Comedian Jimmy Santos takes vlogging seriously: "Kailangan kapulutan ng aral."

by Bernie V. Franco
4 days ago
Jimmy Santos finds a new career in vlogging. The comedian-host currently has more than 200,000 subscribers on YouTube.
PHOTO/S: YouTube (Jimmy Saints)

Marahil ay may mga nagtatanong kung nasaan na ngayon si Jimmy Santos.

Bagamat hindi siya aktibo sa telebisyon at pelikula, very active naman ang 69-year-old comedian-host sa kanyang YouTube channel.

Tama. Isa nang certified vlogger ang former Eat Bulaga host.

Sa vlogging ibinubuhos ngayon ni Jimmy ang kanyang panahon.

Kasalukuyan siyang naninirahan sa Clark, Pampanga.

Tampok sa kanyang videos ang buhay probinsya at mga pasyalan sa Pampanga.

“Sini-share ko lang yung konting kaalaman ko at naikukuwento rin sa akin, yung tungkol dito sa Pampanga, yung history,” kuwento ng batikang komedyante sa Unang Hirit noong June 9.

Tinitiyak naman daw ni Jimmy na may kabuluhan ang ginagawa niyang vlogs.

“Ang pagba-vlog, hindi naman basta ganun lang, e.

“Kailangan meron ding sense. Kailangan kapulutan ng aral.

“Alam mo naman, ang kaalaman walang katapusahan ‘yan, kailangan [dagdagan].”

Sa kasalukuyan, mayroong higit 200,000 subscribers ang channel ni Jimmy na Jimmy Saints.

Libu-libo ang kanyang views at may isang video siyang pumalo ng higit 2.9 million, habang ang isa naman ay higit sa isang milyon ang views.

Continue reading below ↓

JIMMY MISSING SHOWBIZ

Sa iba’t ibang video, may mga pahayag si Jimmy tungkol sa kanyang sitwasyon sa kasalukuyan.

Dahil nga panahon ng pandemya, sa Pampanga muna siya nananatili. Ang isa pa niyang pinagkakaabalahan ay ang pagpunta sa kanyang mga kaibigan, na isinasama rin niya sa videos.

“Alam mo naman, pandemic. Alam mo naman ngayon, mga senior medyo bawal na [lumabas].”

Continue reading below ↓

Aminado si Jimmy na nami-miss na rin niya ang showbiz, lalo na ang paggawa ng pelikula.

“Siyempre, nami-mimiss ko ‘yan. Matagal na rin akong hindi nakakagawa ng pelikula.”

Ang pinakahuling pelikulang kinabilangan ni Jimmy ay ang ‘Tol noong 2019, na pinagbidahan nina Arjo Atayde, Ketchup Eusebio, at Joross Gamboa.

Pagdating naman sa buhay-artista, nagpayo si Jimmy na importanteng magtabi ng pera, lalo’t may mga kuwento ng mga artistang naghirap matapos mawala ang kasikatan.

“Dapat dito, kung kikita ka ng piso, itabi mo yung sisenta. Yung trenta ang gastusin mo," sabi ni Jimmy.

“Sisenta nang sisenta. Basta kikita ka, itago mo. Pag tagal-tagal ng panahon, yung sisenta mo, makikita mo marami.

“Kailangan magtitiyaga ka, e. Sacrifice na tinatawag.”

Sa mga kabataan namang nais mag-artista, binanggit ni Jimpy na importante ang makakuha ng manager para makatulong sa paghahanap ng project.

“Siyempre, sa ngayon mga millennial, lalo na mga tinedyer kumukuha na sila agad ng manager.

Continue reading below ↓

“Kaya yung manager nila naghahanap ng projects sa kanila, sa mga bata, lalo sa telebisyon.

“Lalo na halimbawa nanalo sa isang contest, kagaya sa Eat Bulaga! merong Mr. Pogi, Little Miss Philippines, yung mga ano diyan, nagkakaroon sila ng tsansa.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Jimmy Santos, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jimmy Santos finds a new career in vlogging. The comedian-host currently has more than 200,000 subscribers on YouTube.
PHOTO/S: YouTube (Jimmy Saints)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results