Regine Velasquez, Ogie Alcasid now fully vaccinated with Sinovac COVID vaccine

by Arniel C. Serato
Jun 2, 2021
Last March 2021, Ogie Alcasid and wife Regine Velasquez cast doubt on available vaccine in the country which was Sinovac. But after some research, they availed the Chinese-made COVID-19 vaccine and are now fully vaccinated.
PHOTO/S: Courtesy: @reginevalcasid / @ogiealcasid on Instagram

Masayang ibinahagi ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid na fully vaccinated na sila ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Sa kanilang Instagram accounts ngayong araw, June 2, sinabi ng mag-asawa na naturukan na sila ng kanilang second dose matapos ang halos isang buwan mula nang sila ay mabigyan ng kanilang first dose.

Kabilang ang dalawa sa A3 (persons with comorbidities) category sa vaccination priority.

A1 (medical frontliners), A2 (senior citizens), at A3 pa lamang ang binabakunahan ngayon sa bansa.

Sa kanyang post, hinikayat ng Asia’s Songbird ang lahat na magpabakuna na kung may pagkakataon upang maabot na natin ang herd immunity.

Aniya (published as is), “We finaly finished our second dose. Thank you to everyone who made this possible.

“I encourage all of you to have yours too. For us to atchive herd immunity at least 70 to 80 % of our population need to be vaccinated.

“This is the only way we can all go back to our normal lives. God bless po “#QCProtektadosaBakunangSigurado

Continue reading below ↓

“SO FAR, SO GOOD”

Sabi naman ni Ogie, muli silang na-expose ng asawa sa isang COVID-19 positive kaya kinailangan nilang mag-isolate para ma-avail nila ang kanilang second dose.

Ayon pa sa singer-songwriter, lahat daw ng bakuna ay epektibong panlaban sa virus at hindi na kailangan pang pagdudahan ang pagiging epektibo nito.

Ang kaisipan daw kasi ng mga tao ay ang Pfizer vaccine ng Amerika ang pinakamahusay sa lahat ng bakuna.

Saad niya, “After getting exposed again to a covid positive at work, wifey and I had to quarantine again to fulfill the requirement for the second jab.

“Salamat sa lahat. Salamat Panginoon sa biyaya. Alam natin na marami pa rin ang nagdadalawang isip magpabakuna.

“Noong una ay Pfizer ang akala naming mahusay nguni’t sa aming mga nabasa pagkatapos ay kung ano ang ibigay yun ang pinakamabisa.

“Sinovac ang natoka sa amin at so far so good. Naisip ko ang pamilya ko, at ang mga katrabaho ko.

Continue reading below ↓

Malaking kaibahan ito sa mga sinabi nina Ogie at Regine noong Marso kung saan Sinovac pa lamang ang available vaccine sa bansa.

Sabi niya sa panayam noon ng PEP Troika, "I think our family is ready… halos lahat ngayon, nagri-research tungkol sa bakuna, lalo na yung asawa ko.

“Parang gusto namin si Pfizer, Moderna o si AstraZeneca. Any of those three, parang okay sa akin.”

Pero dahil daw sa mga nabasa nilang magandang reviews sa Sinovac, wala na itong problema sa kanila.

Ang mahalaga rin, may panlaban na silang pamilya sa virus.

Dagdag pa niya, "Kaya ako nagpabakuna, hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa nakararami. Kaya maging protektodo, sa bakunang sigurado”

View this post on Instagram

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)

May pitong COVID-19 vaccines na may emergency use authority (EUA) na sa Pilipinas.

Ito ay ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac, Sputnik V, Moderna, Janssen, at Bharat BioTech.

COVID-19 Vaccines

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Last March 2021, Ogie Alcasid and wife Regine Velasquez cast doubt on available vaccine in the country which was Sinovac. But after some research, they availed the Chinese-made COVID-19 vaccine and are now fully vaccinated.
PHOTO/S: Courtesy: @reginevalcasid / @ogiealcasid on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results