K Brosas to netizen on her Sinovac jab: “Nagbabayad ako ng tax ko so thanks to myself.”

by Arniel C. Serato
Jun 17, 2021
Singer-comedienne K Brosas gives the "peace" sign during her first dose innoculation of the Sinovac vaccine last Tuesday, June 15.
PHOTO/S: Courtesy: @kbrosas on Instagram

Sinagot ng singer-comedienne na si K Brosas ang isang netizen na nagsabi sa kanyang dapat magpasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang bakuna.

Noong Martes, June 15, natanggap ni K ang kanyang first dose ng COVID-19 vaccine sa Mandaluyong.

Ito ay sa pamamagitan ng vaccination program ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Metro Manila Film Festival (MMFF) executive committee, at Mandaluyong City government.

Mensahe ni K sa kanyang post sa Instagram: “yey got my 1st dose ng vaccine.. thanks sa aking @singgalingtayo at @cignal.tv family.. salamat na din sa mmff at mmda.. kaya naman vac-sing mo na!”

View this post on Instagram

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas)

Isang follower niya ang nagtanong kung anong bakuna ang naiturok sa kanya.

Sagot ni K: “Sinovac”

Continue reading below ↓

Isa namang netizen ang nagtanong kung hindi ba magpapasalamat si K kay Pangulong Duterte dahil sa bakunang natanggap niya.

Tila gustong palabasin ng netizen na kung hindi dahil sa gobyerno ay hindi mababakunahan ng Sinovac COVID vaccine si K.

Tanong ng netizen: “Wala bang Salamat Duterte dyan?”

Sagot ni K, taxpayer siya kaya ang nararapat niyang pasalamatan ay ang sarili.

Pinayuhan din niya ang netizen na kung hindi pa ito nababakunahan ay magparehistro na dahil libre ito.

Sabi ni K: “salamat at nagbabayad ako ng tax ko so thanks to myself hehe.. wish ko sana all may vaccine na, bow. kung wala pa kayo mag tanong sa dapat tanungin kc libre ito (dapat lang)”

Continue reading below ↓

VACCINATED CELEBRITIES

Bukod kay K, marami na ring ibang celebrities ang nabakunahan ng vaccines kontra Covid-19.

Maliban sa kanya, ang mga naturukan ng Sinovac ay sina Kim Chiu, Marian Rivera at asawang si Dingdong Dantes, Regine Velasquez at asawang si Ogie Alcasid, Iya Villania at asawang si Drew Arellano, Suzi Entrata at asawang si Paolo Abrera.

Sina Aga Muhlach, asawang si Charlene Gonzalez, at mga anak na sina Andres at Athasa Muhlach ay bakuna namang AstraZeneca ang natanggap.

Ang TV host na si Pia Guanio at asawang si Steeve Mago ay Sputnik V mula sa Russia ang bakunang naiturok sa kanila.

Si Sharon Cuneta ay Moderna vaccine ang naiturok sa kanya samantalang ang mag-asawang sina Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan ay Pfizer vaccine.

Sa Amerika nagpabakuna sina Sharon, Ai-Ai, at Gerald.

Ang mag-asawang Isabelle Daza at Adrien Semblat naman ay Pfizer vaccine din ang natanggap na bakuna sa Hong Kong.

Continue reading below ↓

May iba pang mga celebrities na nabakunahan ngunit hindi nila sinabi ang bakunang naiturok sa kanila.

Kabilang na rito sina Ruru Madrid, Bianca Umali, Jane Oineza, RK Bagatsing, Maris Racal, Rico Blanco, Aiko Melendez, Divine Lee, at Gretchen Barretto, at Frankie Pangilinan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-comedienne K Brosas gives the "peace" sign during her first dose innoculation of the Sinovac vaccine last Tuesday, June 15.
PHOTO/S: Courtesy: @kbrosas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results