Jodi Sta. Maria, boyfriend Raymart Santiago exchange heart emojis on her birthday

by Arniel C. Serato
Jun 17, 2021
Raymart Santiago greets girlfriend Jodi Sta. Maria on her 39th birthday with three hearts emojis.
PHOTO/S: Courtesy: @raymartsantiago / @jodistamaria on Instagram

Kinilig ang maraming netizens sa pagbati ni Raymart Santiago sa girlfriend niyang si Jodi Sta. Maria sa ika-39 kaarawan ng aktres kahapon, June 16.

Sa post ni Jodi sa Instagram kaugnay ng kanyang kaarawan, nagbalik-tanaw ang aktres sa tatlumpu’t siyam na taong nabubuhay siya sa mundo.

Ipinagpapasalamat daw niya ang bawat tagumpay, pagsubok, at mga pagkatalo sa buhay.

Mensahe ng Kapamilya actress: “On June 16, 1982 at 4:29pm, I took my first breath here on earth.

“Looking back in the last 39 years of my life, I am grateful for the many small victories, extraordinary adventures, even the hardships and failures.

“I am thankful to all the people I have crossed paths with, for giving me a part of themselves and enriching my heart and soul.

“I am grateful everyday for these experiences. Here I am, 39 and all, still alive and breathing. Thank you Lord for everything!

“Maraming salamat sa lahat ng nakaalala. Thank you for taking the time to greet me on this special day!”

Continue reading below ↓

RAYMART'S BIRTHDAY GREETING

Sa comments section, kapansin-pansin na isa sa mga unang bumati kay Jodi ay ang nobyo niyang si Raymart.

Simpleng mensahe ng aktor: “Happy birthday [three heart emojis]”

Nagpasalamat naman si Jodi, at nilagyan din niya ito ng heart emoji.



Maraming netizens ang kinilig sa pagbati ni Raymart kay Jodi.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Bumati rin ang ilang celebrities kay Jodi. Kabilang sa kanila sina Zsa Zsa Padilla, Agot Isidro, Iza Calzado, Gary Valenciano, Bela Padilla, Vicki Belo, Carla Abellana, at Jackie Forster.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

JODI-RAYMART RELATIONSHIP

Tinatayang halos siyam na buwan na ang relasyon ng dalawa.

Nalantad ang relasyon nina Jodi at Raymart nang naglabasan ang sweet photos nila na kuha sa isang private place sa Alabang noong September 2020.

Kasunod nito ay inamin ng Ang Probinsyano actor sa PEP Troika na may relasyon na nga sila ng aktres.

Taong 2018 naghiwalay si Jodi at ang dati nitong nobyo na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Napabalita naman noong taong ding iyon ang relasyon ni Raymart sa isang business executive.

Pero wala masyadong balita sa kanila, hanggang sa mapag-alaman ng publiko ang namumuong relasyon nina Raymart at Jodi.

Matagal na ring hiwalay si Jodi sa dating asawang si Pampi Lacson. Mayroon silang isang anak, si Thirdy.

Ilang taon na ring hiwalay si Raymart kay Claudine Barretto. Mayroon silang dalawang anak—sina Sabina at Santino.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raymart Santiago greets girlfriend Jodi Sta. Maria on her 39th birthday with three hearts emojis.
PHOTO/S: Courtesy: @raymartsantiago / @jodistamaria on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results