Kyline Alcantara reveals John Lloyd Cruz was her childhood crush

by Arniel C. Serato
Jun 3, 2021
Kyline Alcantara shares on Instagram Stories cute throwback photos with actor John Lloyd Cruz.
PHOTO/S: Courtesy: @itskylinealcantara on Instagram

Kasabay ng pag-ugong ng balita tungkol sa big television comeback ni John Lloyd Cruz sa GMA-7, mukhang maraming Kapuso stars ang nae-excite sa kaganapang ito.

Kabilang sa kanila si Kyline Alcantara.

Sa kanyang Instagram Stories kagabi, June 2, ibinahagi ni Kyline ang mga lumang larawan nila ni John Lloyd.

Makikitang batang-bata pa si Kyline at maaaring kuha ito noong nasa ABS-CBN pa siya.

Sabi niya sa caption: “crush. (heart emoji)”

IG Stories: Kyline Alcantara throwback photos with John Lloyd Cruz

Continue reading below ↓

Wala nang ibang detalye na ibinigay si Kyline ukol sa dalawang larawan nila ng magaling na aktor.

Taong 2017 nilisan ni Kyline ang Kapamilya network para lumipat sa GMA-7.

JOHN LLOYD’S GRAND TV COMEBACK

Noong May 30, inulat ng Cabinet Files dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang big TV comeback ni John Lloyd.

Ito ay sa pamamagitan ng 6-6 Shopee Super Mega Fiesta TV special na pangungunahan ni Willie Revillame at mapapanood sa Kapuso Network sa darating Linggo, June 6, 2 p.m.

Magsisilbing blocktimer producer si Willie ng TV special na magaganap sa Smart Araneta Coliseum.

Si Willie mismo ang kumausap sa comebacking actor para sa special guesting nito.

Ito ang hudyat ng pagbabalik ni John Lloyd, na pansamantalang lumisan sa show business noong October 2017.

Bukod pa rito, may binabalak ding sitcom sina Willie at John Lloyd kasama ang Kapuso actress na si Andrea Torres.

Twist of fate na matatawag sakaling matuloy ang proyekto dahil si John Lloyd ay ang dating partner ni Ellen, na engaged na ngayon kay Derek Ramsay. Si Derek ang dating boyfriend ni Andrea.

Continue reading below ↓

Kaya marami ang nananabik sa nasabing sitcom kung mag-materialize ito.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyline Alcantara shares on Instagram Stories cute throwback photos with actor John Lloyd Cruz.
PHOTO/S: Courtesy: @itskylinealcantara on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results