Tony Labrusca's camp says complaints against actor “mere allegations and unfounded claims”

by Bernie V. Franco
Jun 4, 2021
Actor Tony Labrusca's legal counsel says charges of aggravated acts of lasciviousness and aggravated slight physical injury filed by businessman Drake Dustin Ibay's (right) camp have no basis. Ibay also calls Tony's mom Angel Jones (center) a "liar" for allegedly twisting the real story.
PHOTO/S: @missangeljones, @rlau13 via @ibaydrake

Naglabas na ng pahayag ang kampo ni Tony Labrusca kaugnay ng mga reklamong acts of lasciviousness at aggravated slight physical injuries na isinampa ng dalawang complainants laban sa aktor.

Ayon sa legal counsel ni Tony na si Atty. Joji Alonso, walang basehan ang mga isinampang reklamo sa kanyang kliyente.

Ngayong Biyernes ng hapon, June 4, 2021, nagtungo sa Makati Prosecutor's Office ang isang babaeng complainant at si Dennis Ibay, kapatid ng businessman at jeweler na si Drake Dustin Ibay, upang pormal na sampahan ng reklamo si Tony.

Ito ay kaugnay ng mga insidenteng naganap diumano sa dinaluhan nilang party na naganap sa bahay ng mga Ibay noong madaling-araw ng January 16, 2021.

Nitong Mayo, sunud-sunod ang Instagram Story posts ni Drake para ibunyag ang diumano’y pananakal ni Tony sa kapatid niyang si Dennis at pambabastos ng aktor sa isang female guest.

Inakusahan pang “opportunist” at “liar” ni Drake ang ina ni Tony na si Angel Jones dahil sa pambabaligtad daw nito sa totoong kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Akusasyon ni Drake, hinubaran umano ng lasing na si Tony ang pantaas na suot ng isang babaeng guest sa party.

Sinakal din umano ng aktor ang nakababatang kapatid ni Drake.

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinost ni Atty. Alonso ang kanyang statement para sa kanyang kliyenteng si Tony hinggil sa akusasyong nangyari “some five (5) months ago.”

Hinihintay pa raw nila ang kopya ng complaint-affidavits bago sila magbigay ng sagot.

Paalala pa ni Atty. Alonso, “We call the public to be mindful of casting judgment based on mere allegations and unfounded claims.

“We welcome the legal process taking its course, where in the end, the truth shall always prevail.”

Caption ni Atty. Alonso sa kanyang post: “We look forward to clearing @tony.labrusca’s name.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

TONY AND ANGEL

Samantala, wala pang direktang pahayag si Tony tungkol sa mga reklamong inihain laban sa kanya.

Pero parehong ipinost ng mag-inang Angel at Tony sa kani-kanilang Instagram Story ang statement ng kanilang legal counsel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Complaints AGAINST TONY

Base naman sa statement ng legal counsel ng complainants na si Atty. Regie Tongol, dalawang beses daw ginawan ng lewd acts ni Tony ang female complainant.

Bukod sa pagtanggal umano sa strap ng damit na pantaas ng babae, hinatak din daw ni Tony sa baywang ang babae para iupo sa kanyang kandungan.

Ang kasong aggravated slight physical injury naman ay nag-ugat sa diumano’y pagsakal ni Tony kay Dennis nang tulungan nito ang lasing na raw na aktor pababa sa hagdan.

Ngayong hapon din ay may mga post si Drake Dustin Ibay kaugnay ng isyu.

Sa unang larawan, makikita na sakay siya ng kotse at nasa harap ng Makati City Hall, indikasyong sinamahan niya ang kaibigang female complainant.

Si Drake ay nagsisilbi ring witness sa mga reklamong isinampa ng female complainant laban kay Tony.

Sa sumunod niyang post ay ang mga katagang “TRUTH WINS.”

Indikasyong pinaninindigan ng businessman na siya ang nagsasabi ng katotohanan at binabaligtad umano ng ina ni Tony na si Angel ang mga pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ikatlong post ni Drake ay ang kopya ng official statement ni Atty. Tongol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Tony Labrusca's legal counsel says charges of aggravated acts of lasciviousness and aggravated slight physical injury filed by businessman Drake Dustin Ibay's (right) camp have no basis. Ibay also calls Tony's mom Angel Jones (center) a "liar" for allegedly twisting the real story.
PHOTO/S: @missangeljones, @rlau13 via @ibaydrake
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results