Paolo Gumabao recalls "very dramatic" first meeting with biological dad Dennis Roldan

by Jerry Olea
Jun 17, 2021
Paolo Gumabao on speaking to Dennis Roldan on the phone: “Tinawagan ko yung number. Sabi ko, ‘Hello, is this Dennis Roldan?’ ‘Yes, who’s this?’ Parang nag-choke ako. Nag-choke ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. So, ibinaba ko yung call. Ibinaba ko yung call.”

Binatilyo na si Paolo Gumabao nang madiskubre niyang ang aktor na si Dennis Roldan ang kanyang tunay na ama.

“My stepfather took care of my mom ever since buntis na siya sa akin,” matamang lahad ni Paolo sa virtual tsikahan nitong Hunyo 16, Miyerkules ng hapon, via Zoom.

“So, ever since ipinanganak ako, iyong stepfather ko na yung nag-alaga sa akin.

“When I reached one year old, noong naayos na nila ang papeles ko, yung adoption papers, napalitan na yung apelyido ko into Chen… lumipat kami sa Taiwan.

“Tumira kami sa Taiwan. Doon ako lumaki. Ahhh, sa Chinese school.

"So, in short, Mandarin is my first language. Chinese is my first language.

“And 13 years old, lumipat ako dito sa Pilipinas. Paglipat ko sa Pilipinas, nag-aral muna ako sa probinsya namin, which is Virac, Catanduanes sa Bicol.

“And... noong paglipat ko sa Manila, mga 14 years old ako, doon ko nalaman na hindi ko pala tatay talaga yung stepfather ko.

Continue reading below ↓

“Kasi, I heard my mom talking to my tita about, ‘Uy! Kailan mo ba sasabihin kay Pau na ganito? Si Michelle Gumabao, sumisikat, o. Si Marco Gumabao, sumisikat. Mga kapatid niya iyon.’

“Iyon ang pinag-uusapan nila. So, narinig ko. So, lumapit ako.

“Sabi ko, ‘Mommy, what are you guys talking about? Sabi niya, ‘Come here, I have to tell you something.’

“Sabi niya, ‘Papa is not your real father. Your real father is Dennis Roldan.’

"Sabi ko, ‘Who’s that?’ ‘He used to be an actor, back in the ‘80s.’

“Sabi ko, ‘OK. Cool!’ Sinabi ko yun, ‘Cool!’

"Sabi niya, ‘What?! Aren’t you mad?’

“Sabi ko sa kanya, ‘Why will I be mad? Papa didn’t have to take care of me like he did, pero he did.’

“He didn’t have to treat me as his own son, but he did. He never made me feel like hindi niya ako anak. So, bakit naman ako magagalit?

Continue reading below ↓

“Sa totoo nga, mas natuwa ako. Mas na-touch ako kay Papa. Mas naramdaman ko yung love niya nang nalaman ko yun.

“Because napakahirap tumanggap ng isang bata na hindi sa iyo.”

FIRST CONVERSATION/meeting with HIS BIOLOGICAL DAD

Isang taon pa ang lumipas bago nakausap ni Paolo si Dennis.

“I was at the gym with my mom, and then si Mommy, may nakasalubong na old friend niya with Dennis,” salaysay ni Paolo.

“So, kumbaga, sila-sila ang nagkakasama before noong magdyowa sila ng biological father ko.

“So, nagkukuwentuhan kami, sabi ni... I forgot her name, basta si ‘Tita’ na lang. Parang sabi niya, ‘Ay, Paolo! You haven’t met your dad yet?’ ‘Not yet po, tita, e.’ ‘Ahh, OK, OK...’

“Si Mommy, pumunta ng locker room para maligo. Iniwan muna si Tita saka ako na magkasama.

“Sabi ko, ‘Tita, may number ka ba ni Dennis Roldan?’ Sabi niya, ‘Meron. Bakit, you want it?’ Sabi ko, ‘Yes, Tita! Pahingi naman ako ng number niya!’

Continue reading below ↓

“Sabi niya, ‘O, sige.’ Kinuha ko yung number. Tapos, nagpaalam na sa akin si Tita. Umalis na.”

Mabilis na umiling si Marco nang usisain kung ipinagtapat niya sa kanyang mommy na kinuha niya ang number ni Dennis. Katwiran ni Paolo, natatakot siya.

Pagpapatuloy ni Paolo, “Tinawagan ko yung number. Sabi ko, ‘Hello, is this Dennis Roldan?’ ‘Yes, who’s this?’

“Parang nag-choke ako. Nag-choke ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. So, ibinaba ko yung call. Ibinaba ko yung call.”

Noong panahong iyon ay malaya pa si Dennis. Dalawa o tatlong buwan ang lumipas bago tumawag muli si Paolo sa kanyang biological father.

Pagbabalik-tanaw ni Paolo, “Wait lang, kailangan ko na yata talagang ma-meet ito. Gusto ko na siyang ma-meet.

“So, ang nangyari, tinawagan ko ulit yung number. ‘Hello, is this Dennis Roldan?’ ‘Yes, who is this?

“Sabi ko, ‘Ahh, my name is Pau.’ ‘Hi, hello Pau.’ ‘Sabi po sa akin ng mommy ko, tatay daw kita.’

Continue reading below ↓

“Sabi niya, ‘Ha?! Ano?! Sinong nanay mo?’ Sabi ko, ‘Sheryl po. Sheryl Sorreta.’ ‘Ahh, hindi ko maalala, e. Tagasaan ka ba?’ ‘Taga-Ortigas po ako.’

“At that time, I used to live in Ortigas. Sabi niya, ‘Ahh, talaga? Andito ako sa Home Depot ngayon, sa tapat ng Meralco. Kita tayo.’

“Wala pa akong kotse noon. Tinakbo ko talaga. Wala pa akong pera for taxi!” napangiting bulalas ni Paolo.

“Tinakbo ko talaga all the way to Home Depot. It was around mga ten minutes na sprint.

“Pagdating ko doon, tinawagan ko. Hinanap ko siya. ‘O, andito ako sa Aisle 7, ganoon.’ Punta ako sa Aisle 7.

“Lapit ako. Kita ko siya. Kita niya ako. Lapit pa ako sa kanya. Paglapit ko sa kanya, harapan, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.”

Patangu-tangong saad ni Paolo, “Sabi niya, ‘Anak nga kita.’ Ha! Ha! Ha! Ha! Sabi ko, ‘Hindi na po ba tayo magpapa-DNA test? Akala ko, may DNA test.’

Continue reading below ↓

"‘Hindi kailangan! Anak kita!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!"

HOW I MET MY FATHER

Nagbayad si Dennis ng mga kailangang bayaran sa counter ng Home Depot, tapos pinasakay nito sa kotse si Paolo.

Kuwento ni Paolo, “Sabi niya sa akin, ‘Sama ka sa akin, punta tayo sa Lancaster Hotel.’

"Kasi, magpi-preach siya. Di ba, pastor siya? So, magpi-preach siya.

“Huge group of people, nag-preach siya. So, nakaupo ako doon sa harap. Lahat ng mga tao, nagtataka. ‘Sino itong batang kasama niya?’

"E, si Marco lang naman ang kilala nilang anak, pati si Michelle.

“So, nagsasalita siya, ‘Today, a boy called me and nagkita kami, today lang. Sabi niya sa akin, na sabi ng mama niya, anak ko daw siya. This is Paul’—kasi my real name is Paul—‘This is Paul, we just met today, and he’s my son.’

“Palakpakan lahat ng tao. Very dramatic moment for me naman. Ha! Ha! Ha! Ha” masayang sambit ni Paolo.

Continue reading below ↓

Kailan nalaman ng mommy niya na nagkita na sila ni Dennis?

“Ahh, hindi pa niya alam noong una. Ang nangyari... sinasabi ko kay Mommy Shayne [Maceda], isang handler siya, good friend siya ni Mommy before.

“And sa kanya ko ikinukuwento, ‘Mommy Shayne, nakasama ko na yung papa ko, ganyan.’ E, ito namang si Mommy Shayne, itsinismis kay mommy. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“So, nalaman ni Mommy. Tinawagan ako. ‘Hey, Pao-pao! Ahh, Mommy Shayne told me na you’re talking to Dennis na daw.’

“Sabi ko, ‘Yeah, but don’t tell Papa. Kasi, baka magtampo si Papa—yung stepfather ko.

“Pero umabot din sa point na sabi ko, kailangan na ring sabihin kay Papa, so sinabi ko.

“Pero prinamis ko naman kay Papa na hindi naman magbabago para sa akin, because sa kanya naman talaga ako lumaki.

“And until now, ang father figure sa buhay ko ay si Papa talaga.”

VISITING DENNIS IN PRISON

Kasalukuyang nasa kulungan si Dennis Roldan.

Continue reading below ↓

Reclusion perpetua, o lifetime imprisonment, ang hatol kay ng Pasig City Regional Trial Court noong August 2014, dahil napatunayang guilty siya sa kaso ng kidnapping sa isang Filipino-Chinese boy noong 2005.

Nadalaw na ba niya si Dennis sa bilangguan?

“Yes, nung kakakulong pa lang niya, lagi kaming dumadalaw ng mga Gumabaos. Sabay-sabay kaming pumupunta doon,” tugon ni Paolo.

“Pero umabot kasi sa point na naging strict sila doon sa bilibid, kahit before the pandemic.

“Before the pandemic, medyo nagiging strict na rin sila, e. Lalo na nung dumugtong pa yung pandemic, as in wala na talagang pwedeng pumasok. Bawal na yung dumalaw,” sabi ni Marco, na kapipirma lang ng kontrata sa Star Magic nitong Hunyo 15, Martes.

Ang launching film ni Paolo na Lockdown ay nakatakdang mag-streaming sa Hulyo 23 sa KTX, Upstream, at RAD, dalawang araw bago ang kanyang ika-23 kaarawan.

Ang Lockdown ay idinirek ni Joel Lamangan para sa For the Love of Arts (FLA) Films ni G. Jojo Barron.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Gumabao on speaking to Dennis Roldan on the phone: “Tinawagan ko yung number. Sabi ko, ‘Hello, is this Dennis Roldan?’ ‘Yes, who’s this?’ Parang nag-choke ako. Nag-choke ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. So, ibinaba ko yung call. Ibinaba ko yung call.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results