Ruru Madrid, Bianca Umali separately post vaccination photos with almost same captions

by Arniel C. Serato
Jun 16, 2021
Rumored couple Ruru Madrid and Bianca Umali post vaccination photos with same wall background.
PHOTO/S: Courtesy: @rurumadrid8 / @bianxa on Instagram

Muling nagpakilig ang rumored couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Halos sabay kasi silang nag-post sa Instagram ng kanilang vaccination photos ngayong Miyerkules, June 16.

Pareho silang nagpabakuna ng COVID-19 vaccine na Sinovac.

Walang post sina Ruru at Bianca na magkasama sila sa iisang larawan, pero pareho ang background ng mga larawan.

Pareho rin nilang ipinakita ang kanilang kaliwang braso na naturukan ng bakuna.

Halos pareho rin ang caption na nakalapat sa kanilang post sa Instagram.

Sabi ni Ruru sa kanyang caption, “Protektado Ang Bakunado #Sinovaxed

Saad naman ni Bianca sa kanyang post, “ang Bakunado ay Protektado! #Sinovaxed

Hindi binanggit ng dalawa kung saan sila nagpabakuna.

View this post on Instagram

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)

Matagal nang napabalitang magkarelasyon ang dalawa, pero hanggang ngayon ay hindi pa sila umaamin.

Bukod sa dalawa, may iba pang napababalitang couples na rin ang nabakunahan.

Kabilang sa kanila sina Maris Racal at Rico Blanco, at sina Jane Oineza at RK Bagatsing.

Continue reading below ↓

Marami na ring celebrities at personalities ang nagpapabakuna na rin laban sa COVID-19.

Ito ay sina Marian Rivera at asawang si Dingdong Dantes, Regine Velasquez at asawang si Ogie Alcasid, Iya Villania at asawang si Drew Arellano, Suzi Entrata at asawang si Paolo Abrera, Aiko Melendez, Divine Lee, at Gretchen Barretto.

Nabakunahan na rin ng COVID-19 vaccine sina Isabelle Daza at asawang si Adrien Semblat, Pia Guanio at asawang si Steeve Mago, at Ai-Ai delas Alas at asawang si Gerald Sibayan, at Sharon Cuneta at anak na si Frankie Pangilinan.

Ngayong araw ay nakumpleto na rin ni Sharon ang kanyang second dose ng Moderna vaccine sa America.

Sabi ng Megastar, “Fully vaccinated! Got my 2nd Moderna vaccine jab! Thank You Lord!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rumored couple Ruru Madrid and Bianca Umali post vaccination photos with same wall background.
PHOTO/S: Courtesy: @rurumadrid8 / @bianxa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results