Aga Muhlach, wife Charlene, twins Andres and Atasha get their first jab of COVID-19 vaccine

by Arniel C. Serato
Jun 1, 2021
Charlene Gonzalez after her whole family was vaccinated with COVID-19 vaccines: "Encouraging everyone to get vaccinated towards achieving herd immunity."
PHOTO/S: Courtesy: City Government of Muntinlupa on Facebook

Nakatanggap na ng kanilang unang dose ng COVID-19 vaccine ang pamilya ng aktor na si Aga Muhlach, 51.

Aga Mulach COVID-19 vaccination

Kahapon, May 31, nabakunahan si Aga, ang misis niyang si Charlene Gonzalez, 47, at ang kanilang anak na kambal na sina Andres at Atasha Muhlach, 20.

Continue reading below ↓

Charlene Gonzalez COVID-19 vaccination

Ayon sa anunsiyo ng City Government of Muntinlupa Facebook page ngayong araw, June 1, sa Festival Mall vaccination site nabakunahan sina Aga.

Daughter Atasha COVID-19 vaccination

Continue reading below ↓

Sumunod daw sila sa lahat ng proseso katulad ng pagre-register online.

Son Andres COVID-19 vaccination

Ayon naman sa impormasyong nasagap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kabilang ang pamilya ni Aga sa A3 (persons with comorbidities) category.

Nasa A1 (medical frontliners), A2 (senior citizens), at A3 categories pa lamang ang binabakunahan ngayon sa bansa.

Continue reading below ↓

Buong post ng Muntinlupa government: “TINGNAN: Patuloy ang isinasagawang pagbabakuna sa mga Major Hubs ng lungsod, nagrerehistro sa MUNCOVAC online, at makatatanggap ng confirmation text ng inyong schedule, oras, at mga dapat dalhin, layunin nito ay upang maiwasan ang WALKINS.

“Bukod sa City Health Office ay katuwang ang iba't-ibang tanggapan na tumutulong para maging maayos ang sistema.

“Isa ang pamilya ni Aga Muhlach na sumailalim sa Step by Step line at registration, naganap ang pagbabakuna sa Festival Mall Underground Parking, kasabay nila ang iba't-ibang tao mula sa Alabang, Ayala, atbp.

“Taos-pusong pasasalamat ang kanilang ipinaabot sa Pamahalaang lungsod.”

Continue reading below ↓

Ayon naman sa post ni Charlene sa kanyang Instagram kahapon, AstraZeneca ang bakunang naiturok sa kanila.

Hinikayat din niya ang lahat na magpabakuna na para maabot na natin ang herd immunity.

Sabi ni Charlene sa kanyang post, “First shot done of Astra Zeneca.. Thank you MunCoVac & Muntinlupa City for the seamless and easy vaccination process. Encouraging everyone to get vaccinated towards achieving herd immunity.

"Let’s protect our loved ones by getting vaccinated. Maraming Salamat.

"Register now in your LGU

"#letsgetvaccinated #vaccinessavelives #ItWasNotPainfulAtAll #BakunadongMuntinlupeño"

Patuloy na iniengganyo ng pamahalaan na magpabakuna na ang mga mamamayan ngayong paparating na ang milyun-milyong bakuna sa bansa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Charlene Gonzalez after her whole family was vaccinated with COVID-19 vaccines: "Encouraging everyone to get vaccinated towards achieving herd immunity."
PHOTO/S: Courtesy: City Government of Muntinlupa on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results