Jenine Desiderio calls Markus Paterson “my big son”

by Arniel C. Serato
Jun 3, 2021
Jenine Desiderio pens heartwarming message for daughter Janella Salvador's boyfriend Markus Paterson on his 23rd birthday today, June 3.
PHOTO/S: Courtesy: @j9desire / @superjanella on Instagram

Halatang tanggap na tanggap na ni Jenine Desiderio sa kanilang pamilya si Markus Paterson, ang boyfriend ng anak ng singer-actress na si Janella Salvador.

Sina Markus at Janella ay may isa nang anak na lalaki, si Jude.

Sa Instagram, tinawag ni Jenine si Markus na “my big son” sa okasyon ng kaarawan ng aktor.

Ngayong araw, June 3, ang ika-23 kaarawan ng Star Magic artist.

Makikita sa post ni Jenine ang isang throwback video nina Markus at Janella na naglalaro ng card game noong nasa U.K. pa sila.

Makikita ring buntis pa si Janella sa video.

Sabi ni Jenine sa caption, “Happy birthday, my ‘Big Son’! @markus Thank you for always making us laugh by simply being yourself. This is one of my favorite moments.

“Stay strong for you also have us now, your extended family, on your side to be with you in all your battles #ohana

Ang “ohana” ay isang Hawaiian term na ang ibig sabihin ay “family.”

Continue reading below ↓

View this post on Instagram

A post shared by Jenine Desiderio (@j9desire)

JANELLA-MARKUS RELATIONSHIP

Nagkakilala sina Markus at Janella sa set ng ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya noong Pebrero 2019.

Simula noon, naging maganda na ang pagtitinginan nila. Pero wala pa raw label ang kanilang relasyon.

Paliwanag ni Markus noon tungkol dito, “Honestly, what you see is what you get, like, label or not label, I don’t think it really matters.”

Kahit wala pa mang matatawag na label, masasabing may maganda na silang ugnayan.

Sabi pa ni Markus, “Kasi, it’s a lot better that whatever we have is ours, you know.

“Kahit showbiz kami or hindi, like, it’s obviously better for our relationship regardless of what relationship it is, will stay in between those two people.”

Kalagitnaan ng taong 2020, lumutang ang balitang buntis si Janella.

Lalo pa itong umingay sa social media dahil sa biglaang pag-amin ni Markus sa relasyon nila ni Janella noong September 12, 2020.

Pagkalipas ng ilang oras, si Janella naman ang nag-post sa Instagram tungkol sa relasyon nila ni Markus.

Continue reading below ↓

Uminit lalo ang usaping buntis nga si Janella nang lumipad ito patungong ibang bansa.

Noong September 17, isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nagkumpirmang buntis nga si Janella.

Oktubre nanganak si Janella.

January 5, 2021, sina Janella at Markus na mismo ang nagpakilala sa kanilang anak na lalaki sa publiko.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jenine Desiderio pens heartwarming message for daughter Janella Salvador's boyfriend Markus Paterson on his 23rd birthday today, June 3.
PHOTO/S: Courtesy: @j9desire / @superjanella on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results