Alma Moreno accused of not paying P40K electric bill by condo owner

by Arniel C. Serato
Jun 4, 2021
According to Raffy Tulfo's staff, Alma Moreno allegedly denied the accusation hurled against her by condo owner Theresa Grenard: “Alam ng Diyos na wala akong ginagawang masama."
PHOTO/S: Viva Films

Inaakusahan si Alma Moreno ng hindi umano pagbabayad ng electric bill nang tumira ang actress-politician sa pag-aaring condo unit ng isang Pinay na nakabase sa Dubai, UAE.

Huwebes, June 3, dumulog sa programang Raffy Tulfo In Action si Theresa Grenard upang ireklamo ang hindi umano pagbabayad ng kuryente ni Alma sa iniwanan nitong condo unit.

Ayon kay Theresa, August 2020 pa tumira si Alma sa kanyang pagmamay-aring unit sa Azure Urban Resort Residences sa Parañaque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Salaysay niya, “Nung August 23, nagkataon pa na nasa Pilipinas ako.

“Tapos nagpunta po dun si Alma, nakiusap na... hindi ko talaga pinaparentahan ang condo ko kasi nga pandemic.

“'Tsaka ang daming hininging [papeles] ang Azure para makapag-stay sa Azure. So, sabi naman po ni Alma, magagawan niya po 'yan ng paraan.

"So, pumayag na rin po ako kasi nagtatrabaho po yung kapatid ko sa kanya.

“So, kakilala namin siya, kakilala siya ng kapatid ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli ay pumayag daw siyang parentahan ito kay Alma ng isang buwan.

Nagbigay raw si Alma ng paunang bayad na P35,000. Discounted na raw yun.

Pero lumipas ang ilang buwan ay hindi na raw nakipag-comminucate kay Theresa ang kampo ni Alma.

Tinatawagan daw niya si Alma, pero hindi ito sumasagot.

Ayon naman sa kapatid ni Theresa na nagngangalang Jet, busy raw ang aktres sa mga taping.

Ang electric bill na kailangang bayaran sa tinirhang condo unit ni Alma ay umabot daw sa P40,000.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw ito pang-isang buwang kunsumo dahil hindi masigurado ni Theresa kung anong petsa noong Pebrero 2021 umalis si Alma sa kanyang condo.

Hindi raw kasi ito nagpaalam.

Natuklasan daw ng kapatid ni Theresa, nang pinapuntahan niya ito noong March 9, na wala na si Alma at putol na rin ang kuryente at tubig sa condo unit.

May mga ipis at mukhang hindi raw masyadong nalinis ang unit.

August 25 to September 25, 2020 lamang ang usapan nila, pero nagpatuloy pa raw sa pag-stay si Alma sa condo.

Dapat daw ay may limang buwan pang dagdag na renta si Alma kay Theresa, pero hindi na raw niya ito sinisingil.

Ang nais lamang niya ay bayaran ni Alma ang bill ng kuryente na lagpas sa P40,000.

Saad ni Theresa, “Kumbaga, yung Meralco na lang na kinonsumo po nila, sila naman po ang gumamit noon, e.”

Yun na lang daw ang nais sana niya dahil kapag nagmi-message siya sa kampo ni Alma ay ramdam daw niyang pinahihirapan siyang maningil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Kuryente nga po, pahirapan pa pong bayaran, e, paano pa po nila babayaran yung limang buwan na renta?”

ALMA’S SIDE

Sinubukan ng grupo ni Raffy Tulfo na kunan ng kanyang panig si Alma. Pero ang sabi raw ng aktres sa kanyang staff ay ayaw nitong magsalita on-air.

Sabi ng staff ni Tulfo, gusto raw ni Alma na siya mismo ang kausapin nito.

Pero sabi ng TV host, ayaw niyang makipag-usap kay Alma kapag hindi nakikinig si Theresa.

Sabi naman daw ni Alma sa isa niyang staff, “Alam ng Diyos na wala akong ginagawang masama. Alam ng Diyos 'yan kaya hindi ko kailangang mag-explain sa inyo.”

Kakausapin na lang daw ni Alma ang kapatid ni Theresa na nagtatrabaho sa kanya.

Pagbubunyag naman ni Theresa, nagalit daw sa kanya ang kapatid niya dahil lumapit pa ito kay Tulfo.

Ang gusto lang daw ni Theresa ay makipag-usap si Alma sa kanya.

Dahil sa naging tugon ni Alma, wala raw choice si Theresa kundi babayaran na lang niya nang buo ang electric bill para maibalik ang linya ng kuryente sa kanyang condo unit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpadala rin ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alma sa kanyang Facebook at Instagram upang makuha ang kanyang panig. Kaagad namin itong ilalathala kapag nakatanggap kami ng sagot.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to Raffy Tulfo's staff, Alma Moreno allegedly denied the accusation hurled against her by condo owner Theresa Grenard: “Alam ng Diyos na wala akong ginagawang masama."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results