Maris Racal finally admits real score with Rico Blanco: "I think it's very obvious."

by Rachelle Siazon
May 31, 2021
Maris Racal gives telling answer when asked about the status of her relationship with Rico Blanco. She says, "Kami po ni Rico, uhm... I think, basing po sa post na ginawa ko po, I think it's very obvious."
PHOTO/S: Maris Racal on YouTube

Sa wakas ay umamin na si Maris Racal na higit sa pagiging magkaibigan at magkatrabaho ang relasyon nila ni Rico Blanco.

Nitong Lunes ng hapon, Mayo 31, humarap si Maris sa virtual presscon ng ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya, at dito siya nakorner kung ano nga ba ang tunay na estado ng ugnayan nilang dalawa.

Tanong ng Cinema News reporter na si Melba Llanera: "What is the real score between you and Rico?"

Halatang nabigla si Maris, pero natawa rin naman habang nag-iisip kung paano sagutin ang diretsahang tanong sa kanya.

"Ahhh... Grabe yung segue! Thank you po sa magandang intro na yun," nakangiting reaksiyon ni Maris.

Sabay dugtong niya, "Kami po ni Rico, uhm... I think, basing po sa post na ginawa ko po, I think it's very obvious."

Hindi naman na gaano nagdetalye si Maris, liban sa pagsasabing may niluluto rin silang bagong music collab ni Rico.

Continue reading below ↓

"Right now, we're very excited. We're busy din. We're preparing such beautiful music together.

"And yeah, abangan po nila yun soon. And yun po."

Ngiting-ngiti si Maris pagkatapos ng kanyang malamang pahayag.

Si Maris ay approaching 25 years old sa Setyembre, habang si Rico ay may edad na 48.

Pero hindi hadlang ang 24-year age gap base sa ganda ng samahan ng dalawa.

Sa Instagram Story ni Maris ngayong Lunes ng gabi, may post siyang birthday cake na may text na "age is just a number."

Hinihinalang tila may kaugnayan ito tungkol sa kanila ni Rico.

IG Stories: Maris Racal posts Age is just a number

Continue reading below ↓

"I'M YOURS AND SUDDENLY YOU'RE MINE"

Noong March 17, 2021, unang ipinahiwatig ni Maris ang tungkol sa pagsinta nila ni Rico sa isa't isa.

Ika-48 na kaarawan iyon ni Rico, at proud na ipinakita ni Maris ang sweet video nilang dalawa na kumakanta ng "Brighter Than Sunshine."

Ito ay sikat na love song ng Aqualung, at ang lyrics ay tungkol sa saya ng dalawang taong nag-iibigan.

Nag-duet sila sa chorus na ito:

"What a feeling in my soul / Love burns brighter than sunshine / Brighter than sunshine

"Let the rain fall, I don't care / I'm yours, and suddenly you're mine

"Suddenly, you're mine / And it's brighter than sunshine."

Sa comments section ay nag-reply si Rico ng "hahaha love you!!! [flamingo emojis]"

TRENDING TWEETS OF MARIS

Bunsod nito ay nag-trend sa Twitter ang old tweets ni Maris na ni-repost ng fans na kinikilig dahil noong 2017 ay nagsimula ang dalaga bilang "fan girl" ni Rico.

Continue reading below ↓

Hanggang sa noong December 2018 ay agarang pumayag si Rico na makipag-music collab kay Maris.

Taong 2019 nang lumabas ang kanta ni Maris na "Abot Langit."

Mula noon ay naging malapit na magkaibigan at magkatrabaho ang dalawa.

MORE CLUES FROM SOCIAL MEDIA POSTS

Sa kasagsagan ng espekulasyon tungkol sa malamang Instagram post ni Maris, humirit ang aktres na si Ruffa Gutierrez tungkol sa sikretong nalantad na sa publiko.

Hinihinalang may nalalaman si Ruffa tungkol sa namumuong ugnayan nina Maris at Rico.

Noong March 19, sinundan ni Ruffa ang panunukso niya kay Maris nang mag-post ang singer-actress ng solo picture kalakip ng caption na "u make me feel special."

Nagkomento si Ruffa at waring inuusisa si Maris kung sino ang tinutukoy nito sa post.

Grinning face with star eyes emojis ang sagot ni Maris.

Nahinuha ng netizens na may espesyal na ugnayan ang dalawa dahil sa mga post na ito ni Maris at pati na rin sa "love you" message ni Rico rito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maris Racal gives telling answer when asked about the status of her relationship with Rico Blanco. She says, "Kami po ni Rico, uhm... I think, basing po sa post na ginawa ko po, I think it's very obvious."
PHOTO/S: Maris Racal on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results