Is Ruby Rodriguez leaving showbiz for good after migrating to the U.S.?

by Bernie V. Franco
5 days ago
Ruby Rodriguez describes her life in the U.S. as "domesticated." She is currently working at the Philippine Consulate and is taking care of her children.
PHOTO/S: @rodriguezruby on Instagram

Nitong mga nakalipas na linggo, napaulat ang pagma-migrate ni Ruby Rodriguez at ng kanyang pamilya sa Amerika.

Nagtatrabaho siya ngayon sa Philippine Consulate sa Los Angeles, California.

Wala naman direktang pahayag si Ruby kung tuluyan na niyang tatalikuran ang showbiz.

Pero sa isang recent interview, sinabi ng TV host-comedienne na panandalian lamang ang pamamahinga niya sa showbiz.

Ito ay para makapagtrabaho sa U.S. at pagtuunan ng pansin ang mga anak, lalo na ang kanyang bunsong si Don AJ.

“Hindi pa po ako nagku-quit ng showbiz. This is just like a pause.

“Parang resting period, and then let’s go back with a vengeance under Viva,” pahayag ni Ruby sa interview sa kanya ni Lhar Santiago para sa "Chika Minute" segment ng 24 Oras noong June 2.

Kamakailan lamang ay pumirma si Ruby ng managerial contract sa Viva Artists Agency.

Lumipad sina Ruby sa Amerika noong Mayo para mapatingnan sa mga dalubhasa ang bunsong anak na si Don AJ.

Continue reading below ↓

Matagal na panahon na raw nilang pinagplanuhan ito.

“Si Toni, dito na talaga siya. As in final na dito siya,” pagtukoy ni Ruby sa panganay na anak nila ni Mark Aquino.

“Kay AJ, gawin lang muna namin yung dapat gawin and then after magawa iyon, then we’ll see what will happen.

“I don’t want to say everything is final.

“Hindi pwede [manatili sa U.S.] kasi marami pa po akong obligasyon diyan sa Pilipinas," paglilinaw ni Ruby.

Si AJ ay may auto-immune disease na kung tawagin ay Henoch–Schönlein purpura, kung saan kidney ang pinupuntirya nito.

Ito ang nag-udyok kina Ruby na mag-migrate sa Amerika para may mga dalubhasang tumingin kay AJ.

Bukod dito, may special needs din ang bunso ni Ruby.

Paliwanag ng TV host-comedienne: “We are doing this sacrifice for my son.

“We have to treat his medical ailment more than his SPED [special education].

“His illness is delikado, kasi kidney po ito.

Continue reading below ↓

“Iniiwasan po ng mga doktor namin dito na mag-dialysis siya. Iniiwasan ang kidney transplant.”

Para masuportahan ang pamilya, nag-apply ng trabaho si Ruby.

“I said we have to treat AJ. Pwede naman akong… kumbaga, take a break from showbiz.

“So, we planned it. And then I said to myself, parang hindi naman pwedeng asa ka na lang sa kung anu-ano.

“You have to work, kasi you have to be productive. Kasi, parang paano naman kaming family, di ba?

“So, I applied. I went to the proper channels. Hindi po ako appointed,” sabi niya tungkol sa kanyang office work sa Philippine Consulate sa U.S.

Ang lahat daw ng kapatid ni Ruby ay nasa Amerika na rin.

RUBY’S LIFE IN THE U.S.

Domesticated daw ngayon ang buhay ni Ruby.

Bukod sa medikasyon ni AJ, tutok din siya sa pag-aaral ng anak, lalo’t sa susunod na school year ay inaasahan na ang face-to-face interaction sa Amerika.

Continue reading below ↓

Sunasakay ng subway ang former Eat Bulaga! host kapag pumapasok sa trabaho.

“Right now, we’re here in Burbank. We’re looking for a place malapit sa work para hindi na kami mahirapan, kasi malayo din ang byahe.

“Ang traffic dito,” ani Ruby.

May mga post pa nga si Ruby na nasa subway sa pagpasok sa trabaho.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Ruby Rodriguez, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruby Rodriguez describes her life in the U.S. as "domesticated." She is currently working at the Philippine Consulate and is taking care of her children.
PHOTO/S: @rodriguezruby on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results