Watch Now

Jerome Ponce, vlogger Sachzna Laparan now officially a couple

by Arniel C. Serato
Jun 5, 2021
Fans of Jerome Ponce and girlfriend, vlogger/aspiring actress Sachzna Laparan, organized a surprise party for the actor's 27th birthday yesterday, June 4, 2021.
PHOTO/S: Courtesy: Fernan de Guzman on Facebook

Magkarelasyon na sina Jerome Ponce at ang newbie singer-actress/vlogger/model na si Sachzna Laparan.

Kagabi, June 4, 2021, isang sorpresang birthday celebration ang inihanda ng fans ni Jerome at Sachzna para sa aktor.

Kahapon ang ika-27 kaarawan ni Jerome.

Ginanap ang birthday surprise ng mga fans sa bahay ni Sachzna sa Antipolo.

Ayon pa sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), wala pa raw isang buwan ang relasyon ng dalawa.

Lumikha ng ingay sa social media ang pagbati ni Jerome kay Sachzna noong ika-23 kaarawan nito nitong May 27.

Sabi niya sa kanyang birthday greeting sa aspiring star, “Happy birthday nassib”

Ayon sa ilang websites sa Internet, “naseeb (also spelled Nesib, Nasib or Nasip) is an Arabic term used in many languages, including Indonesian, Malay, Persian, Turkish, Pashto, Sindhi, Somali, Urdu, Hindi, Gujarati, Bengali and Punjabi."

It means "destiny or fate.”

Unang nasilayan ng publiko na kasama ni Jerome si Sachzna sa vlog ng dalaga na lumabas nito lang May 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pamagat itong "SAGOT O LAGOK WITH JEROME PONCE”

SOULMATE

Kahapon din, opisyal nang inihayag ni Sachzna sa kanyang Instagram ang relasyon nila ng Kapamilya star.

Tinawag pa niya ang boyfriend na soulmate.

Pagbati niya, “Happy birthday mon âme sœur”

Ang “mon âme sœur” ay French word na ang ang ibig sabihin ay “my soulmate.”

Ang huling karelasyon ni Jerome ay ang volleyball star na si Mika Reyes.

Noong October 2020, pumutok ang balitang naghiwalay na ang dalawa.

Inakusahan rin si Jerome ng mga tagahanga ni Mika na ang aktor daw ang nagloko sa kanilang relasyon.

Apat na taon ang itinagal ng relasyon ng dalawa.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fans of Jerome Ponce and girlfriend, vlogger/aspiring actress Sachzna Laparan, organized a surprise party for the actor's 27th birthday yesterday, June 4, 2021.
PHOTO/S: Courtesy: Fernan de Guzman on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results