Julia Clarete ends rumors about her return to the country after marrying foreigner husband

by Arniel C. Serato
Jun 11, 2021
Julia Clarete on husband Gareth McGeown's decision to accept his company's offer to head its Philippine branch: "I said, 'Do you want to take on the Philippines?' E, love niya ang Pilipinas kasi dito na rin siya galing before."
PHOTO/S: Courtesy: Julia Clarete on Facebook

Tinapos na ni Julia Clarete ang mga espekulasyon tungkol sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas matapos niyang mamalagi ng ilang taon sa Malaysia.

Taong 2015 nang lisanin ni Julia ang bansa upang sundan ang kanyang long-time Irish partner pa noong si Gareth McGeown.

Pero noong 2018, bumalik sa Pilipinas si Julia kasama ang asawa nang si Gareth at ang anak ng aktres na si Sebastian.

Si Sebastian ay anak ni Julia mula sa isang dating karelasyon.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News kay Julia na lumabas ngayong araw, June 11, binigyang linaw niyang muli kung bakit bigla siyang bumalik ng Pilipinas.

Kung sa iba raw ay negatibo ang ibig sabihin nito, sa kanya raw ay malaking kabaligtaran.

Pahayag ni Julia, "I might as well address it now. Kasi ang dami ngang artistang ganyan na kapag nag-settle down, tapos umalis ng bansa, pagbalik, nagbalik-artista, yun pala, boom! May naging marital problems. It happens a lot.

Continue reading below ↓

"But in my case kasi, when I left Eat Bulaga! for Malaysia, it was to join Gareth. Kasi we were gonna settle in na, we were gonna get married."

Bumalik daw sila ng Pilipinas dahil nakatanggap ng alok ang kanyang asawa na pamunuan ang isang malaking kumpanya ng softdrinks dito sa bansa.

Lahad ni Julia, “Tumawag sa kanya yung company. Kasi he was running na Singapore, Malaysia, and Brunei. He was running three countries as the CEO of Coca-Cola. Tinawagan siya ng Coke.

“Sinabi sa kanya, 'Gusto mo bang i-take on ang Philippines?'

"Sabi niya [sa akin], 'You want to go back home?'

"I said, 'Do you want to take on the Philippines?' E, love niya ang Pilipinas, kasi dito na rin siya galing before.

“Ako, hindi ko makakailang miss na miss ko ang Pinas. So sabi ko, 'Tara.'

"And he was very happy na parang I didn't mind coming back, na we will be susceptible to intrigue. But it was purely for his work and ang saya namin dito.

Continue reading below ↓

"So, he is now the CEO of Coca-Cola Bottlers in the Philippines.”

Nilinaw rin ni Julia na wala pang katiyakan kung for good na sila sa bansa. Maaari raw kasing ma-assign ang asawa sa ibang bansa.

Aniya, "Expat family kami. So, we will be moving after a few years.

"So, we don't know when that will be but hopefully we get to stay a little longer.”

Ikinasal sina Julia at Gareth noong July 2017.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Clarete on husband Gareth McGeown's decision to accept his company's offer to head its Philippine branch: "I said, 'Do you want to take on the Philippines?' E, love niya ang Pilipinas kasi dito na rin siya galing before."
PHOTO/S: Courtesy: Julia Clarete on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results