Ruby Rodriguez reveals son's rare condition made her decide to live in the U.S.

by Jojo Gabinete
May 31, 2021
Ruby Rodriguez on living in the U.S.: “Tinatanong nila, 'Permanent ka na ba dito?' I don’t wanna say yes and I don’t want to say no. Kasi hindi natin alam ang mangyayari katulad ng pandemic, nang dumating si COVID. Unti-unti namin itong ginawa, hindi yung bigla na lang. Matagal nang nakaplano ito so Eat Bulaga! is also aware of it.”
PHOTO/S: @rubyrodriguez on Instagram

Ibinahagi ng comedienne-TV host na si Ruby Rodriguez ang desisyong manirahan sila ng buong pamilya sa Amerika, ang kalagayan ng kanyang anak na may special needs, at ang pagtatrabaho niya sa Philippine Consulate sa U.S.

Ayon kay Ruby, U.S. citizens ang kanyang asawa't mga anak samantalang mahigit sampung taon na siyang permanent resident ng Amerika kaya pabalik-balik siya sa naturang bansa.

“I’ve been going back and forth and all my siblings are here.

"With regards to have I relocated, have I migrated, matagal na po kaming nag-migrate, hindi lang ako nagpe-permanent stay.

“Now, with this situation, the pandemic and all, that’s not the real cause," pahayag ni Ruby nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa virtual media conference na nangyari ngayong Lunes ng umaga, May 31.

Opisyal siyang ipinakilala bilang bagong contract star ng Viva Artists Agency.

RUBY'S SON CONDITION

Si Ruby at ang kanyang mister na si Mark Aquino ay may dalawang anak—sina Toni at Don AJ.

Continue reading below ↓

Ruby Rodriguez children

Ruby Rodriguez with her children Toni (left) and Don AJ

Ang anak niyang lalake na si AJ, na bukod sa mayroong special needs, ay may "very rare autoimmune disease."

Isa ito sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon sila ng kanyang pamilya na manirahan sa Amerika.

Lahad ni Ruby, "Matagal na po kasi ito na magbe-break dapat ako because as everybody knows, my son AJ—hindi ko ikinahihiya and I’m very proud of it—my son is a special student...

Continue reading below ↓

"Meron pa po siya na very rare na autoimmune disease, it’s called Henoch–Schönlein purpura na ang tinitira nun is the kidney. It’s very rare.

"Usually daw kapag uma-attack ‘yon, one time lang. Kaya lang yung kanya, chronic, kaya rare. Kasi hindi dapat paulit-ulit.

"Yung sa kanya, talagang dire-diretso kaya na-damage yung kidneys niya.

“Na-kidney biopsy na siya kasi he already has Stage 2 nephritis."

Ang nephritis ay ang pamamaga ng kidneys.

Patuloy niya, "We had to bring him here since he’s a citizen and get medical treatment.

"Sabi ng mga doktor sa Pilipinas, 'Sige, ipa-check niyo na kasi they have better medications, they’re more advance in some ways.'

“We have a doctor here, and what he’s trying to avoid with the medication of my son, we’re avoiding he gets dialysis at a very young age or, worst case scenario, kidney transplant because he’s too young.

“Since kailangan niyang mag-medical treatment dito, alangan namang wala ang ina?Puwedeng wala ang ama pero ang ina, hindi. Family first, he’s my son.

Continue reading below ↓

“Bakit ba tayo nagtatrabaho? Bakit pa ako magtatrabaho, para sa mga anak ko, lalo na para kay AJ."

NOT APPOINTED PHILIPPINE CONSULATE EMPLOYEE

Nilinaw ni Ruby na hindi siya appointed employee ng Philippine Consulate sa Los Angeles, California, dahil pinagdaanan niya ang lahat ng proseso bago siya natanggap sa kanyang kasalukuyang posisyon.

Saad niya, “I’m starting it out here because paano na kami mabubuhay kung hindi naman ako magwo-work? Mahirap ang buhay dito, alam nating lahat ‘yan.

“And we don’t wanna be spoonfed by my siblings who are here. Na parang ano forever na lang kaming dole-out? Hindi naman puwede.

"So, I went to the proper channels for everyone to know. I was not appointed.

“Hindi po ako appointed. I went to the proper channels, I applied, I submitted my curriculum vitae. I did all the requirements that was asked, I did all their hand tests and all.

“And when I passed, it was sent to the consulate and it just so happened na may vacancy sila for local hire."

Continue reading below ↓

Hindi naman masabi ni Ruby kung permanente na silang maninirahan sa U.S.

“Tinatanong nila, 'Permanent ka na ba dito?' I don’t wanna say yes and I don’t want to say no.

"Kasi hindi natin alam ang mangyayari katulad ng pandemic, nang dumating si COVID.

“Unti-unti namin itong ginawa, hindi yung bigla na lang. Matagal nang nakaplano ito so Eat Bulaga! is also aware of it.”

Si Ruby ay naging bahagi ng longest-running noontime show sa loob ng 30 taon.

losing beloved SISTER to covid 19

Hindi naman napigilan ni Ruby ang mapaluha nang mapag-usapan ang kanyang kapatid na si Dr. Sally Gatchalian, na binawian ng buhay dahil sa COVID-19 noong March 2020.

Malaging dagok para kay Ruby ang pagkawala ng kapatid na itinuring niyang ina.

“She was our major supporter because she’s the pediatrician of my son and she even went here [U.S.].

“Kasama ko siya noong December 2019. Kinausap niya ang lahat ng doktor ni AJ,” sabi ni Ruby na biglang napaiyak habang nagsasalita.

Continue reading below ↓

“In-explain niya yung illness ni AJ sa lahat ng mga doktor dito.

"And she was the one, like ‘Ruby, kung ano yung kailangan mo para kay AJ, let me know. Kapag kailangan niyo ng money, let me know.’

“Ang close-close namin kasi kaming dalawa lang ang nasa Pilipinas. Lahat ng mga kapatid ko, nandito na sa Amerika.

“So, noong namatay siya, ang pakiramdam ko, ulilang-ulila ako kasi wala na rin akong magulang.

"Ang pakiramdam ko, napakaulila ko naman. Wala na akong tatakbuhan. Wala na akong mapaghihingahan ng kahit ano or mahihingan ng advice.

"It’s so hard. Ang sakit, kapag naaalaala ko, ang sakit. Sorry, napaluha ako."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruby Rodriguez on living in the U.S.: “Tinatanong nila, 'Permanent ka na ba dito?' I don’t wanna say yes and I don’t want to say no. Kasi hindi natin alam ang mangyayari katulad ng pandemic, nang dumating si COVID. Unti-unti namin itong ginawa, hindi yung bigla na lang. Matagal nang nakaplano ito so Eat Bulaga! is also aware of it.”
PHOTO/S: @rubyrodriguez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results