Korina Sanchez asked about dealing with bashers: “Wala akong bashers ngayon.”

by Bernie V. Franco
Jun 17, 2021
Korina Sanchez looks back on being tagged as Clapback queen: "Enjoy na enjoy din naman akong pumatol."
PHOTO/S: @korina on Instagram

Tahimik daw ngayon ang buhay ni Korina Sanchez pagdating sa social media.

Hindi na raw kasi siya binubulabog ng bashers.

Malayong-malayo ito sa pagpatol niya noon sa kanyang mga kritiko, lalo na nung kasagsagan ng ABS-CBN shutdown noong 2020.

Sa katunayan, binansagan pa siyang "Clapback Queen" dahil sa masigasig niyang pagsagot sa kanyang bashers.

KORINA NO LONGER ENGAGES WITH BASHERS

Gaya ng maraming personalidad, aktibo na rin si Korina sa social media.

“I’m very, very active in social media. Aktibo ako talaga diyan.

“Kabuhayan na rin siya,” paliwanag ng veteran broadcast-journalist sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin sa multi-platform program nitong Cristy Ferminute, Miyerkules, June 16.

Pagpapatuloy ni Korina, may conscious effort siyang huwag nang pumatol sa trolls.

“Napansin ko lang kasi parang wala nang pulitika sa buhay ko ngayon.

“Parang wala akong bashers ngayon.

“Pero nagulat din ako kasi sa social media platforms ko, talagang iniiwasan ko yung nega.

Continue reading below ↓

“Wala akong opinyon tungkol sa pulitika, wala akong winawakwak, wala akong pinupuna.

“Puro positive lang ako.”

Iniiwasan daw niyang makisawsaw sa mga isyu at hindi pumapatol dahil sa magandang disposisyon niya ngayon sa buhay.

Sabi pa niya, “Tsaka kahit hinahamon ako, hindi ko pinapansin kasi maganda ang hanapbuhay, ‘tsaka masaya ang araw-araw ko kung wala akong kasagutan.

“So, ako man, it’s my choice to stay in my lane.”

korina previously tagged as clapback queen

Aminado naman si Korina na naging aktibo siya sa pagpatol sa bashers at troll noong kasagsagan ng ABS-CBN franchise issue.

Noong July 2020 ay tuluyang pinagkaitan ng prangkisa ang Kapamilya network ng Kongreso.

Sabi ni Korina, “Ang nangyari lang nung panahon ng pagsasara ng ABS-CBN, parang feeling ko naman utang na loob ko rin naman sa aking mother station.

“Noong parang walang kuwenta naman ang pambubuska nila sa akin, only because I loved my station, dun na ako sumagot.

Continue reading below ↓

“Kaya ako nagkaroon ng title na Clapback Queen dahil sinasagot ko isa-isa yung mga nagba-bash.

“Pero dun lang naman sa isyung ‘yon na sumasagot ako.”

Hindi naman itinanggi ni Korina na ikinasiya rin niya ang pagsagot sa mga kritiko niya noong mga panahong iyon.

“Ay, naku! Enjoy na enjoy din naman akong pumatol. Para akong nabuhayan,” saad niya.

September 2020 nang nilisan ni Korina ang poder ng ABS-CBN matapos ang 33 taong serbisyo.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez looks back on being tagged as Clapback queen: "Enjoy na enjoy din naman akong pumatol."
PHOTO/S: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results