Tampok pa rin ng espekulasyon kung problemado ba si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kanyang love life.
Ito ay sa gitna ng usap-usapan sa social media na nag-unfollow si Rabiya sa kanyang Ilonggo boyfriend na si Neil Salvacion.
Ngayong Biyernes, Hunyo 4 (Philippine time), isang netizen ang bumatikos kay Rabiya dahil tila kinain daw ng beauty queen ang salitang binitawan nito tungkol sa nobyo.
Mukhang nabago raw ang pag-uugali ni Rabiya mula nang makilala bilang kandidata sa Miss Universe.
Puna ng netizen: "U can make your man stay? nasan na un? hay naku.. nakakainis ka na. basta sumisikat umiiba ang ugali."
Maiksi ngunit kalmado ang sagot ni Rabiya sa bumatikos dito.
Aniya, "Godbless you Maam."
RABIYA'S CRYPTIC POST
Ang palitan ng mensahe ng dalawa ay makikita sa comments section ng Instagram post ni Rabiya ngayong Biyernes, Hunyo 4.
Dito ay nagpakawala si Rabiya ng matalinhagang mensahe na tila nagpahiwatig na may pinapasan siyang suliranin.
Kalakip nito ang litrato niya habang nakadungaw sa bintana ng kanyang hotel room.
Sabi sa caption na may heart at praying emojis: "Praying for stronger spirit and tougher heart everyday."
Liban dito ay hindi idinetalye ni Rabiya kung may kinalaman nga ba sa kanyang love life ang kung anumang alalahanin niya.
Noon lamang May 30, inamin ni Rabiya na "it's complicated" ang relasyon nila ng longtime boyfriend na si Neil, at kailangan nila ng "space" sa isa't isa.
Pero sa panayam niyang iyon kay Boy Abunda, siniguro rin ni Rabiya na aayusin nila ni Neil kung anuman ang kanilang isyu.
First boyfriend daw ni Rabiya si Neil, at magkasintahan na sila sa loob ng anim na taon.
Kumpiyansa pang sabi ni Rabiya, "I can make a man stay!"
Kaya marami sa mga masugid na tagasubaybay ng Ilongga beauty queen kung bakit biglang naka-unfollow na sila ni Neil sa Instagram ng isa't isa.
SUPPORTIVE MESSAGE FROM MISS INDIA
Hindi rin naman nabanggit ni Rabiya kung ang dasal niyang magkaroon ng "tougher heart" ay may kinalaman sa patuloy niyang pagbangon matapos ang nabigong Miss Universe journey.
Kasalukuyang nasa U.S. pa rin si Rabiya.
Kung anu't ano man, kapansin-pansing nag-iwan ng mensahe si Miss India Adline Castelino upang palakasin ang loob ni Rabiya.
Tinawag ni Adline na "superstar" si Rabiya, at malayo pa raw ang maaabot nito sa hinaharap.
Si Adline ang Miss Universe 2020 third-runner up.
Sabi ni Adline kay Rabiya: "You were always the bravest!
"If God had given you the toughest journey, he has also given you the brightest mind and a forgiving heart.
"You will always be remembered @rabiyamateo the story hasn’t ended but just began."
Agad na nag-reply si Rabiya kay Adline: "Aaaaaawww. I miss you so much Babe. Virtual hugs for now."
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.