Vice Ganda, boyfriend Ion Perez still experience "major discrimination": “Na makasalanan ako. Makasalanan kami.”

by Bernie V. Franco
Jun 15, 2021
Vice Ganda on critics who continue to judge his relationship with boyfriend Ion Perez. "Meron pa ring magpo-post ng kanilang religious beliefs, na ini-impose sa akin na dapat ganito, ganyan."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Inamin ni Vice Ganda, 45, na nakararanas pa rin siya ng “major” discrimination, hindi dahil sa kanyang sexual orientation kundi dahil sa kanyang same-sex relationship.

Ang boyfriend ni Vice ay si Ion Perez, na co-host niya sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Sa tatlong taon nilang pagsasama, hindi raw sila tinatantanan ng panghuhusga mula sa mga kritiko.

Pahayag ni Vice, “Sa work, hindi na...

“Kahit papa'no naman, I was able to establish my name naman din doon sa trabaho ko, pinagtatrabahuan ko, dun sa industriyang part ako.

“So, hindi ko na yun nararamdaman.

“Yung discrimination, sa kung paano tanggapin ng tao yung relationship ko with Ion.

“So, hindi siya natatapos. Hindi natatapos yung mga comments ng mga tao na hindi maganda, just because bakla ako. Yung ganun.”

Hindi pa rin daw nawawala ang mga taong kumukontra sa pag-iibigan nila ni Ion.

“Yung meron pa ring magpo-post ng kanilang religious beliefs, na ini-impose sa akin na dapat ganito, ganyan…

Continue reading below ↓

“Na makasalanan ako, makasalanan kami. Yung ganun. Yun lang.

“But that’s major," pag-amin ng comedian-host.

Dagdag pa ni Vice, “Pero other than that, hindi ko na siya masyadong ma-experience.”

Natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice tungkol dito sa Sandwich Session, isang virtual interview kasama ang editorial team ng Summit Media, ngayong Martes, June 15.

Continue reading below ↓

VICE PREFERS NOT TO DEAL WITH CRITICS

Paano hinaharap ni Vice ang masasakit na panlalait pagdating sa kanyang romantic relationship?

Sagot ng tinaguriang Unkabogable Star, “As much as possible, I don’t want to deal with them.

“And I don’t want to deal with that issue because it’s a waste of energy.

“Whatever I say, they will not take it. And they will not choose to understand and accept it. Sarado na sila.

“As much as possible, I don’t want to deal with their issues and them.”

Kung siya raw ang masusunod, ayaw na niyang mabasa pa ang mga negatibong komento na talamak sa social media.

Pero dahil aktibo siya sa social media, hindi raw niya ito maiwasan.

“Nagkakataon lang na nababasa ko.

"Pero kung alam ko lang, kung maiiwasan ko lang silang basahin, hindi ko sila babasahin.

“Kasi ayoko, e. Yung energy ko, sayang.

“Hindi sila yung taong pagpapaliwanagan kasi masasayang yung kapaliwanagan ko. Hindi talaga nila tatanggapin.

Continue reading below ↓

“Pero kung alam kong open… may mga taong open to discuss about it, ‘yon, masarap.

“Pero may mga taong… ‘Di na lang, uy! Dami ko na issues, ‘no. Dagdag pa ba kita? Di, magalit ka na lang.’

“Siya na lang, di ba? Hayaan ko na lang siyang magalit.”

Samantala, tuloy-tuloy ang trabaho ni Vice sa gitna ng pandemya.

Bukod sa daily noontime show na It’s Showtime at weekly singing game show na Everybody Sing, naghahanda rin si Vice para sa kanyang digital concert.

Ito ang Gandemic VG-tal Concert na magaganap sa July 17 at mapapanood via streaming sa KTX.ph, iWantTFC, at SkyPPV.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on critics who continue to judge his relationship with boyfriend Ion Perez. "Meron pa ring magpo-post ng kanilang religious beliefs, na ini-impose sa akin na dapat ganito, ganyan."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results