Sharon Cuneta claps back at bashers of her tequila body shot photos with co-star Marco Gumabao

by Arniel C. Serato
Jun 17, 2021
Sharon Cuneta on her performance in the upcoming movie Revirginized: "I’m a gaddam good ACTOR and darn PROUD OF IT!"
PHOTO/S: Courtesy: Darryl Yap on Facebook

Ipinagkibit-balikat na lamang ni Sharon Cuneta ang mga pangungutya ng netizens sa kanyang mapangahas na role sa upcoming movie niyang Revirginized.

Naalarma marahil ang ilang konserbatibong netizens sa tequila body shot ni Sharon sa co-star na si Marco Gumabao na lumabas ilang araw na ang nakalipas.

Sa Facebook post ng direktor ng Revirginized na si Darryl Yap noong June 13, ibinahagi niya ang tatlong litrato ng beach party scene sa pelikula na nagpapakita sa cleavage ni Sharon at ng pagdila nito sa asin sa dibdib ni Marco bago siya uminom ng tequila.

May ilang nakakita ng mga larawang ito na tila naasiwa o di kaya's naeskandalo, lalo na't hindi pa napapanood ang Megastar sa mga mapangahas na eksena.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, June 17, hinamon ni Sharon ang bashers na saka na lamang sila magmalaki kapag narating na nila ang kanyang edad, at kung kapareho ba ng kanyang hitsura sa edad niya ngayon.

Continue reading below ↓

Bahagi pa ng post ni Sharon, “At sa mga bashers, pag 55 na kayo at malapit lapit ang itchura nyo sa akin ngayon, chaka lang kayo magkaka-K mandiri! Yuck kayo! Hahahahaha!”

Sa kabilang banda, proud na proud si Sharon sa kanyang role sa Revirginized.

Pagmamalaki pa niya sa kanyang pagganap sa pelikula: “I’m a gaddam good ACTOR and darn PROUD OF IT!”

Buong post ni Sharon (published as is), “In the end, no matter how our movie does or what people say, I will still ALWAYS LOVE CARMELA, my character in ‘Revirginized.’

“Thank you for her, Direk Daryll. Thank you Marco my Pawi - though short, really sweet - for helping me to relive my 20s in our scenes.

“Thank you, dearest CARMELA - my alter-ego/“Sasha Fierce” - for taking me on an adventure unlike any I could have ever imagined I would be going on in my 50s!

“I’m a gaddam good ACTOR and darn PROUD OF IT! Hahahahaha!

Continue reading below ↓

“At sorry po Direk Daryll!!! Di mo po pinadala eh di pinost ko. Hahaha! Laaab yu! @vincentimentsofficial @gumabao.marco

“At sa mga bashers, pag 55 na kayo at malapit lapit ang itchura nyo sa akin ngayon, chaka lang kayo magkaka-K mandiri! Yuck kayo! Hahahahaha!”

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta on her performance in the upcoming movie Revirginized: "I’m a gaddam good ACTOR and darn PROUD OF IT!"
PHOTO/S: Courtesy: Darryl Yap on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results