DJ Mo Twister ties the knot with Angelicopter in Iceland

by Rachelle Siazon
Jun 16, 2021
DJ Mo Twister on mini-adventure leading to his intimate wedding with Angelicopter in Iceland: "Insane and insanely romantic. It was incredible."
PHOTO/S: @djmotwister Instagram

May halong kakaibang adventure ang pag-iisang dibdib nina DJ Mo Twister at longtime partner niyang si Angelicopter.

Ang dating DJs ng Magic 89.9 na sina Mohan Gumatay at Angelika Schmeing ay ikinasal sa Iceland nitong Martes, June 15, 2021 (Iceland time).

Umaga ng Miyerkules, June 16, dito sa Pilipinas nang inanunsiyo ni DJ Mo na kasal na sila ni Angelicopter.

Sa pamamagitan ng Instagram post, ipinakita ni DJ Mo ang litrato nila ni Angelicopter na kuha sa isa sa mga magandang tourist destination sa South Iceland.

Matamis ang ngiti ng newlyweds habang kita sa likuran nila ang Kvernufoss falls.

Ayon kay DJ Mo, matagal na nilang plinano ni Angelicopter ang kanilang Iceland trip, pero hindi nila inasahang tatama sa kanilang wedding day ang summertime snow storm.

"Here’s a tip about getting married in a far away wilderness like Iceland. Have not one but two backup plans for the second time we have been here together, things we had scheduled a long time ago were cancelled by weather.

Continue reading below ↓

"We had some extreme weather that made us have to completely overhaul the entire day.

"Where we scheduled to have our ceremony, changed due to a summertime snow storm," saad ni DJ Mo sa caption ng kanyang post.

Sa kabila ng snow storm, inilaban nina DJ Mo at Angelicopter ang suot nilang wedding attire.

Nakasuot ng suit ang groom, habang ang bride ay tila diwata sa suot niyang whimsical dress.

Pero naging hamon para sa couple ang paghahanap ng perfect spot para sa kanilang wedding.

"Angelika’s wedding dress was ripped by the weather and the elements. My clothes drenched.

"We moved to several locations, the kids nearly froze to death, they had to stay in the hotel cuz they just couldn’t handle the weather any longer, then like a miracle, we found a bright, calm and SUNNY spot wherein it ended up with just the two of us."

Hindi man nasunod ang kanilang wedding-day plans, ramdam pa rin daw nina DJ Mo at Angelicopter ang tamis ng kanilang pag-iisang dibdib.

Continue reading below ↓

"Insane and insanely romantic. It was incredible.

“Our amazing videographer did an awesome job leading the way.

"And yay! I get to finally wear a wedding ring!! I love you @angelicopter, no wedding hashtag."

Mala-Game of Thrones ang sumunod na caption ni DJ Mo sa litrato ni Angelicopter na kita ang nakamamanghang kabundukan sa Iceland.

"My Khaleesi calling on the dragons," pagtukoy ni DJ Mo sa kanyang misis na si Angelicopter.

Continue reading below ↓

THE HIKING ADVENTURE

Sa hiwalay na Instagram Stories ni DJ Mo, ipinakita niya ang video kunsaan makikitang napapalibutan ng yelo ang inaakyat nilang bundok.

Bago marating ang Kvernufoss falls ay may 1.5 kilometers na hiking trip mula sa starting point.

Sa video ni DJ Mo ay kasama pa nila ang kanilang mga anak na sina Amsterdam at Lucas. Si Lucas ay anak ni Angelicopter sa dating karelasyon, pero sariling anak na rin ang turing dito ni DJ Mo.

Continue reading below ↓

"We're walking to the altar of our wedding.

"I know I keep saying it's summer time. But it is summer time and it is freezing and beautiful.

"Not a lot of people get married in these conditions. Not a lot of people of getting married in conditions like this.

"We've been walking because there is nowhere else to go but up that mountain so we can get married today, the 15th of June 2021."

Continue reading below ↓

ENGAGED in summer of 2020

Sina DJ Mo at Angelicopter ay nakabase sa Las Vegas.

Una silang nagkakilala nang maging avid caller si Angelicopter sa radio show ni DJ Mo.

Makalipas ang anim na buwan, naging co-host ni DJ Mo si Angelicopter.

Ilang taon silang naging malapit na magkatrabaho at magkaibigan bago sila humantong sa pagiging couple.

Walong taon na silang magkarelasyon nang mag-propose si DJ Mo kay Angelicopter noong May 2020.

Nakipagsabawatan si DJ Mo sa isang caller para i-prank si Angelicopter sa episode ng Good Times With Mo podcast

Nagkuwento ang prank caller ng love story nito.

Sabay sa huli ay nagsabi ang prank caller na, "You know, I just want him to say one thing. I just wish he'd say this line, you know: 'Angelika, would you take this ring and say yes to being Mohan's wife?'"

Nagulat at naging emosyonal si Angelicopter, pero tuwirang sagot niya kay DJ Mo, "Of course, Babe!"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DJ Mo Twister on mini-adventure leading to his intimate wedding with Angelicopter in Iceland: "Insane and insanely romantic. It was incredible."
PHOTO/S: @djmotwister Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results