Angelika dela Cruz explains decision to leave ABS-CBN

by Julie E. Bonifacio
Dec 27, 2007
"Ayoko lang ng once a week na taping. Hindi ko nararamdaman na nagtatrabaho ako kapag once a week. Trabaho ang gusto ko," says Angelika dela Cruz about her decision to move to GMA-7.


Nakaabot na kay Angelika dela Cruz ang balitang pasok na si Ara Mina sa iniwan niyang afternoon drama series sa ABS-CBN, ang Prinsesa ng Banyera.

Ilang araw pagkatapos bigyan ng solo presscon ng ABS-CBN si Ara para sa pagpasok niya sa Prinsesa ng Banyera, nakausap naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angelika sa first anniversary celebration ng Blooming skin clinic sa Punchline last Sunday, December 23. Kinuha namin ang reaksiyon ni Angelika tungkol sa pagpasok ni Ara sa Prinsesa ng Banyera.



"Okay ‘yon, sabi ko nga, e," reaksiyon ni Angelika. "Wala namang isyu sa akin ‘yon, e. Siyempre, kailangan naman ‘yon, e, di ba? Alangan namang ihinto nila yung istorya sa pagkawala ko? Siyempre, hindi naman puwede ‘yon and happy ako for the show kasi siyempre, Ara Mina ‘yon, di ba? Happy naman ako for them."



BACK TO GMA-7.
Bago kinuha si Ara ng ABS-CBN para sa Prinsesa ng Banyera ay nauna munang nagpaalam si Angelika sa dati nilang programa ni Kristine Hermosa pagkatapos niyang tanggapin ang offer ng GMA-7 upang gumanap sa TV remake ng Babangon Ako't Dududrugin Kita.

Continue reading below ↓



"Nagpaalam ako kasi, di ba, ang Banyera hanggang one season lang dapat? Hindi naman nila kami sinabihan kung ie-extend or kung ano. E, nagdesisyon na ako na after Banyera, na lilipat na ako since gusto ko nga yung offer ng GMA na lilipat ako," paliwanag niya.



Hindi ba ipinaalala sa kanya ng production staff ng Prinsesa ng Banyera na mai-extend sila?



"Hindi, kasi ano rin naman nun, e... Hindi sila ganun kasigurado na ie-extend nila. So, hindi sila makapagbigay ng diretsong sagot. E, siyempre, ayoko rin namang maghintay nang maghintay. Siyempre, kailangan ko rin namang gumawa ng paraan, di ba? And naka-oo na ako sa GMA, ‘tapos yun nga, sabi nila ie-extend," lahad ni Angelika.



Nagtampo ba ang bumubuo ng Prinsesa ng Banyera nang magpaalam siya?



"Oo, okay naman," sagot niya. "Siyempre, hindi maiiwasan nung una may konting tampo-tampo. May mga konti-konting isyu. Pero after nun, okay naman kasi nagpaalam naman ako nang maayos. Umakyat ako kay Tita Cory [Vidanes], kay Ma'am Charo [Santos].

Continue reading below ↓



"Sabi nga ni Tita Cory pagpasok ko sa kanya, ‘Ang sama-sama ng loob ko.' Sabi ko, ‘Huwag.' Sabi ko, ‘Kahit naman ikaw ako, siyempre, di ba? E, siyempre, ang gusto mo lang yung okay.' Ganun."



VILLAIN ROLES. Mabilis na kumalat ang tsismis na kaya siya umalis sa ABS-CBN ay dahil sa sunud-sunod na kontrabida roles ang ibinigay sa kanyang proyekto ng Kapamilya network.



"Actually, hindi ko alam kung bakit kumalat ‘yan," sabi ni Angelika. "Hindi ko talaga alam kung saan nanggaling. Hindi galing sa akin ‘yon. Hindi ko alam kung paano kumalat ‘yan kasi hindi naman ako nagpapa-interview. Hindi naman ako nakikitang kumakalat sa ABS-CBN o uma-attend ng event. Hindi ko alam kung kanino nanggaling."



Tinutuligsa naman si Angelika ng ilan dahil sa ginawa niyang desisyon dahil kontrabida rin ang tinanggap niyang role na inalok sa kanya ng GMA-7, ang Babangon Ako't Dudurugin Kita. This time, kontrabida naman siya ni Yasmien Kurdi, na kung tutuusin ay mas baguhang artista kumpara kay Kristine.

Continue reading below ↓

"Kasi akala nga rin ni Tita Cory, na kaya niya sinabi na nagtatampo siya, kasi sinabi niya, ‘Porke't triniple ang budget mo, iniwan mo na kami.' Sabi ko, ‘Hindi naman, e.' It's not because of the money.

"It's not because of yung kontrabida. Okay lang akong mag-kontrabida, pero ayoko na yun lang ang ginagawa ko. Gusto kong gumawa ng album, alam mo ‘yon? Siyempre, di ba? Pero pagdating sa soap, walang problema. Magaling ako, e. Magaling akong kontrabida. Alam ko yun, e. Bagay naman sa akin, di ba?" pahayag ni Angelika.



Gagampanan ni Angelika ang role na unang ginampanan ni Hilda Koronel sa Babangon Ako't Dudurugin Kita.



"Sa umpisa lang siya api-api, pero sa gitna at sa huli, hindi, e. Pero okay lang din ‘yon. Ako, wala akong problema with that. Kung ibang tao may problema sila doon, problema nila ‘yon. Ako, wala akong problema," mariing sabi ni Angelika.

BACK TO SINGING. Nakukulangan ba siya sa offer ng ABS-CBN?

Continue reading below ↓



"Hindi naman," sagot niya. "Kasi kung ano lang yung ibigay, okay na ‘yon. Kaya lang, kung may mas magandang dumating at kapag umoo na ako, oo na, di ba?"



Ibig sabihin, may ibang offer sa kanya ang GMA-7 bukod sa show na pagsasamahan nila ni Yasmien?



"Hindi," tanggi niya. "Ang offer sa akin ng GMA, yung hindi ka mababakante. Yun lang naman ang ayoko, e. Ayoko ng walang ginagawa. Ayoko naman talaga ng naka-tengga."



Inamin ni Angelika na isa sa mga gusto niya ay ang maging aktibo sa pagkanta.



"Ang gusto ko kasi kumanta. E, may inaayos pa with GMA," sabi niya.



Matatandaan na naging regular host din noon si Angelika sa SOP. Iniwan niya ang SOP at GMA-7 pagkatapos makabangga at dinuro-duro ang kanyang ama ng isang security guard sa canteen ng network noon.



"Hindi ako babalik ng SOP," paglilinaw ni Angelika. "Kasi ang Sundays ko, family, e. Kasi hindi naman na ako teeny-booper na ang buong buhay nasa showbiz lang, di ba?

Continue reading below ↓



"Aayusin pa kasi nila, e, kaya hindi ko pa masabi. Kasi siyempre, gusto ko kapag nagsalita ako, yung sigurado. Ayoko nung sasabihin mo, ‘tapos hindi naman matutuloy, di ba?"



Muli ay itinanggi ni Angelika na isa rin sa mga dahilan kaya siya bumalik ng GMA-7 ay dahil sa pera.



"Hindi," seryoso niyang pahayag. "Ayoko lang ng once a week na taping. Hindi ko nararamdaman na nagtatrabaho ako kapag once a week. Trabaho ang gusto ko."



Sa January 2008 nakatakdang i-welcome back si Angelika sa GMA-7. Next month na rin siya pipirma ng kontrata at magsisimulang mag-taping sa Kapuso network.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ayoko lang ng once a week na taping. Hindi ko nararamdaman na nagtatrabaho ako kapag once a week. Trabaho ang gusto ko," says Angelika dela Cruz about her decision to move to GMA-7.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results