Winwyn Marquez retires from beauty pageants

by Arniel C. Serato
6 days ago
2017 Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez will no longer join any local pageants: "Minsan mag bubukas talaga tayo ng ibang chapter sa buhay natin and need mag move on sa ibang bagay."
PHOTO/S: Courtesy: @teresitassen on Instagram

Kuntento na si Teresita Ssen "Winwyn" Marquez sa kanyang titulo bilang Reina Hispanoamericana 2017.

Sa kanyang Instagram kahapon, June 8, muling ipinost ni Winwyn ang kanyang video noong lumaban siya sa Reina Hispanoamericana sa bansang Bolivia taong 2017.

Sabi ng beauty queen-actress sa caption, “People have been tagging me non stop sa video na to' so might as well post it on my feed again (heart emoji) oh how time flies. (crown emoji) thank you sa nag video”

Si Winwyn Marquez ang unang Asian at Pinay nakakuha ng nasabing titulo.

Sa comments section, isang netizen ang nagtanong sa Kapuso star kung puwede na ba siyang sumali sa iba pang pageants katulad ng Miss Universe Philippines.

"No na," diretsong tugon ni Winwyn sa nagtanong na follower.

Winwyn Marquez not joining Miss Universe

Continue reading below ↓

Tila maraming tagahanga ng beauty queen-actress ang nangumbinsi sa kanyang sumali sa iba pang local pageants.

Pero ibang landas na raw ang gustong tahakin ni Winwyn

Ang maaari na lamang daw niyang gawin ay ang sumuporta sa mga sasali ng local beauty pageants.

Sabi ni Winwyn sa isa pa niyang post sa Instagram, “I am overwhelmed with all your messages grabe non stop. 2015 and 2017 ako sumali.. ngayon 2021 na at hanggang ngayon ganyan padin kayo..

“thank you so much pero hanggang sa pag support nalang ako sa mga candidates natin and sa mga gusto sumali ng pageants

“minsan mag bubukas talaga tayo ng ibang chapter sa buhay natin and need mag move on sa ibang bagay but sabi nga diba once a Miss Philippines, always a Miss Philippines.”

Pageant season na ngayon sa bansa.

Sa darating na July 11, gaganapin ang grand coronation ng Binibining Pilipinas 2021 at sa July 25 naman ang Miss World Philippines at Miss Philippines Earth.

Continue reading below ↓

Wala pang anunsiyo ang Miss Universe Philippines kung kailan ang kanilang pageant coronation.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
2017 Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez will no longer join any local pageants: "Minsan mag bubukas talaga tayo ng ibang chapter sa buhay natin and need mag move on sa ibang bagay."
PHOTO/S: Courtesy: @teresitassen on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results