Rumored couple Jane Oineza, RK Bagatsing get their COVID-19 vaccine jabs together

by Arniel C. Serato
Jun 16, 2021
Jane Oineza and RK Bagatsing bring kilig to their fans after getting COVID-19 vaccine jabs together in Taguig.
PHOTO/S: Courtesy: @janeoineza / @bagatsingrk on Instagram

Sabay na nagpabakuna ng COVID-19 vaccine ang rumored couple na sina Jane Oineza at RK Bagatsing.

Sa Taguig City nagpaturok ang dalawa ng kanilang bakuna kahapon, June 15.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Jane sa kanyang Instagram Stories ang ka-sweet-an nila ni RK, na hinihinalang boyfriend na niya.

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram feed, hinikayat ng aktres na magparehistro ang lahat sa kani-kanilang local government units (LGUs) para maprotektahan laban sa virus.

Ani Jane, “First dose done today!! When you do get the chance, please register. Tara na at magpabakuna! Keep safe everyone!! #ingatangatbakunalahat

Kapareho rin ang mensaheng ibinahagi ni RK sa kanyang Instagram.

Hamon niya sa iba pa na kung may pagkakataon ay magpabakuna na.

Ito lang daw kasi ang mabilis na paraan upang makabalik tayo sa normal na pamumuhay.

Saad ni RK, “Got my first dose of the Covid-19 vaccine today and excited na ko para sa second dose.

“Ikaw kamusta, tapos na? Pag meron na pagkakataon, please register and #GETVACCINATED

“The quicker we get everyone vaccinated, the quicker we can all get back to normal. #IngatAngatBakunaLahat

View this post on Instagram

A post shared by RK (@bagatsingrk)

Kinilig naman ang mga tagahanga ng dalawa dahil sabay raw talaga silang nagpabakuna.

Continue reading below ↓

Noong nakaraang Mayo, pinakilig ni Jane ang kanilang mga tagahanga nang batiin niya si RK sa kaarawan nito kung saan tinawag niya ang aktor na kanyang "source of happiness."

Sina Jane at RK ay dagdag na bilang sa dumaraming celebrities and personalities na nabakunahan na.

Kabilang na rito sina Marian Rivera at asawang si Dingdong Dantes, Iya Villania at asawang si Drew Arellano, Suzi Entrata at asawang si Paolo Abrera, Regine Velasquez at asawang si Ogie Alcasid, Aiko Melendez, Divine Lee, at Gretchen Barretto.

Nabakunahan na rin ng COVID-19 vaccine sina Isabelle Daza at asawang si Adrien Semblat, Maris Racal at nobyong si Rico Blanco, Sharon Cuneta at anak na si Frankie Pangilinan, Pia Guanio at asawang si Steeve Mago, at Ai-Ai delas Alas at asawang si Gerald Sibayan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jane Oineza and RK Bagatsing bring kilig to their fans after getting COVID-19 vaccine jabs together in Taguig.
PHOTO/S: Courtesy: @janeoineza / @bagatsingrk on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results