Watch Now

Veteran actress Ester Chavez, pumanaw sa edad 93

by Jojo Gabinete
Jun 5, 2021
Paalam sa veteran actress na Ester Chavez, na kinilala bilang Reyna ng Filipino radio drama.

Pumanaw noong May 31, 2021 sa edad na 93 ang television at movie actress na si Ester Chavez.

Ito ay ayon sa kapangalang manugang na si Esther Misa Chavez, na sinabi sa Cabinet Files sa pamamagitan ng text message na, "She died of natural causes."

Seventeen years old si Ester nang magsimula ang entertainment career niya bilang radio talent.

Dahil sa kanyang husay, kinilala siya bilang Reyna ng Filipino radio drama.

Naging popular sa masang Pilipino ang Aling Chayong character ni Ester sa sikat na radio drama program na Ilaw ng Tahanan.

Mula sa radyo, tumawid si Ester sa mundo ng telebisyon at pelikula.

Ang TV sitcom na Tang-Tarang-Tang, ang unang edition ng drama series na Anna Liza, ang mga pelikula na Kaya Kong Abutin Ang Langit, Kung Mahawi Man Ang Ulap, at Maging Sino Ka Man ang ilan sa mga proyekto ni Ester noong aktibo pa siya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kadalasan, martir at ulirang ina ang mga papel na kanyang ginampanan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paalam sa veteran actress na Ester Chavez, na kinilala bilang Reyna ng Filipino radio drama.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results