DILG sees no violations in vaccination of Aga Muhlach family

by Arniel C. Serato
Jun 5, 2021
(L-R) Aga Muhlach, wife Charlene Gonzalez, twins Andres and Atasha Muhlach got their AstraZeneca COVID-19 vaccine shots last May 31, 2021 at the Festival Mall in Alabang, Muntinlupa City. They all qualified under the A3 (persons with comorbidities) category as stipulated in the ongoing nationwide vaccination protocol.
PHOTO/S: Courtesy: City Government of Muntinlupa on Facebook

Walang nakikitang paglabag ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa ginawang pagbakuna ng Lungsod ng Muntinlupa sa pamilya ni Aga Muhlach, 51.

Bukod kay Aga, binakunahan din ang asawa niyang si Charlene Gonzalez, 47, at ang kambal nilang anak na sina Atasha at Andres Muhlach, 20, noong May 31, 2021.

Nabakunahan ang apat sa mega vaccination site ng siyudad sa Festival Mall, Alabang.

Ang COVID-19 vaccine na AstraZeneca ang naiturok sa kanila.

Kahit maayos ang proseso at sumunod sa lahat ng naaayong health protocol ang pamilya Muhlach, meron pa ring ilang netizens na kumuwestiyon sa kanilang pagpapabakuna.

Baka raw nabigyan ng pabor ang apat dahil sila ay mga showbiz personalities.

Ayon sa DILG, walang nalabag sa vaccination protocols ng Department of Health (DOH) at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagbakuna sa kanila.

Base sa pahayag ni DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya, naklaro na ng Muntinlupa government na kuwalipikado sila sa bakuna.

Continue reading below ↓

A3 (persons with comorbidities) ang kategorya nina Aga.

Nasa A1 (medical frontliners), A2 (senior citizens), at A3 categories pa lamang ang binabakunahan ngayon sa bansa.

Sabi ni Malaya sa pahayag na inilabas ng ahensiya kahapon, June 4, “Documents regarding their vaccination were also submitted to the DILG. Therefore, the Department sees no violation of DOH or IATF’s regulations in the aforementioned vaccination.”

Dumaan din sa masusing proseso sina Aga kunsaan nagparehistro sila sa vaccination portal na Muntinlupa City COVID-19 Vaccination Program (MunCoVac) ng siyudad.

Sabi pa ni Malaya, “Most importantly, they submitted medical certificates/clearance from their attending physician at Asian Hospital and Medical Center to prove that they have comorbidities.”

Naberipika din ng Muntinlupa City Health Office sa Asian Hospital ang kanilang mga medical certificates.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Aga Muhlach, wife Charlene Gonzalez, twins Andres and Atasha Muhlach got their AstraZeneca COVID-19 vaccine shots last May 31, 2021 at the Festival Mall in Alabang, Muntinlupa City. They all qualified under the A3 (persons with comorbidities) category as stipulated in the ongoing nationwide vaccination protocol.
PHOTO/S: Courtesy: City Government of Muntinlupa on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results