Two Miss Philippines Earth 2021 candidates not in favor of trans women joining pageants for natural-born women; Kevin Balot agrees

by Bernie V. Franco
Jun 2, 2021
Miss Philippines Earth 2021 candidates Jermini Nuque (left) and Daena Yapparcon (center) say that trans women should have their own pageant and should not join beauty pageants for natural-born women. Meanwhile, Kevin Balot (right), a trans women titleholder, also agrees.
PHOTO/S: Facebook (Miss Philippines Earth) / @kevinbalot on Instagram

Dalawang kandidata ng Miss Philippines Earth 2021 ang hindi sang-ayon sa pagsali ng transgender women sa beauty pageants para sa natural-born women.

Ngayong June ay ipinagdiriwang ang Pride Month.

Ipinakilala sa press ang unang batch ng Miss Philippines Earth 2020 candidates kagabi, June 1.

Dito ay tinanong sina Daena Yapparcon (Miss El Nido, Palawan) at Jerimi Nuqui (Miss Caloocan) kung payag ba silang maging kandidata sa sinalihan nilang pageant ang trans women.

MISS EL NIDO

Ayon kay Miss El Nido, ang beauty pageants ay pagdiriwang para sa natural-born women.

Kung siya raw ang tatanungin, mas mainam kung magkaroon ng sariling pageant para sa transgender women.

Sagot ni Yapparcon: “I do believe that beauty pageant celebrates the beauty of women, the natural beauty of women.

“So, I do believe that it already celebrates the femininity.

“I believe that transgenders should have their own beauty pageants.

“And it’s because to celebrate their own beauty, and to let people know that and to have the respect they deserve.”

Continue reading below ↓

MISS CALOOCAN

Bungad naman ni Miss Caloocan, napapanahon ang tanong at siya mismo ay nakikita sa social media na kasalukuyan itong pinag-uusapan.

Sabi ng aspiring beauty queen, “It’s a nice question. Some of the transgender and women are talking about it especially in TikTok. I see it."

Pareho sila ng opinyon ni Miss El Nido na ang pageants na gaya ng Miss Philippines Earth ay para sa mga babae.

“So, my answer is no,” ani Nuqui.

Paliwanag pa niya, “I respect transgender. I respect their community, as their opinion on their selves.

“But I also believe we need inclusivity.

“Miss Universe, we are celebrating the natural-born women.

“And I believe too that this transgender, they have their own pageants where they can showcase their skills, their talents, their beauty.

“And as long as we respect each other’s values, I think we can have a better world where a war-zone earth can turn into a beautiful and a wonderful one.”

Continue reading below ↓

KEVIN BALOT AGREES

Iginiit naman ng Pinay transgender beauty queen na si Kevin Balot ang dati niyang sinabi na dapat ay hiwalay ang pageants ng natural-born women at trans women.

Noong 2012 ay kinoronahan si Kevin bilang Miss International Queen, ang itinuturing na most prestigious beauty pageant para sa trans women.

Ang isinusulong ni Kevin ay mabigyan ng pantay na pagtingin ang beauty pageants para sa trans women at pageants para sa natural-born women.

Eksaktong isang taon na ang nakalilipas nang nag-trending si Kevin sa pahayag niyang ito.

Binatikos siya ng mga pumapabor na payagan ang pagsali ng trans women sa Miss Universe pageant.

Kagabi, June 1, ni-repost ni Kevin ang Facebook post ng netizen na kapwa niya trans woman.

Sa post ng netizen, sinabi nitong ipinagdiwang niya ang pagkakasali ni Miss Spain Angela Ponce, isang trans woman, sa Miss Universe 2018.

“It felt like the first time a man landed on the moon,” anang netizen.

Continue reading below ↓

Pero meron nga raw prestihiyosong pageants para sa trans women gaya ng Miss International Queen, kung saan nanalo si Kevin at si Trixie Maristela noong 2015.

Iyon daw ang nais niyang mabigyang pansin—bigyan ng parehong importansiya ang kanilang pageant, kagaya ng Miss Universe.

Ang ipagdiwang ang pagkapanalo nina Kevin at Trixie, gaya ng ipinagdiwang ang pagkapanalo noon nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Sabi ng netizen, ito ang “better definition of inclusivity and equality.”

Sang-ayon dito si Kevin.

Caption ng trans woman titleholder: “Thank you soo much!! [heart emojis]

“Hindi lang sa Miss Universe kundi sa lahat ng international platform na sinasalihan natin.”

Kevin Balot on trans women joining pageants for natural-born women

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Philippines Earth 2021 candidates Jermini Nuque (left) and Daena Yapparcon (center) say that trans women should have their own pageant and should not join beauty pageants for natural-born women. Meanwhile, Kevin Balot (right), a trans women titleholder, also agrees.
PHOTO/S: Facebook (Miss Philippines Earth) / @kevinbalot on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results