Tony Labrusca faces charges of acts of lasciviousness, physical injuries

by Jojo Gabinete
Jun 4, 2021
A female complainant and a brother of jeweller Drake Dustin Ibay file acts of lasciviousness, physical injuries complaints against actor Tony Labrusca at the Makati Prosecutor's Office, Friday, June 4.
PHOTO/S: @tonylabrusca on Instagram / Courtesy of Drake Dustin Ibay

Acts of lasciviousness at aggravated slight physical injuries ang mga reklamong isinampa ng dalawang complainants laban sa aktor na si Tony Labrusca.

Isa sa mga naghain ng reklamo ay isang babaeng hindi pinangalanan para mapangalagaan ang privacy nito.

At ang isa ay si Dennis Ibay, ang kapatid ng businessman at jeweller na si Drake Dustin Ibay.

Dalawang counts ng acts of lasciviousness ang inihain ng female complainant laban sa aktor.

Aggravated slight physical jnjuries naman ang reklamong isinampa ni Dennis dahil sa pananakal na ginawa umano sa kanya ni Tony sa insidenteng nangyari sa tahanan ng mga Ibay noong January 16, 2021.


Continue reading below ↓

Tony Labrusca and other guests at a party at Ibay residence on January 16, 2021.

Inihain ng complainants ang mga reklamo nila sa Office of the Prosecutor sa Makati City bandang ala una ng hapon ngayong Biyernes, June 4.

Si Atty. Regie Tongol ang legal counsel ng mga biktima, samantalang si Drake ang tumatayo bilang saksi dahil nakita niya ang diumano’y pang-aabuso at pananakit na ginawa ni Tony sa female complainant at kay Dennis.

Isang opisyal na pahayag ang inilabas ni Atty. Tongol upang idetalye ang pinag-ugatan ng mga reklamo ng kanyang mga kliyente laban kay Tony.

Ayon sa statement, "two lewd acts" diumano ang sinadyang ginawa ng aktor sa female complainant: "unstrapping the top of my client revealing her chest area and by forcefully holding my client by the waist and pulling her towards Mr. Labrusca’s lap to sit."

Sinakal naman umano ni Tony ang kapatid ni Drake na si Dennis.

Continue reading below ↓

Hindi raw bababa sa apat na witnesses ang nakakita kay Tony " to have actively sought alcohol to embolden himself that is why the charges were aggravated by his intentional intoxication."

Ayon pa sa kay Atty. Tongol, "very traumatic" sa kanyang mga kliyente ang mga naganap noong gabing iyon dahil first time daw ng mga itong ma-victimize nang ganoon lalo na mula sa isa sa "most idolized actors of the country presently."

Dagdag pa niya, "Mr. Labrusca being a public figure and a foreigner must learn not to be abusive of women.

“My clients hope that this case would encourage women and anyone who have been victims of abuses by public figures such as Mr. Labrusca whether sexual or otherwise to not be afraid to stand up and be heard.”

Si Tony ay isang U.S. citizen na nagtatrabaho rito sa Pilipinas.

ANOTHER INCIDENT

Sa eksklusibong panayam naman ng Cabinet Files kay Drake ngayong Biyernes ng gabi, sinabi nitong sinubukan umano ng kampo ni Tony na kausapin sila tungkol sa mga nangyari noong January 16, 2021. Pero hindi ito natupad.

Continue reading below ↓

“They tried to sweet talk us and asked to invite us for dinner to apologize but that never happened,” ani Drake.

Sinabi ni Drake na nagdesisyon ang kanyang kaibigang female complainant at ang kapatid niyang si Dennis na sampahan ng mga reklamo si Tony dahil inulit nito kamakailan lamang ang pambabastos sa isang babae.

Lahad niya, “There was a woman who came forward which Tony maligned also last May 1 at Tartufo restaurant.

"This was the turning point so we decided to... enough is enough.

“We thought he would change and we need to stop that kind of behavior.It’s our responsibility to do it for the community.”

Hawak ng kampo ni Drake ang mga video at litrato na magpapatunay ng diumano’y kagaspangan ng ugali na ipinakita ni Tony sa tahanan nila noong January 16, 2021.

Gagamitin daw nila itong mga ebidensiya laban sa aktor.

Hindi ito ang unang pagkakataong nasangkot sa kontrobersya si Tony dahil noong January 2019 ay naging laman din ng balita ang paninigaw niya sa isang Immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A female complainant and a brother of jeweller Drake Dustin Ibay file acts of lasciviousness, physical injuries complaints against actor Tony Labrusca at the Makati Prosecutor's Office, Friday, June 4.
PHOTO/S: @tonylabrusca on Instagram / Courtesy of Drake Dustin Ibay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results