Kim Domingo says late best friend was her #TOTGA

by Bernie V. Franco
6 days ago
Kim Domingo on her late guy best friend Angelo Fango: “Mag bestfriend tayo pero pakiramdam ko ikaw yung #TOTGA ko"
PHOTO/S: @kimdomingo_ on Instagram

Tuloy si Kim Domingo sa pagpapahayag ng pagmamahal sa kanyang best friend na lalake kahit nasa kabilang buhay na ito.

Pumanaw ang matalik na kaibigan ni Kim na si Angelo Fango noong August 2020.

Pero sadyang naging malaking bahagi ng buhay ni Kim si Angelo.

Hindi nakakalimot si Kim na alalahanin ang pumanaw na kaibigan sa tuwing may importanteng okasyon sa buhay ng Kapuso actress.

Kahapon, June 8, 2021, nag-post ng birthday greeting si Kim para sa kanyang pumanaw na best friend.

Tinawag pa niyang TOTGA o “the one that got away” si Angelo.

Ang TOTGA ay pagtukoy sa taong pakiramdam ay siya ang “the one” pero hindi nakatuluyan.

Kim Domingo with late bestfriend Angelo Fango

Continue reading below ↓

Hindi naman ito ikinagulat ng netizens dahil sa mga previous post ni Kim ay ramdam nila ang malalim na pagmamahal ng aktres kay Angelo.

Inamin din noon ni Kim sa isang post na hindi naniniwala ang marami kapag sinasabi nilang mag-best friend lang sila.

Post ni Kim para sa best friend: “Happy Birthday in Heaven bes! [white heart emoji]

“Mag bestfriend tayo pero pakiramdam ko ikaw yung #TOTGA ko [laughing and crying emojis]”

Sabi ng aktres, masaya na uli siya pero nalulungkot pa rin kapag naaalalang wala na sa kanyang tabi si Angelo.

Lagi raw kasing nasa tabi niya noon si Angelo hanggang sa maabot ni Kim ang kanyang mga pangarap.

Dugtong ni Kim (published as is): “Sana happy ka na, ako din happy na ulit [smile emoji] pero minsan hindi ko maiwasan na malungkot lalo kapag merong nangyayari na maganda sa buhay ko at naiisip ko na wala ka na.

Continue reading below ↓

“Kasi iniisip ko mas masaya siguro kung kasama pa din kita na nag cecelebrate.

"Gaya ng dati , inabot ko lahat ng pangarap ko na kasama ka [crying emoji] Sabi mo lagi mo ako binabantayan, thank you my guardian angel [white heart emoji] I love you forever bes”

Kalakip ng post ay video ng maraming larawan nina Kim at Angelo na magkasama.

Facebook Post: Kim Domingo calls late bestfriend Angelo Fango as her TOTGA

Continue reading below ↓

Huling nag-post si Kim tungkol kay Angelo noon lamang February para sa kaarawan ng aktres.

KIM’S BFF PASSED AWAY in 2020

Nag-post si Kim tungkol sa pagpanaw ni Angelo halos isang taon na ang nakalilipas.

Inilahad dito ni Kim ang naging journey ng pagkakaibigan nila ni Angelo. Wala pang pangalan sa showbiz si Kim noon.

Lagi raw niyang kasama si Angelo kahit noong nagsisimula pa lang siyang mag-showbiz, hanggang sa unti-unting na siyang sumikat at makapagpundar.

Hindi tinukoy ni Kim kung ano talaga ang sakit ng kaibigan, pero may kinalaman ito sa sakit sa baga.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Domingo on her late guy best friend Angelo Fango: “Mag bestfriend tayo pero pakiramdam ko ikaw yung #TOTGA ko"
PHOTO/S: @kimdomingo_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results