Derek Ramsay admits he wanted to marry Ellen Adarna even before their first kiss

by Rachelle Siazon
Jun 14, 2021
Derek Ramsay on unexpected romance with Ellen Adarna: "It was just that instant connection. That's the thing, we didn't test drive anything. Even for her. We didn't test the goods..."
PHOTO/S: @ramsayderek07 Instagram

Napaamin si Derek Ramsay, 44, na naramdaman niyang si Ellen Adarna, 33, ang babaeng nais niyang makasama habambuhay bago pa naganap ang kanilang "first kiss."

Magkasamang nakapanayam sina Derek at Ellen sa YouTube vlog ni Dra. Vicki Belo noong June 10.

Masayang ikinuwento ng engaged couple na "wholesome" sila bago sila naging opisyal na magkasintahan.

Ayon kay Ellen, ang first real kiss nila ni Derek ay naganap "after one month pa of hanging out."

Hindi raw counted iyong sumablay na halik ni Ellen kay Derek noong gabing inihatid siya nito sa bahay.

Kuwento ni Ellen, "Ang tagal ko inisip. Parang, 'Okay. Should I kiss him?'

"And then natawa ako sa sarili ko. 'Why am I stressing about this?'

"So, finally, I decide to kiss him, and then natawa na ako sa sarili ko."

Sa sobrang tense daw kasi ni Ellen ay naumpog niya ang ngipin sa mukha ni Derek, at saka tumalilis palabas ng kotse hanggang sa makapasok sa bahay.

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Derek, hindi rin siya basta nag-initiate ng holding hands, kiss, o anumang intimate moment sa pagitan nila ni Ellen.

"Everyone thought na there's something that happened. Nothing happened for us, not even until naging kami," sabi ni Derek.

Tumatak daw kasi sa isip niya ang sinabi sa kanya ni Ellen noong minsang nagpa-party sila sa bahay ni Derek.

Ginaya pa ni Derek ang boses ni Ellen habang inaalala ang mga binitawang salita ng aktres.

Natatawang lahad ni Derek: "She was drunk, e. She was, like, 'If this ever happens, it has to be when I'm sober... So that I can feel the energy.'

"All the other times we were hanging out, I wanna respect her.

"I want her to know where this is going."

Napapangiting sabi uli ni Ellen sa pagiging wholesome nila ni Derek, "Yeah, like nothing.

"And my friends won't believe me. They're like, 'Are you sure?' I was, like, 'Yeah, I am so sure.'"

Continue reading below ↓

VICKI REVEALS CONVO WITH DEREK

Sa puntong ito ay sumingit si Vicki para isiwalat na tinamaan nang husto si Derek kay Ellen.

Nagulat daw si Vicki nang aminin sa kanya ni Derek na wala pang isang buwan ay gusto nang mag-propose ni Derek kay Ellen.

Lahad ni Vicki: "I have a secret to tell you. This guy called me up. He calls me up, 'This is the girl! I'm really gonna propose! I'm getting married, Vicks.'

"I go, 'Ha?! How long have you known her?' '[In] three days, it would be one month.'"

Pagsusuma pa ni Vicki: "If you're telling me you didn't kiss until after one month, so that means he wanted to marry you before you kissed."

Inamin ni Derek na iba raw talaga ang naramdaman niya sa sandaling panahong pagkikilanlan nila ni Ellen.

Ani Derek, "It was just that instant connection. That's the thing, we didn't test drive anything. Even for her. We didn't test the goods."

Continue reading below ↓

Patuloy ni Vicki, pinayuhan niya si Derek na mahihirapan itong mamili ng engagement ring para kay Ellen.

Hindi kaila sa mga masugid na sumusubaybay kay Ellen na mayroon itong singsing na may malaking diamond stone galing sa ama nito.

Kuwento pa ni Vicki: "And I told you Derek, 'May problema ka.'

"Because I've seen your [Ellen] ring. Your dad gave you a ring and it's huge.

"Sabi ko, 'Derek, malaki yung ring. Paano mo yun ita-top? Huwag ka na mag-diamond. Ibang stone na lang kasi ang laki ng ring.'"

Sabi naman ni Derek, walang makakapantay sa singsing na bigay ng namayapang ama ng aktres.

"But this is so important to her. I won't ever compete with that," saad ng aktor.

Sabay usisa ni Vicki, "So, you hadn't even kissed, you wanted to marry her na, and you're gonna propose?"

Napagtanto naman ni Ellen ang tindi ng feelings sa kanya ni Derek bago pa man ang kanilang first real kiss.

Continue reading below ↓

Nag-kiss lang daw kasi sila pagkatapos nilang magkatampuhan noong nag-hiking sila sa Mt. Gulugod Baboy sa Mabini, Batangas.

Nagulat man ay sweet ang boses ni Ellen nang tanungin si Derek, 'So, you knew that you're gonna marry me before we kissed?’”

Biglang natawa nang malakas si Ellen at hinampas si Derek na tila inaasar ito.

Sabi ni Derek, "Wow, laki ng ulo! Hello?!"

Paglilinaw ni Derek, "I didn't know we're going to get married. I just know I want to marry her. I wasn't assuming you'd say yes."

Sabi ni Ellen, "You told me three times before you'd really propose. We would talk about it and he would tell me."

ON FINDING LOVE UNEXPECTEDLY

Hindi naman daw inasahan nina Derek at Ellen na mauuwi sa lifetime commitment ang kanilang whirlwind romance.

Lalo pa't noong simula ay alam daw nila pareho na hindi pa sila handa para sa isang serious commitment.

Continue reading below ↓

Balik-tanaw ni Derek, "We don't like talking about the 'm' word.

"We were lying down in bed—Nothing happened. Don't worry after everything, lots of things happened—But, for some reason we just talked about marriage.

"It just came out. She told me she was uncomfortable with it. She told me she's gonna be a matrona na."

Dugtong ni Ellen, "I really didn't want to get married. I was traumatized..."

Tanong ni Vicki, saan siya na-trauma?

"Men," simpleng sagot ni Ellen.

Sa kaso naman daw ni Derek ay may agam-agam din siya pagdating sa pagpapakasal.

"I don't want to make a mistake. It happens too often. People get together, they think they're in love, they get married.

"And then when that happens, we'd end up separating.

"If it takes me 44 years, at least, I know when I make that decision, I know it's the right decision."

At ganoon daw ang naramdaman ni Derek kay Ellen. It just felt right.

Continue reading below ↓

Si John Estrada ang nagbigay-daan sa unang personal na pagkikita nina Ellen at Derek.

Nasundan ito ng dinner party sa bahay ni Derek noong January 11, 2021.

Naging magkasintahan sina Ellen at Derek noong February 4, 2021.

At makalipas ang halos dalawang buwan, noong March 30, 2021, nag-propose si Ellen kay Derek at na-engage sila.

ALSO READ
, "widget":"Hot Stories"]

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on unexpected romance with Ellen Adarna: "It was just that instant connection. That's the thing, we didn't test drive anything. Even for her. We didn't test the goods..."
PHOTO/S: @ramsayderek07 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results