Dennis Padilla reveals 2019 convo with Gerald Anderson about Julia Barretto and Bea Alonzo

by Rachelle Siazon
Jun 4, 2021
Dennis Padilla speaks about defending his daughter Julia Barretto when she got dragged into the controversial breakup of Gerald Anderson and Bea Alonzo. Part of Dennis's conversation with Gerald back in 2019: "Tapos sabi ko, 'Sana ipagtanggol mo in public.' Sabi niya, 'Sige, tomorrow, Tito Dennis, magbibigay ako ng interview."
PHOTO/S: @dennisastig / @julia / @andersongeraldjr / @beaalonzo Instagram Instagram

Inamin ni Dennis Padilla na kinausap niya si Gerald Anderson sa kasagsagan ng kontrobersiya sangkot sina Julia Barretto at Bea Alonzo noong July 2019.

Si Julia ay anak ni Dennis sa dating asawa na si Marjorie Barretto.

Hindi kaila sa publiko na malaking isyu ang hiwalayan ni Gerald at dating nobyang si Bea noong July 2019.

Halos dalawang taon ang nakalipas, nitong Hunyo 4, 2021, inamin ni Dennis sa YouTube vlog ni Ogie Diaz na apektado siya nang madawit si Julia sa Bea-Gerald breakup.

Ayon kay Dennis, kinausap niya si Gerald noon para alamin kung ano ang tunay na pangyayari noong panahong iyon.

"Natanong ko kay Gerald noon kung 'Syota mo ba pa si Bea?' Ang sabi niya, 'Hindi.'

"Sabi ko, 'Okay, para wag naman lumabas na kontrabida yung anak ko.'

"Tapos sabi ko, 'Sana ipagtanggol mo in public.' Sabi niya, 'Sige, tomorrow, Tito Dennis, magbibigay ako ng interview."

Pero hindi natuloy ang plano ni Gerald na linawin ang isyu.

Continue reading below ↓

Ani, Dennis, "Pero hindi natuloy the next day dahil they were waiting for Mariole who's coming from the States.

"Parang ang gusto nila, pagdating ni Mariole, doon... Hindi ko alam bakit hindi natuloy iyong interview na iyon."

Ang tinutukoy niyang "Mariole” ay si Mariole Alberto, na noong panahong iyon ay head ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Pare-parehong Star Magic artists noon sina Gerald, Bea, at Julia.

Kuwento pa ni Dennis, bago ang inaasahang pagpapainterbyu ni Gerald ay nakorner ng internal media ng ABS-CBN si Bea.

Nangyari iyon noong July 26, 2019, matapos ang story conference ng nilulutong serye na pagbibidahan sana ni Bea.

Napanood daw ni Dennis ang pahayag ni Bea na wala silang formal breakup ni Gerald.

Balik-tanaw ni Dennis, "And then, nung gabi na iyon, doon na-ambush interview si Bea. 'Ay, hindi ko alam na wala na kami. Basta hindi na lang siya tumawag, chuchuchu.'

Continue reading below ↓

"E, nanonood ako noon. Sabi ko, 'Ay, magsyota pa ito.'"

Bilang ama ni Julia, nakaramdam daw ng galit si Dennis kay Gerald.

"Kasi siyempre, feeling ko tinu-two-time mo anak ko. E, siyempre siguro nabigla din ako," pag-amin ni Dennis.

BACK STORY

Noong July 23, 2019, naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isang source ng Cabinet Files ang nagsabing nagkausap sa telepono sina Gerald at Dennis.

Sa naturang pag-uusap, umamin umano si Gerald na hiwalay na sila ni Bea. Sinabi rin daw ni Gerald kay Dennis na nililigawan niya si Julia.

Ayon pa sa source, si Dennis ang tumawag kay Gerald dahil nabahahala ito sa mga batikos na natatanggap ni Julia, na naaakusahang third party sa hiwalayang Bea at Gerald.

Nanindigan naman noon sina Gerald at Julia na wala silang relasyon.

Iginiit din noon ni Gerald na hindi si Julia ang dahilan ng breakup nila ni Bea, kundi personal na isyu nila ng dating nobya.

Continue reading below ↓

how dennis dealt with the issue

Back to present time, inalala ni Dennis na noon ngang kasagsagan ng isyu ng tatlo ay nakapagbitiw siya ng salita tungkol kay Gerald.

Tila hindi iyon nagustuhan ni Julia.

Ani Dennis, "Feeling ni Julia, 'Papa naman nag-react ka agad, e. Di mo naman alam tunay na istorya.' Parang ganun.

"Nung nalaman ko na sila na rin, sige tanggap ko na iyan... Suportahan ta ka. Kasi 24 na rin si Julia."

Hindi malinaw kung aling interbyu ni Dennis ang sinasabi niyang nakapagbitiw siya ng hindi magandang salita tungkol kay Gerald.

Basta noong Mayo 1, 2021, mapapanood sa vlog ni Julia ang paghingi ng paumanhin ni Dennis sa kung anumang nasabi niya noon tungkol sa nobyo ng anak.

Pahayag ni Dennis, "Sa interview dun, sabi ko, 'I'm sorry kung may nasabi ako sa interview na about kay Gerald. Natural lang naman iyon kasi tatay ako. I'm sorry kung meron akong nasabing hindi maganda.'"

Continue reading below ↓

Noong Marso 5, 2021, inamin ni Gerald na kasintahan niya si Julia. Mula noon ay naging bukas ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon.

Kinumusta ba ni Dennis ang relasyon nina Julia at Gerald ngayon?

Sagot ni Dennis kay Ogie, "During the interview [on Julia's vlog], wala. Nahiya ako magtanong."

Kita naman daw ni Dennis na mahal ni Julia ang nobyong si Gerald.

Boto ba si Dennis kay Gerald?

Sagot uli ni Dennis, "Well, mahalin lang niya anak ko. Huwag mo lolokohin. Huwag mo lang sasaktan."

Kung saka-sakali, pabor daw si Dennis na personal na makausap si Gerald.

Pahayag ng beteranong aktor: "Hindi pa kami nag-uusap. Okay lang sa akin kung kakausapin niya ako.

"Malaking bagay sa akin yun. It's showing your respect to the dad ng minamahal mo.

"Mas mapapakita mo na mahal mo yung anak ko kung irerespeto mo yung tatay niya.

"Ano ba pag-uusapan natin? 'Mahalin mo lang yung anak ko. Huwag mo lang sasaktan.' Yun lang. Lalaki din naman akong kausap."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla speaks about defending his daughter Julia Barretto when she got dragged into the controversial breakup of Gerald Anderson and Bea Alonzo. Part of Dennis's conversation with Gerald back in 2019: "Tapos sabi ko, 'Sana ipagtanggol mo in public.' Sabi niya, 'Sige, tomorrow, Tito Dennis, magbibigay ako ng interview."
PHOTO/S: @dennisastig / @julia / @andersongeraldjr / @beaalonzo Instagram Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results