Andrea del Rosario recalls being reprimanded in school when she first joined showbiz

by Rachelle Siazon
6 days ago
Andrea del Rosario speaks about how showbiz career helped her pay for her college tuition, but she was reprimanded in school because of her slightly sexy image in Palibhasa Lalake. Seen with Andrea on the upper right photo is Richard Gomez. On the lower right are Bearwin Meily, Gabby Eigenmann, and Eric Fructuoso.
PHOTO/S: Screengrab from Jeepney TV / Palibhasa Lalake

Inamin ni Andrea del Rosario, 43, na minsan siyang napatawag sa opisina ng pinapasukan niyang all-girls school noong baguhan pa lang siyang artista.

Nasa kolehiyo na noon si Andrea.

Nasita siya dahil sa kanyang sexy image sa defunct ABS-CBN sitcom na Palibhasa Lalake noong '90s.

Naikuwento ito ni Andrea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang mag-guest siya sa PEP Voice Chat Room sa Calamansi kamakailan.

Balik-tanaw niya: "Pinapatawag ako sa opisina nun because nasa Palibhasa Lalake ako nun.

"E, ang mga [camera] shot sa may legs, sa may bandang puwet. Ganun, e. Another trivia. Hahaha!"

Ang mga bida ng sikat na sitcom ay sina Richard Gomez, Joey Marquez, Anjo Yllana, Amy Perez, Cynthia Patag, at Gloria Romero. Naroon din ang The Gwapings na sina Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez, Eric Fructoso, at Jao Mapa.

Taong 1996 nang maging additional cast member si Andrea sa sitcom kunsaan siya si Seksi, ang seksing tindera ng gotohan na pag-aari ng karakter ni Richard.

Continue reading below ↓

Hindi nabanggit ni Andrea sa PEP.ph kung anong eksaktong episode ang kinuwestiyon ng pinapasukan niyang kolehiyo.

Pero kung susuriin ang ilang episodes niya sa show, medyo sexy ang dating ng kanyang karakter dito.

Nagpaliwanag naman daw si Andrea na hindi niya maaaring bitawan ang show dahil ang kinikita niya bilang artista ang pantustos sa kanyang pag-aaral.

"Hahayaan niyo po ba na hindi ako magbayad ng tuition? Nagtatrabaho ako, e," katuwiran daw ni Andrea noon.

Andrea del Rosario in Palibhasa Lalake

Continue reading below ↓

Tila nakipagkompromiso si Andrea na balansehin ang kanyang TV appearances noon dahil may sumunod na episodes na nakasuot siya ng long sleeves at denim pants.

Tanong ng PEP.ph, siya ba ang nagbabayad ng kanyang tuition noon?

Sagot ni Andrea, "Oh, yeah. For myself and my brothers, because my parents were separated.

"I have three other brothers sa first family. So, sa aming batch, apat kami. Sa aming batch talaga! Batch 1, 2, and 3 kasi!"

Kinarir daw ni Andrea ang pag-aartista, at kinalaunan ay lubos itong napamahal sa kanya.

Andrea del Rosario with Richard Gomez and John Lloyd Cruz in Palibhasa Lalake

Continue reading below ↓

Noong 1996, kasabayan ni Andrea si Piolo Pascual nang ilunsad ang Batch 3 ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Nang maging bahagi si Andrea ng sexy girl group na Viva Hot Babes noong early 2000s, naka-graduate na raw siya ng kolehiyo kaya wala nang conflict sa sexy image niya onscreen.

Paglilinaw ni Andrea, "At the time, no. Nung Hot Babe na, hindi na. But when I started sa ABS, I was still in college."

DEALING WITH PARENTS' SEPARATION

Ayon kay Andrea, natuto siyang tumayo sa sariling paa mula nang maghiwalay ang kanyang mga magulang.

"Siyempre nung nagkahiwalay sila, para kaming pingpong. Sometimes we would be with my mom, sometimes with dad.

"When I was in college, wala na ako. I was out of their houses na rin.

"I had to rent my own place. I put myself to school."

Aminado si Andrea na inabot siya ng pitong taon sa kolehiyo kasabay ng kanyang pag-aartista.

Continue reading below ↓

Pero siniguro raw talaga niyang matapos ang kursong Fine Arts.

Aniya, "I told myself, kahit anong mangyari, kailangan ko maigapang yung college ko. Yun ang pledge ko sa sarili at that time kahit na nag-aartista ako."

Ang kanyang ina ay tubong-Pampanga at ang ama ay tubong-Batangas.

Sabi pa ni Andrea: "My father passed away more than ten years ago.

"My mom remarried. I have a stepfather na Amerikano. I have a sister from that marriage. They're in Arizona right now.

"I have other siblings with my dad."

HOW ANDREA COPED WITH HARDSHIPS

Marami raw pinagdaanang pagsubok sa buhay si Andrea.

Pero malaking bagay na natuto raw siyang maging independent noong kanyang early 20s.

"I've been so independent. I had to rely on myself. Don't rely on just anybody—yun ang tumatak sa isip ko.

"People will fail you. So you have to fend for yourself, for your family, right now for my daughter."

Continue reading below ↓

Dugtong ni Andrea, "Hindi ko sinasabi na we shouldn't trust other people.

"Just know that, at the end of the day, we're only human beings, people can fail you and you have to be ready to stand up and fend for yourself.

"It's all about balance. No man is an island. We also have to open up to other people. Just live a balanced life."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea del Rosario speaks about how showbiz career helped her pay for her college tuition, but she was reprimanded in school because of her slightly sexy image in Palibhasa Lalake. Seen with Andrea on the upper right photo is Richard Gomez. On the lower right are Bearwin Meily, Gabby Eigenmann, and Eric Fructuoso.
PHOTO/S: Screengrab from Jeepney TV / Palibhasa Lalake
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results