Sunshine Cruz thanks Diego Loyzaga for bonding with half-sisters

by Nikko Tuazon
Jun 6, 2021
Sunshine Cruz
Sunshine Cruz is happy to see her daughters Angelina, 19, Sam, 15, and Chesca, 14, spending quality time with their half-brother Diego Loyzaga, 26.
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram

Malaki ang pasasalamat ni Sunshine Cruz dahil nakikita nitong maayos ang pakikisalamuha ng kanyang mga anak na sina Angelina, 19, Sam, 15, at Chesca, 14, sa kanilang half-brother na si Diego Loyzaga, 26.

Si Diego ay ang panganay na anak ni Cesar Montano kay Teresa Loyzaga.

Si Cesar ang ex-husband ni Sunshine at siya ring ama nina Angelina, Sam at Chesca.

Sa isang Instagram post nitong Biyernes, June 4, 2021, ibinahagi ni Sunshine ang mga litrato ng bonding session ng kanyang mga anak kasama si Diego.

Kasama nina Angelina, Sam, at Chesca si Diego na nag-celebrate ng birthday ng kanilang pet dog na si Holi sa kanilang bahay sa Parañaque City.

Caption ni Sunshine, "Happiest 8th Birthday to our holiday! We love you holi!!! [emojis] Thanks for visiting your sisters @diegoloyzaga [emojis]"

Nag-iwan din ng comment si Diego sa post ni Sunshine.

Sabi nito, "Heheheh i love you tita!"

Continue reading below ↓

Hindi ito ang unang beses na dinalaw ni Diego ang kanyang mga kapatid.

Sa katunayan, madalas nga itong bumisita kina Sunshine at sa mga anak nito noong wala pang pandemya.

Sa panayam ng PEP.ph kay Sunshine noong November 2019, kuwento nito, "He visits my kids. May time na almost every day, nandoon siya sa house with my children.

"But of course, I respect their privacy. Ayaw nilang ilabas yung photos, yung bonding ng mga kids.

"Natuwa nga ako, meron siyang kasama, si Tong [Teresa Loyzaga]… napakabait na bata. Mahal na mahal ng mga anak ko si Diego."

Bukod kay Diego at sa kanyang mga half-sisters, may nabuo na ring pagkakaibigan sa pagitan nina Sunshine at Teresa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz is happy to see her daughters Angelina, 19, Sam, 15, and Chesca, 14, spending quality time with their half-brother Diego Loyzaga, 26.
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results