyembre. "I don't think they celebrate Christmas sa Thailand like here, pero may Christmas sale doon!"

Biniro namin si Rhian na baka kasama niya rin doon ang kanyang special someone.

"Wala!" natatawang sagot nito. "It would be a time for my dad's family lang."

The topic then switched sa working relationship niya with Mark Herras.

"Sobrang saya," ang mabilis niyang sagot. "Masaya at makulit na kasama si Mark. Doon sila nagkamali...casting the two of us, na parehong maharot. Pero everything's going smoothly naman."

Continue reading below ↓

Balita rin na she is being considered to play the lead role in the TV remake of Dyesebel, ano naman ang masasabi niya rito?

"I can't say anything about it, eh. Kung meron, thank you. Besides, ako yata ang hindi pinaka-seksi na Dyesebel," sabi ni Rhian referring to her being flat-chested.

Nang tanungin naman siya tungkol sa hindi pa rin tumitigil na nagpapakalat ng hate e-mail about her at kung naapektuhan pa rin siya, ang sabi niya, "Hindi na."

"Kaya nga I am so thankful to all the press people na hindi na pinapatulan ‘yon. We checked the e-mail addresses of these people sa myspace, friendster...but they do not exist. Wala kahit isa, so fictitious lahat ‘yon. Even those who claim na ex-schoolmates ko sila, it's not true," huling pahayag ni Rhian.

Read Next
Read More Stories About
Rhian Ramos, Mark Herras
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After My Only Love, rumors have it that Rhian Ramos's next project will be Dyesebel. The actress says she's not sure about it yet, but a source reveals to PEP that GMA management is indeed eyeing her to be the next Dyesebel.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results