Carlo Aquino reacts to Angelica Panganiban's blooming relationship with non-showbiz boyfriend

by Melba R. Llanera
Jun 3, 2021
Carlo Aquino on working again with ex-girlfriend Angelica Panganiban in the future: "Tingnan natin kung may mag-o-offer. Let's cross the bridge when I get there."
PHOTO/S: @jose_liwanag / @iamangelicap Instagram

Hiningan ng reaksiyon si Carlo Aquino, 35, tungkol sa blooming love life ngayon ng ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban, 34.

January 1, 2021 nang unang isapubliko ni Angelica ang pagsinta sa non-showbiz boyfriend na si Gregg Hoffman.

Hiling ni Carlo na magpatuloy ang masayang buhay pag-ibig ni Angelica.

Ayon kay Carlo, "Masaya ako. Siyempre masaya ako sa kung nasaang punto siya ng buhay niya.

"Yun lang din naman ang gusto ko for her. Siyempre yung maging masaya at maging buo sa kung ano ang makakapagpabuo sa kanya bilang tao."

Noong Hunyo 1, nakapanayam si Carlo ng awtor ng ito at ibang co-hosts ng Showbiz Café, isang Kumu show sa ilalim ng FYE Channel ng ABS-CBN.

NO COMMUNICATION WITH ANGELICA

Hindi kaila sa publiko na hindi naging maganda ang pagtatapos ng pagkakaibigan nina Carlo at Angelica noong first quarter of 2019.

Noong panahong iyon ay nauugnay si Angelica kay Carlo habang magkatrabaho sila sa defunct Kapamilya daytime series na Playhouse.

Continue reading below ↓

Una silang nagbalik-tambalan sa pelikulang Exes Baggage na pinalabas noong September 2018.

Enero ng taong 2019 nang nabalitaan na lang ni Angelica ang relasyon ni Carlo sa non-showbiz girl na si Trina Candaza.

Naging bukas si Angelica sa sama ng loob niya noon kay Carlo.

Nagkaroon na ba ng tsansang makapag-usap sila muli?

Sagot ni Carlo, "Hindi pa. Hindi pa siguro ngayon. In time, maybe after pandemic."

Ngayong pareho nang masaya sina Angelica at Carlo sa kani-kanilang personal na buhay, may CarGel fans ang nag-aabang kung posibleng magtambal silang muli sa pelikula.

Hindi naman isinasara ni Carlo ang posibilidad na makatrabaho muli ang ex-girlfriend.

"Tingnan natin kung may mag-o-offer. Let's cross the bridge when I get there," sabi ng aktor.

WEDDING PLANS?

Dahil may anak na nagbubuklod kay Carlo at sa partner niyang si Trina, marami ang nagtatanong kung may plano na bang magpakasal ang dalawa.

Sagot ni Carlo, "Wala pa naman, pero napag-uusapan na namin."

Continue reading below ↓

Nabanggit din ng aktor ang posibleng wedding venue na gusto niya.

"Sa bundok? Oo, kasi mas malapit sa nature. Pero di ko alam dahil pandemic kung magagawa."

Hindi man sila kasal sa ngayon, siniguro naman ni Carlo na loyal siya kay Trina lalo't may anak na sila.

"Oo naman. Siyempre iisipin mo pamilya," saad ni Carlo.

Inspirado raw si Carlo sa kanyang trabaho dahil sa anak nila ni Trina na si Baby Mithi.

Sabi ni Carlo, "Siguro iba yung inspirasyon pag may sarili kang pamilya. Mas gusto mong mapaganda ang future kasama sila.

"Dati pag may binibili ako at nandiyan na, 'Kailangan ko ba talaga ito?' Pero pag kay Mithi, okay lang."

Ang hiling ng aktor ay mas maraming trabaho pa ang dumating para mas makaipon para sa pamilya.

"Work pa para mas ma-settle ko yung future ng family, yung future ni Mithi. Sa ngayon, yun naman talaga ang pinagtatrabahuan ko talaga."

Continue reading below ↓

Malapit nang mapanood muli si Carlo sa pamamagitan ng La Vida Lena, ang Kapamilya teleserye na pinagbibidahan ni Erich Gonzales.

Unang ipinalabas online ang serye, pero eere rin ito sa Kapamilya Channel simula sa Hunyo 28.

Ani Carlo, "Yung pinalabas sa online, ten episodes pero compact siya. Sa free TV ipalalabas talaga yung full episodes, yun ang ginawa nila. Parang teaser lang yung ten episodes sa online kaya mas marami pa silang aabangan sa free talaga."

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Aquino on working again with ex-girlfriend Angelica Panganiban in the future: "Tingnan natin kung may mag-o-offer. Let's cross the bridge when I get there."
PHOTO/S: @jose_liwanag / @iamangelicap Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results