Ruby Rodriguez opens up about her Eat Bulaga exit

by Jojo Gabinete
May 31, 2021
Ruby Rodriguez when asked if she was fired or she left Eat Bulaga: "Hindi ko alam kung ano ang desisyon nila, but it’s management’s decision, and we always respect that. With regards if they take you out just like that, they just drop you like a hot potato, I think it’s them who can answer that."
PHOTO/S: @rubyrodriguez on Instagram

Tatlumpu’t isang taong naging co-host ng Eat Bulaga! si Ruby Rodriguez kaya marami ang nagtaka nang hindi na siya makita sa longest-running noontime show ng T.A.P.E. Inc. na napapanood sa GMA-7.

Sa tuwing tinatanong siya tungkol sa pagkawala niya sa Eat Bulaga, “ask them” ang madalas na sagot ni Ruby dahil hindi rin niya alam ang sasabihin.

Nang makapanayam siya ng entertainment writers sa virtual media conference ng Viva Artists Agency na naganap ngayong Lunes ng umaga, May 31, 2021, bahagyang nag-isip si Ruby nang tanungin kung may pain o sakit na idinulot ang nangyari.

“Aaahh, paano ko ba sasabihin? Iniisip ko kung malaki o maliit.

“Hindi ko alam kung pain ang word or disappointed, kasi siyempre I’ve been with you for 31 years and just like that.

“I mean, walang pagpapahalaga ba? I mean, yun ang naging question ko lang,” sagot ni Ruby.

TELLING ABOUT HER PLAN TO VIC AND PAULEEN

Ipinagtapat ni Ruby na sina Vic Sotto at Pauleen Luna ang unang nakaalam sa kanyang plano noong 2020 na magtrabaho sa Amerika dahil kaibigan niya ang mag-asawa.

Continue reading below ↓

Hindi na raw siya nakapagpaalam sa ibang mga kasamahan niya sa Eat Bulaga! dahil biglang nagdeklara ng enforced quarantine noong March 15, 2020 na dahilan para mahinto ang live broadcast ng kanilang noontime program.

Saad niya, “Hindi na kami nakapagpaalaman kasi nga nagbu-Bulaga pa naman noong March 2020 nang biglang nagpandemya.

“Paano ka magpapaalam sa kanila?

"Tapos nung makausap ko si Boss Tony Tuviera [president and CEO ng TAPE, Inc.], hindi pa ako nagpa-file ng leave of absence. Verbal pa lang yung agreement namin.

“Ipa-file ko pa lang yung leave ng March 2020 kung aalis na ako.

"Hindi pa naman ako umaalis, bakit ako magpa-file ‘coz I’m going to file it a month before I leave."

DID RUBY LEAVE EAT BULAGA?

Sinagot ni Ruby ang tanong ng marami kung tinanggal o umalis ba siya sa Eat Bulaga.

Pahayag niya, “Actually, hindi ako umalis kasi nagpaalam ako na magli-leave of absence lang ako.

Continue reading below ↓

“Ang sabi sa akin ni Mr. Tuviera, ‘You will always have a home here in Eat Bulaga.’ At siyempre, inasahan ko ‘yon.

"So, when they started to go on air, it’s their decision kung sinong pababalikin nila.

"Ang makasasagot lang kung tinanggal ako o hindi ay sila. That’s why I always say, 'Please ask them.'

"I don’t know how they will answer it. If they were going to say, 'Ito ba ay leave?'

"Hindi ko alam kung ano ang desisyon nila, but it’s management’s decision, and we always respect that.

"With regards if they take you out just like that, they just drop you like a hot potato, I think it’s them who can answer that."

Humbling experience para kay Ruby ang naranasan niyang pagkawala sa Eat Bulaga! dahil lalo raw tumibay ang kanyang relasyon sa Diyos at sa pamilya niya.

“It’s a very humbling experience and it made me realize na sa ganitong mga pagkakataon, ganitong talagang hirap at ginhawa, you can only rely on your family and you’ve got to have faith with God.

Continue reading below ↓

“Dasal lang talaga to keep me strong and not to lose hope.”

Mananatiling bukas ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa panig ng pamunuan ng Eat Bulaga! kaugnay ng mga pahayag ni Ruby Rodriguez.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruby Rodriguez when asked if she was fired or she left Eat Bulaga: "Hindi ko alam kung ano ang desisyon nila, but it’s management’s decision, and we always respect that. With regards if they take you out just like that, they just drop you like a hot potato, I think it’s them who can answer that."
PHOTO/S: @rubyrodriguez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results