Netizens accuse Isabelle Daza, Adrien Semblat of being insensitive for wearing “Vaccinated by Pfizer” caps

by Arniel C. Serato
Jun 10, 2021
Netizens accuse Isabelle Daza of "insensitivity" after she posted on Instagram a photo of her and husband Adrien Semblat wearing "Vaccinated by Pfizer" caps. The caps are being sold to raise funds for the COVID crisis in India.
PHOTO/S: Courtesy: @isabelledaza on Instagram

Kinainisan ng ilang sensitibong netizens ang anila'y insensitive post ni Isabelle Daza, kasama ang asawang si Adrien Semblat, tungkol sa kanilang pagpapabakuna ng Pfizer COVID-19 vaccine sa Hong Kong.

Nakabase sa Hong Kong si Isabelle dahil dun nagtatrabaho si Adrien.

Pinag-uusapan ng netizens sa Twitter ang post sa Instagram ni Isabelle noong Martes, June 8, kung saan makikita ang mag-asawang may suot na sumbrerong may nakasulat na “Vaccinated by Pfizer.”

Ito ang simbulo na nabakunahan na sila ng Pfizer COVID vaccine.

Nakalagay sa caption: “Mom & Dad got vaxxed. Theres something about @upperhouse_hkg that is so energizing. Love this space!”

Continue reading below ↓

NETIZENS REACT

Ilang sensitibong netizens ang nagkomento sa post na ito ni Isabelle.

Kinuwestiyon ng mga ito ang pagbanggit pa umano ng TV host-actress ng brand ng COVID vaccine, na tila pinagmamayabang ang pagiging mayaman ng mga ito.

Sabi ng isa: “So anong purpose nung post ni isabelle daza na vaccinated sila ng pfizer? Magyabang? If it's meant to raise awareness on the importance of vaccination bakit kailangan included 'yung brand?”

Continue reading below ↓

Sabi naman ng isang netizen, gusto raw niya ng sumbrerong “Vaccinated by Sinovac.”

Aniya, “Wala bang "Vaccinated by Sinovac"? because I want that. #RichPeople

Sinovac ang karaniwang brand ng COVID-19 vaccine na available sa Pilipinas.

Narito ang ilan pang reaksiyon sa nasabing post ni Isabelle:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa kabilang banda, may mga netizen namang nainis sa mga rason ng bumatikos sa tila harmless na post ni Isabelle.

Sabi ng isang netizen sa salitang English at Cebuano, "Twitter peeps go loco when isabelle daza posted this. Like, ngano mo masuko? Annoying kaaayo mug reasons."

Pagtatanggol pa ng isa kay isabelle, hindi responsibilidad ng TV host-actress na mabakunahan ang mga Pilipino.

Continue reading below ↓

Hindi raw sagutin ni Isabelle ang pagdu-donate o pagbili ng bakuna para sa mga kababayan natin.

Aniya, "I AGREE WITH YOU ON THIS. IT'S PH GOVERNMENT'S RESPONSIBILITY TO HAVE EVERYONE VACCINATED - NOT ISABELLE DAZA TO SPONSOR/DONATE VACCINE *rolls my eyes"

Burado na ang post na ito sa Instagram ni Isabelle.

Continue reading below ↓

CAPS FOR A GOOD CAUSE

Para sa kaalaman ng lahat, ang mga sumbrebrong suot nina Isabelle at Adrien ay ibinebenta sa halagang $49.99 (halos tatlong libong piso) bawat isa.

Ibinibenta ito ng isang grupo upang makaipon ng pondo para pantulong sa COVID crisis sa bansang India.

Bukod sa "Vaccinated by Pfizer” hat, meron ding "Vaccinated by Moderna" cap.

Continue reading below ↓

Wala pang reaksiyon si Isabelle ukol sa mga negatibong reaksiyon ng ilang netizens.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens accuse Isabelle Daza of "insensitivity" after she posted on Instagram a photo of her and husband Adrien Semblat wearing "Vaccinated by Pfizer" caps. The caps are being sold to raise funds for the COVID crisis in India.
PHOTO/S: Courtesy: @isabelledaza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results