Kakai Bautista slams body-shamers: “Wag mong pakialaman ang buhay ng iba.”

by Arniel C. Serato
6 days ago
Kakai Bautista on body-shamers: "And….pak all that Toxic Filipino culture that says chubby is not sexy and healthy.”
PHOTO/S: Courtesy: @ilovekaye on Instagram

Pinasaringan ni Kakai Bautista ang body-shamers sa bagong post nito sa Instagram ngayong Miyerkules, June 9.

Isang TikTok video ang ibinahagi ni Kakai sa kanyang account kung saan mapapanood siyang nagsasayaw.

Sabi niya, ilang araw na siyang nakakatanggap ng mga masasakit na salita tungkol sa kanyang katawan at hitsura.

Pahayag ng singer-comedienne, “I have come across so many Body shamers this past few days!

“And I just wanna say that… I do believe that food is very much essential in our lives.

“I LOVE TO EAT. And….pak all that Toxic Filipino culture that says chubby is not sexy and healthy.”

Para kay Kakai, kahit anumang kulay ng balat ay may kanya-kanyang taglay na ganda ang bawat tao.

“Black, Brown, Morena, kayumanggi is not beautiful. Pakdizall. REAL TALK.

“Ang dami kong kilala payat na maysaket.

“And it’s not good. I will never be happy with that.

“Ang dami ko ding kaibigan na Morena na haaaaay ang solid ng gandaaaa.

Continue reading below ↓

“We can never appreciate other people’s beauty if we don’t appreciate ours.

“SORRY kung ikakalungkot ng IBA na mahal na mahal ko ang sarili ko.

“AND I AM ENJOYING every bit of What I am now and every second of my Life.”

Mensahe pa niya sa mga taong walang magawa kundi manlait ng kapwa: “Iksi ng buhay, wag mong pakiaalam ang buhay ng iba.

“Pakiaalaman mo yung sayo. Gawing mong Maganda, masaya at kapaki-pakinabang!

“#NoToBodyShaming #Confidenceispower”

BODY-SHAMING SHOULD STOP

Naghayag naman ng kanilang suporta ang mga kaibigan ni Kakai na sina Kris Bernal at Sanya Lopez.

Sabi ni Kris, dapat matigil na ang pagyurak ng ilan sa mga hitsura ng kanilang kapwa. Wala raw itong magandang maidudulot sa buhay.

Saad niya, “Word! The problem of body shaming and body obsession has got to stop.

“YOU DO YOU, mars! It’s important to see the good in ourselves so we can see the good in others!! I admire your confidence, attitude, and you’re nailing it! Always slayin’”

Continue reading below ↓

Instagram Comment: Kris Bernal stand on body shaming

Sabi naman ng kasamahan ni Kakai sa First Yaya na si Sanya, lahat ng tao ay may iba-ibang ganda.

Aniya, “Lahat tayo may kanya kanyang ganda! Pero ang mahalaga yung ganda ng kalooban.. and you are beautiful inside and out tyang”

Tugon ni Kakai, “@sanyalopez KAW DIN!! Alam na alam ko yan!!! Love u melodeaaaaaaarrrr!!!!”

Continue reading below ↓

Instagram Comment: Sanya Lopez shows support for Kakai

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista on body-shamers: "And….pak all that Toxic Filipino culture that says chubby is not sexy and healthy.”
PHOTO/S: Courtesy: @ilovekaye on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results