Anthony Taberna, Ronnie Liang condemn killing of FEU football star Kieth Absalon, cousin by the NPA

by Arniel C. Serato
Jun 10, 2021
Radio personality Anthony Taberna (left) and actor/singer/army reservist Ronnie Liang (right) strongly condemn the brutal killings of FEU football star Kieth Absalon (center) and his cousin last Sunday, June 6, in Masbate.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook

Marami ang kumondena at nalungkot sa karumal-dumal na pagpatay sa Far Eastern University (FEU) Men’s Football Team member na si Kieth Absalon at sa kanyang pinsang si Nolven Absalon.

Pinatay ang dalawa ng komunistang grupo na New People’s Army (NPA) unit sa Brgy. Anas, Masbate City.

June 6, Linggo, bandang 6:30 ng umaga, habang nagbibisekleta ay aksidenteng nadaanan nina Kieth at ng kanyang pinsan ang isang improvised explosive device (IED).

Ayon sa death certificate ng dalawa, bukod sa pagsabog ng IED, may nakita ring mga sugat ng bala sa kanilang katawan.

Mariin itong kinondena ng maraming netizens at ilang personalidad.

Kabilang sa kanila ang DZRH anchor na si Anthony Taberna at ang singer/actor/army reservist na si Ronnie Liang.

ANTHONY TABERNA

Sa kanyang Instagram kahapon, June 9, ibinahagi nin Taberna ang kanyang sentiyemento ukol sa pangyayari.

Nababahala raw siya na hindi nag-iingay ang ilang personalidad tungkol pagpaslang kay Kieth at sa pinsan nito.

Continue reading below ↓

Bakit hindi raw kinokendana ng mga ito ang NPA, sa kabila ng pag-a-apologize ng armadong grupo ng mga komunista.

Pahayag ng Dos Por Dos anchor, “2:26AM Hindi ako makatulog. Naghahanap ako ng ingay. Oo, may statement ang Makabayan Bloc sa Kongreso. Pero bakit di nyo makondena ang NPA?

“Bakit di nyo makondena ang Partido Komunista? Nasaan ang mga senador na isang kibot at pagkakamali ng pulis at militar ay ihing-ihi sa pagtuligsa at pagEpal para magpa-imbestiga??

“Nakapanlulumo dahil nasayang ang magandang kinabukasan ni Keith Absalon. Oo nga at nagsorry ang CPP-NPA. Pero kailan? Magtatatlong araw pagkatapos pasabugan ng IED at barilin sa ulo si Keith at ang kanyang tiyuhin.

“Kung hindi kaya si Keith ito na isang bayani sa larangan ng College Football? Kung isang ordinaryong sibilyan kaya ang biktima ng pang-ambush ng NPA na napagkamalan nilang sundalo o pulis?

"Magsosorry kaya ang NPA? May statement na rin ang Commission on Human Rights pero bakit hindi ko maramdaman ang gigil nila pag pulis o militar ang nagkamali?"

Continue reading below ↓

Pinangalanan ni Taberna ang ilang mga pulitiko na tahimik daw sa isyung ito, maging ang mga artista, celebrities, at taga-media na bumabatikos sa gobyerno.

Saad ng komentarista, “Senators Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Franklin Drilon - asan po kayo? VP Leni Robredo - di mo ba kokondenahin ang NPA sa pataksil na pagpatay sa kapwa mo Bicolano?

“Yung mga artista at iba pang celebrity at mga taga Media na laging nanggagalaiti sa pagbanat sa gobyerno, okay lang ba sa inyo ang ginawa ng NPA? Ang totoo - nakakapagod na ang patayan ng Pilipino sa kapwa Pilipino - rebelde at kawal at madalas, damay ang sibilyan gaya ni Keith Absalon.

“Kelan ba tayo titigil? Bati na tayo, please?!!! #iamsorry #collateraldamage #tamanapatayan #pinoysapinoy

VICE PRESIDENT LENI ROBREDO

Naglabas ng pahayag si Vice President Leni Robredo noon ding June 9 upang kondenahin ang paggamit ng NPA ng landmines na pumatay sa magpinsang Absalon.

Bahagi ng pahayag ni VP Robredo sa kanyang Twitter account: "Anuman ang sanhi ng pagsabog, walang anumang aksidente sa usapin ng mga landmine.

Continue reading below ↓

May dahilan kung bakit matagal nang nabuo ang pandaigdigang consensus ukol sa mga ganitong uri ng karahasan. Bawal ito sa ilalim ng Ottawa Treaty, dahil walang lugar sa sibilisadong lipunan ang sandatang hindi namimili ng papaslangin.

"Hindi ito makatao.

"No goal or ideology can justify the use of such devices. Paglabag ito sa batas, sa karapatang pantao, sa mga patakaran ng pakikidigma, at sa mismong pag-unawa natin sa mga hangganan ng kayang gawin ng tao sa kanyang kapwa.

"Hindi ito pakikibaka; labas ito sa usapin ng paghahangad nating matigil ang hidwaan.

"Landmines are murder. We condemn this incident without qualification."

RONNIE LIANG

Ikinalungkot naman ni Ronnie ang karahasang nangyari.

Sabi niya sa kanyang Facebook ngayong araw, June 10, “Bilang isang Pilipino, nalulungkot po ako sa pagka matay nina Keith & Nolven Absalon

"wala po talagang mananalo sa anumang away or giyera, ang nag su-suffer ay ang Bayan lalo na ang mga inosenteng mamamayan.

Continue reading below ↓

“I really pray for our country’s peace & unity for our future generations and for our country’s progress & development”

FEU MOURNS DEATH OF KIETH

Labis ding ikinalungkot ng FEU community ang malagim na kamatayan ni Kieth, na naging Most Valuable Player of UAAP Season 78.

Nanghinayang sila sa maganda pa sanang kinabukasan ng football player na natuldukan dahil sa marahas na kaparaanan.

Continue reading below ↓

Narito ang pahayag ng Far Eastern University:

"Kieth Absalon

"(January 1, 2000 to June 6, 2021)

"The FEU Tamaraw Community is deeply saddened by the passing away of Kieth Absalon of the FEU Men’s Football Team. Kieth started his football journey with FEU as a 13 year old, 7th grader in 2013 and became one of the best high school players in UAAP football history.

"Kieth won multiple Midfielder of the Year awards and was named Most Valuable Player of UAAP Season 78. He also became a six-time UAAP champion in High School Football, the most anybody can win in the UAAP. Kieth also competed in the 2018 AFF Championships in Indonesia as a member of the Under 19 Philippine team.

"As a college freshman, Kieth was already part of the First 11 of the Tamaraws prior to the cancellation of UAAP Season 82. Kieth’s toughness on the field and constant smiles off it will truly be missed by his brothers in the men’s football team and the entire FEU community."

Continue reading below ↓

AFP TO FILE COMPLAINTS AGAINST NPA

Sa ulat naman ng TV5.com ngayong araw, nakahanda raw ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsampa ng reklamo laban sa makakaliwang grupo.

Saad pa ni AFP spokesperson Gen. Edgard Arevalo, “Ang ating pangako sa pamilya, kamag-anak, at sa ating mga kababayan ay hindi tayo titigil sa paghatid ng hustisya dito sa mga naging biktima.”

Continue reading below ↓

Maari raw maharap sa mga reklamong murder, violation of the Anti-Terror Law, at violation of Republic Act 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International, Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.

Dagdag pa niya, “Ang ginawa nila ay isang malinaw na krimen. Tatlong batas ang kanilang nalabag. ‘Yan ang naglalaan ng mabigat na kaparusahan. Dapat isuko nila (NPA) ‘yan. Hindi maaari na reprimand lamang. Kailangan managot sila sa batas.”

Kahit inamin na ng NPA at Communist Party of the Philippines (CPP) ang pangyayari kasunod ang kanilang paghingi ng dispensa, hindi raw ito matatanggap ng mga pamilya ng biktima.

Dagdag pa ni Arevalo, “Sinasabi nila na hindi dapat magtatapos sa paghingi lamang ng sorry. At hindi nila tatanggapin [ang danyos] at kung ano mang tulong ang manggagaling sa grupong ito.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Radio personality Anthony Taberna (left) and actor/singer/army reservist Ronnie Liang (right) strongly condemn the brutal killings of FEU football star Kieth Absalon (center) and his cousin last Sunday, June 6, in Masbate.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results