Bulgar editor, writer charged with libel over Catriona Gray fake nude photo

by Rachelle Siazon
5 days ago
Quezon City Prosecutor's Office on Miss Universe 2018 Catriona Gray's libel and cyber libel complaint versus Bulgar editor Janice Navida and contributing writer Melba Llanera: "Stated differently, respondents could have coordinated and verified the veracity of the subject photograph with complainant's camp prior to publication if they really wanted to help her. Apparently, however, they did not do so."
PHOTO/S: ERICKSON RAYMUNDO / @catriona_gray Instagram

Tuloy ang laban sa korte ni Miss Universe 2018 Catriona Gray matapos ireklamo ang fake nude photo niya na lumabas sa tabloid na Bulgar.

Nakasuhan ng tig-isang bilang ng libel ang Bulgar entertainment editor na si Janice Navida at contributing writer na si Melba Llanera.

May isang bilang din ng kasong cyber libel laban kay Navida, ayon sa resolusyon na inilabas ng Quezon City Prosecutor's Office, noong Marso 11, 2021.

Ngayong Huwebes, Hunyo 10, 2021, nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng resolusyon na pirmado ni Assistant City Prosecutor Jerome Christopher Feria.

May recommending approval ito ni Senior Assistant City Prosecutor Arleen Tagaban at aprubado rin ni Deputy City Prosecutor Irene Resurrecion-Medrano.

Lumabas sa imbestigasyon na mayroong "probable cause" para makasuhan ng libel sina Navida at Llanera dahil sa umano'y mapanirang artikulo sa Bulgar tabloid laban kay Catriona.

Sabi sa bahagi ng resolusyon: "In view of the presence of all the elements of libel, this Office finds probable cause to indict not only the author/writer, respondent Melba Llanera, but also the entertainment editor of Bulgar, respondent Janice Navida, for violation of Libel under the Revised Penal Code."

Continue reading below ↓

Kasama raw sa kaso si Navida dahil alinsunod sa batas na may pananagutan sa paglathala ng isang mapanirang artikulo ang author, editor, at business manager ng isang daily newspaper o publication.

Noong July 18, 2020, lumabas sa Facebook page ng Bulgar ang caption na: "After ng bantang pasabog ni Clint... NUDE PHOTOS NI CATRIONA, KALAT NA! OMG!!! Basahain ang detalye sa INSIDER ni Melba Llanera bukas, Linggo. Bili na ng BULGAR para lagi kang updated!"

Noong July 19, 2020, lumabas sa Bulgar tabloid ang artikulo na may headline na (itals provided): "After ng bantang pasabog ni Clint... NUDE PHOTOS NI CATRIONA, KALAT NA!"

"DEFAMATORY" ELEMENT

Ipinaliwanag ng Quezon City prosecutor na may elementong paninirang-puri ang headline at artikulo na napag-alamang nakalathala sa front page ng Bulgar tabloid.

Dagdag pa rito ang nalathalang litrato ng isang babaeng nakahiga at walang suot na pang-itaas na damit.

Nakasira umano ito sa reputasyon at integridad ni Catriona.

Continue reading below ↓

"It conveys the idea that the nude pictures posted on the internet and published in the newspaper really depict the complainant," saad sa resolusyon.

Naging daan daw ito para maging katatawanan si Catriona at maging tampulan ng mapanirang mensahe mula sa netizens na nagkomento sa Facebook page ng Bulgar at pati na sa mga nakabasa ng article.

TESTIMONY FROM CATRIONA'S WITNESSES

Nakasaad din sa resolusyon ang salaysay ng tatlong iniharap na testigo mula sa kampo ni Catriona.

Naniniwala ang tatlong testigo na may "malicious intent" ang "sensationalized" headline, pati na ang unverified "nude photo" na inugnay umano ng Bulgar kay Catriona.

Una nang inihayag ni Catriona sa kanyang reklamo sa piskalya na hindi siya ang "topless woman" na nasa litrato sa tabloid at Facebook page ng Bulgar.

Sinabi rin noon ni Catriona na misleading ang paglathala ng Bulgar ng kanyang bathtub photos na kuha sa video ng iniendorso niyang clothing brand.

Continue reading below ↓

Ayon pa rin sa resolusyon, inireklamo ng kampo nina Navida at Llanera ang diumano'y "bias" at kawalan ng kredibilidad ng tatlong witnesseses dahil kakilala raw ang mga ito ng kampo ni Catriona.

Pero hindi raw ito isyu, ayon sa Quezon City prosecutor.

Sabi sa resolusyon, "In this case, while the witnesses may be related to the companies which are being endorsed by complainant, respondents did not show any improper motive on the part of the said witnesses in making their respective sworn affidavits.

"All told, the subject caption previously quoted is defamatory in character."

"DONE WITH MALICE"

Sinabi rin sa resolusyon na may elemento ng malisya ang artikulo at online post ng Bulgar, dahil sa headline pa lang ay pinagmukha na raw na si Catriona nga ang nasa nude photo gayong hindi umano ito beripikado.

Dagdag pa rito (itals provided): "The clear caption, 'After ng bantang pasabog ni Clint... NUDE PHOTOS NI CATRIONA, KALAT NA!' goes contrary to respondents' defense that it merely reported the circulation of complainant's alleged nude photographs without claiming that she is the person being depicted therein.

Continue reading below ↓

"It immediately gives the impression that the person in the picture is complainant herself as can be seen in the reaction of the witnesses based on their respective sworn affidavits."

Hindi rin tinanggap ng prosecutor ang "defense of good faith" nina Llanera at Navida.

Kung talagang nais daw nilang tulungan si Catriona na malinis ang pangalan nito, dapat daw ay kinuha muna ang panig ng beauty queen bago inilathala ang artikulo na may kalakip na litrato ng isang topless woman.

Paliwanag pa ng Quezon City prosecutor sa resolusyon:

"Stated differently, respondents could have coordinated and verified the veracity of the subject photograph with complainant's camp prior to publication if they really wanted to help her.

"Apparently, however, they did not do so.

"With these respondents failed to discharge the burden of proving that the subject caption was written in good faith and without malice."

Tulad ng content ng tabloid article, pasok din daw ang lahat ng elemento ng libel sa online post na lumabas sa official Facebook page ng Bulgar.

Continue reading below ↓

Hindi raw itinatwa ni Navida na ang Facebook page ay pag-aari ng Bulgar kunsaan siya nagtatrabaho.

Ito raw ang basehan para kasuhan ng cyber libel si Navida.

Sinubukan ng PEP.ph na makipag-ugnayan kina Navida at Llanera sa pamamagitan ng paghingi ng opisyal na pahayag mula sa mga ito.

Agad ilalathala ng PEP.ph sa oras na matanggap ang anumang pahayag ng mga ito at iba pang personalidad na sangkot sa kaso.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Quezon City Prosecutor's Office on Miss Universe 2018 Catriona Gray's libel and cyber libel complaint versus Bulgar editor Janice Navida and contributing writer Melba Llanera: "Stated differently, respondents could have coordinated and verified the veracity of the subject photograph with complainant's camp prior to publication if they really wanted to help her. Apparently, however, they did not do so."
PHOTO/S: ERICKSON RAYMUNDO / @catriona_gray Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results