Watch Now

Rabiya Mateo says 7-year relationship with boyfriend Neil Salvacion getting “complicated”

by Arniel C. Serato
May 31, 2021
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo on boyfriend Neil Salvacion: "We're friends, we’re friends... but we need to have this space together as of the moment.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook

Binigyang linaw ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang estado ng relasyon nila ng nobyong si Neil Salvacion.

Pitong taon na ang itinatagal ng samahan ng dalawa na nagkakilala at nagkaibigan noong sila ay nasa kolehiyo pa sa Iloilo Doctor’s College.

Noong nakaraang linggo ay nagkaroon ng alingasngas na may problema sa relasyon ng dalawa dahil sa pagbura ni Neil sa lahat ng litrato nila ng nobya sa kanyang Instagram account.

Sa panayam ni Boy Abunda para sa kanyang YouTube channel kahapon, May 30, inilahad ni Rabiya ang totoong estado nila ni Neil sa ngayon.

Rabiya Mateo first full interview with boy abunda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Rabiya, "It's a complicated situation and we need to talk about things when I go back to the Philippines.

“We're friends, we’re friends. I still try to contact him but we need to have this space together as of the moment.”

Kasalukuyan pa ring nasa Amerika si Rabiya matapos ang grand coranation ng Miss Universe 2020.

Ayon sa beauty queen, hindi niya isinasara ang posibilidad na magkaayos pa sila ng nurse na si Neil dahil nagkaroon na raw sila ng kahalintulad na sitwasyon dati.

Saad ni Rabiya, “But I’m not closing any doors. We've been in this kind of situation before.

“We’ve been together for seven years and who knows po, who knows.”

Matapos makoronahan si Rabiya bilang Miss Universe Philippines noong Oktubre 2020, inamin niyang mayroon na siyang karelasyon.

Noong panahong iyon, anim na taon na sila ni Neil. Si Neil daw ang kauna-unahang boyfriend ng Ilongga beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Rabiya, hindi siya tutulad sa iba na kapag nanalo ng korona ay iiwan na ang karelasyon nito.

Pangako niya noon sa salitang Ilonggo, “Damo gahambal nga ang iban mabreak man na after having the crown.

“But we will make sure to work things out. If it's true love, it will never end.”

ANDRE BROUILLETTE

Sa panayam niya kay Boy, nilinaw rin ni Rabiya na magkaibigan lamang sila ng former Pinoy Big Brother housemate Andre Brouillette.

Pareho raw sila ng manager at management company kaya hindi maiwasang makita sila sa publikong magkasama.

Sina Rabiya at Andre ay nasa pamamahala ng Mercator ni Jonas Gaffud, na tumatayo ring creative director ng Miss Universe Philippines Organization.

Saad ng beauty queen, “Tito Boy, nahihiya ako kay Andre. It’s because yung photos na kumalat, that was the third time that I was able to talk to him.

“The first one was before my send off to Miss Universe. The second was during the competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And that was the third time, na sinundo lang nila ako sa airport. And he was a nice guy.”

Matapos kumalat ang larawan nina Rabiya at Andre sa social media, nagkaroon ng espekulasyong baka may kinalaman si Andre sa diumano’y pagkakalabuan ng beauty queen at nobyo nito.

Pero mariin itong pinabulaanan ni Rabiya sa pamamagitan ng Instagram Story kung saan sinabi niyang “I’m not available” at “No malice” ang pagkikita nila ni Andre.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo on boyfriend Neil Salvacion: "We're friends, we’re friends... but we need to have this space together as of the moment.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results