Yassi Pressman reveals NBA star Damian Lillard donated generous amount to PGH

by Arniel C. Serato
Jun 1, 2021
Yassi Pressman grateful to NBA star Damian Lillard for his generous donation to Philippine General Hospital: "Huuuuge thanks to big brother @DamianLillard for sending over such a generous amount, kahit na wala siya sa Pilipinas, just to be able help.”
PHOTO/S: Courtesy: @yassipressman / @damianlillard on Instagram

Isa si Yassi Pressman sa nagpaabot ng tulong pagkatapos ng nangyaring sunog sa Philippine General Hospital (PGH) noong May 16, 2021.

Tinatayang nasa P60 million ang halaga ng natupok sa apoy sa loob ng government hospital.

Kaugnay nito, gumawa ng sariling fundraising campaign ang aktres.

Noong Sabado, May 29, ibinigay na ni Yassi sa PGH management ang kanyang naipong halaga para makatulong sa pagpapaayos at pagbili ng mga nasirang kagamitan sa nasunog na bahagi ng ospital.

Pagbabalita ni Yassi sa kanyang post sa Instagram, “On May 16, 2021 the Philippine General Hospital was hit by a catastrophic fire which destroyed medical equipment and put people’s lives at risk, especially the babies in the NICU on the floor directly above the fire.

“Last Saturday we took the time to visit PGH, the hospital was in dire need of help.

"Coming to PGH made me deeply appreciate all the nurses, the volunteers, the staff and the mission of the hospital.

Continue reading below ↓

“80% of the patients that are checked in, are taken care of for free. They perform close to 30,000 surgeries a year charitably.

“It was really heartbreaking seeing all of the infants, sobrang saludo po ako sa lahat ng mga tumulong.

“Ikwinento po nila sakin kung papano nila sinubukang iligtas ang mga sanggol habang nasusunog na ang lugar at halos binubulsa nila yung mga maliliit na bata at manually po nilang pinupump ang oxygen sa mga munting baga nila para lang mabuhay.

“Saludo po ako sa mga taong di nagdalawang isip at di sumuko na itakbo ang mga sanggol palabas ng ospital, tulungan silang huminga hanggang sa maipasok po ulit ang mga breathing machines nila at mailagay sila sa ligtas na lugar.

“Sa awa ng Diyos wala pong isang bata ang hindi nagsurvive.

“Sana po matulungan pa natin ang PGH.”

Kasunod na nagpasalamat si Yassi sa mga tumulong sa kanya sa fundraising na kanyang pinasimulan.

Continue reading below ↓

Ginulat ni Yassi ang kanyang followers nang mabanggit niya ang pangalan ng National Basketball Association (NBA) star at Portland Trail Blazers guard na si Damian Lillard.

Sabi ni Yassi, “I want to say thank you to @repronnieong for coming with me right away pagkatapos ko sabihing gusto kong mabisita ang @pghmedicalfoundation, my friend @rajpiku for helping me donate.

“Also, huuuuge thanks to big brother @DamianLillard for sending over such a generous amount, kahit na wala siya sa Pilipinas, just to be able help.”

Ayon sa mga lumabas na ulat, umabot daw sa isang milyong piso ang ibinigay ni Lillard.

Sa kanyang Instagram Stories ngayong araw, June 1, ibinahagi naman ni Lillard ang screenshot ng balita ukol sa kanyang pagtulong sa PGH.

Damian Lillard PGH donation

Continue reading below ↓

Dalawang beses nang nakabisita sa Pilipinas si Lillard: una, bilang bahagi ng The Last Home Stand charity basketball event noong taong 2014; at pangalawa, sa isang promo tour para sa kanyang shoes sponsor noong taong 2016.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yassi Pressman grateful to NBA star Damian Lillard for his generous donation to Philippine General Hospital: "Huuuuge thanks to big brother @DamianLillard for sending over such a generous amount, kahit na wala siya sa Pilipinas, just to be able help.”
PHOTO/S: Courtesy: @yassipressman / @damianlillard on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results