Watch Now

Rabiya Mateo, Neil Salvacion unfollow each other on Instagram

by Arniel C. Serato
Jun 4, 2021
After declaring her "complicated" relationship, Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo unfollowed boyfriend Neil Salvacion on Instagram.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook

Tuluyan na bang naghiwalay ng landas si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at ang nurse na si Neil Salvacion?

Ngayong Biyernes, Hunyo 4, hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata ng netizens ang pag-unfollow nina Rabiya at Neil sa isa’t isa sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naiulat din ito ng ilang online news site at sa maraming social media page.

Kaya hinala ng netizens, tinuldukan na talaga nina Rabiya at Neil ang pitong taong relasyon nila.

Unang umingay ang balitang nagkalamat ang relasyon ng dalawa noong huling bahagi ng Mayo dahil sa pagbura ni Neil ng kanilang mga larawan nila ni Rabiya sa kanyang Instagram account.

Sa panayam ni Boy Abunda sa Ilongga beauty queen para sa kanyang YouTube channel noong May 30, inilahad ni Rabiya ang estado nila ni Neil sa ngayon.

Ayon kay Rabiya, kumplikado ang estado ng relasyon nila ng nobyo.

Pahayag niya, "It's a complicated situation and we need to talk about things when I go back to the Philippines.

“We're friends, we’re friends. I still try to contact him but we need to have this space together as of the moment.”

Nasa Amerika pa rin si Rabiya matapos ang grand coranation ng Miss Universe 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa beauty queen, hindi niya isinasara ang posibilidad na magkaayos pa sila ni Neil dahil nagkaroon na raw sila ng kahalintulad na sitwasyon dati.

Saad ni Rabiya, “But I’m not closing any doors. We've been in this kind of situation before.

“We’ve been together for seven years and who knows po, who knows.”

THE SEVEN-YEAR RELATIONSHIP

Matapos koronahang Miss Universe Philippines 2020 noong Oktubre, inamin ni Rabiya na mayroon na siyang karelasyon.

Sabi pa ng 24-year-old beauty queen sa panayam sa kanya noon, “We’ve been dating for six years. He’s my first boyfriend... We’ve been together since college."

Dagdag pa ni Rabiya, “I can make a man stay!”

Very supportive daw si Neil sa kanyang pangarap maging Miss Universe Philippines.

Bago siya lumaban sa national pageant, nagkaroon daw sila ng sumpaan na kahit makuha niya ang korona ay hindi niya iiwan ang nobyo.

Nakangiting kuwento ni Rabiya, “He made me promise not to leave him even if I win the Miss Universe Philippines crown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I have a video stating that! He made me do that.”

Sa hiwalay na panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Rabiya noong November 2, 2020, sinabi ng Ilongga beauty queen na ang kanyang boyfriend ay mula sa Sta. Barbara, Iloilo.

Malaki raw ang pasasalamat niya kay Neil na iniintindi nito ang pagiging busy ng kanyang schedule mula nang tanghaling Miss Universe Philippines 2020.

Dagdag pa niya, isa si Neil sa nagbigay ng suwerte sa kanyang buhay.

Kuwento niya sa salitang Ilonggo, “May ara na ko migo. hahaha. 6 years na po.

“Buenas man ako sa iya. Actually proud gid siya ya noh.

“Pero gina-intindi ya gid ko subong. Like the busy schedule.

“Gina-intindi ya nga wala na ko masyado time para sa iya.

"Ang kailangan lang gid namon ni-remind nga even before the fame, I had him already.”

Ayon pa kay Rabiya, hindi siya tutulad sa iba na kapag nanalo ng korona ay iiwan na ang karelasyon nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Damo gahambal nga ang iban mabreak man na after having the crown.

“But we will make sure to work things out. If it's true love, it will never end.”

Naugnay ang pangalan ni Rabiya sa dating Pinoy Big Brother housemate na si Andre Brouillete, pero pinabulaanan niya ito. Magkatrabaho lang daw sila.

Itinanggi rin ito ni Andre.

Base naman sa impormasyong nakalap ng Cabinet Files, may masugid na nanliligaw raw ngayon si Rabiya mula sa Texas, USA.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring ihayag nina Rabiya at Neil tungkol sa isyung ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After declaring her "complicated" relationship, Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo unfollowed boyfriend Neil Salvacion on Instagram.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results