Karen Davila on being pitted against Korina Sanchez: “Kailanman hindi po kami nagpantay.”

by Bernie V. Franco
Jun 8, 2021
Karen Davila (left) on supposed rivalry with Korina Sanchez: "I think the reason that all these things came out in the past, is because people were pitting us against each other.”
PHOTO/S: @iamkarendavila on Instagram / Facebook (Rated Korina)

Tanggap ni Karen Davila, 50, na never silang naging magkapantay ni Korina Sanchez, 56.

Sina Korina at Karen ay dalawa sa pinakakilalang broadcast journalists ng ABS-CBN News and Current Affairs.

Noong pareho pa silang nasa bakuran ng ABS-CBN ay madalas silang pinagtatapat at ipinagkukumpara.

Ngunit noong September 2020 ay opisyal nang nagpaalam si Korina sa ABS-CBN pagkatapos ng 33 taong serbisyo sa network.

Habang patuloy pa ring napapanood si Karen sa ABS-CBN news programs.

Sa kabila ng pagtatapat sa kanila ng publiko, sinabi ni Karen na walang dapat paghahambing sa kanila dahil tanggap niyang senior niya si Korina.

Ayon pa kay Karen, mas marami nang napatunayan si Korina kumpara sa kanya.

“Recently, nagkita kami ni Korina at a party, kay Anton San Diego [magazine editor]. And we posted it and andaming natuwa dun.

“And I think because it’s the first time people saw Korina and I together,” kuwento ni Karen sa YouTube channel ni Ogie Diaz nitong June 6, 2021.

Continue reading below ↓

Nangyari ang gathering na dinaluhan nina Karen at Korina noong December 2020.

Karen Davila and Korina Sanchez at a gathering

Ayon pa kay Karen, nang mag-transfer siya sa ABS-CBN, mula sa GMA News, dalawang dekada na ang nakalilipas, may pangalan na si Korina sa larangan ng pagbabalita.

“I’d like to say it the best way I could, Korina Sanchez was already an icon nung nagpunta po ako sa ABS.

Continue reading below ↓

“Lumipat po ako sa ABS in 2001, Korina Sanchez na po siya. Sikat na sikat na po siya.

“In other words, kailanman hindi po kami nagpantay.”

THERE WAS NEVER ANY “ISNABAN”

Hindi raw sumagi sa isip ni Karen na kapantay niya si Korina. Ang mga tao lang daw ang nagtatapat sa kanila.

“Hindi po ako competitor ni Korina, the next Korina," giit ni Karen.

“The only person I can be is Karen. That’s ll I can say.

“And I think the reason that all these things came out in the past, is because people were pitting us against each other.”

Ang pinanghihinayangan daw ni Karen ay hindi sila nabigyan ng pagkakataon ni Korina na mapalapit sa isa’t isa.

“Well, ayoko namang magsinungaling. To be fair, there were periods in time naman na nagbabatian kami.

“Pero we didn’t have the opportunity kasi to really spend time together.

“Nasayangan lang ako in ABS was I wish Korina and I met at different circumstances that I got to know her.

Continue reading below ↓

"Because people tell me she’s such a good friend, a loyal friend to have.”

KORINA’S PREVIOUS COMMENT ABOUT THE ISSUE

Ang pagkikita nina Karen at Korina noong December 2020 ay hindi ang unang beses.

Nagkita rin sila sa previous celebration ng magazine editor na si Anton San Diego noong December 2018.

Nag-post din noon sina Karen at Korina tungkol dito.

Sa post noon ni Korina ng larawan nila ni Karen, itinanggi niya ang “urban legend” tungkol sa iringan daw sa kanila.

Sabi ni Korina sa caption: "I guess urban legend can indeed precede reality. Karen and I have worked in ABSCBN together for decades. And there is no issue whatsoever. "

Sagot naman ni Karen sa komento: "Haha.. great way to end 2018..."

IG Post: Korina Sanchez with Karen Davila

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karen Davila (left) on supposed rivalry with Korina Sanchez: "I think the reason that all these things came out in the past, is because people were pitting us against each other.”
PHOTO/S: @iamkarendavila on Instagram / Facebook (Rated Korina)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results