Ate Girl Jackie Gonzaga opens up about five-year-relationship with Hashtag Tom Doromal

by Rachelle Siazon
Jun 18, 2021
From workmates to lovers! Ate Girl Jackie Gonzaga reveals she fell for Hashtag Tom Doromal effortlessly. She says,"Siya yung lumapit, ta's may na-develop na lang. Hindi yung ako ang nakapansin na, 'Uy, okay ito, ha.' Walang ganun."
PHOTO/S: @jackiegirlg / @hashtag_tomdoromal Instagram

Umusbong ang pag-iibigan sa pagitan ni Jackie "Ate Girl" Gonzaga, 26, at Tom Doromal, 24, sa studio ng It's Showtime.

Si Jackie ay dancer sa daily noontime show ng ABS-CBN mula pa noong 2015. Pero nakilala siya bilang Ate Girl sa segment na "Miss Q&A" noong 2018.

Si Tom ay miyembro ng all-male group na Hashtags. Dati rin siyang housemate sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ikinuwento ni Jackie na swabe kung paano sila naging magkasintahan ni Tom.

Balik-tanaw ni Jackie: "Yung sa amin, walang standard na nangyari. Biglaan lang din.

"Nung una parang workmates lang kami. Nagkakasalubong sa work. As friends, as magkakilala, as magkatrabaho.

"In the long run, nagkayayaan, mga ganyan."

Wala raw sa isip ni Jackie noon ang pagkakaroon ng ideal guy. Naramdaman na lang daw niyang nahuhulog ang loob niya kay Tom.

"Feeling ko, para sa akin, intimacy. Maraming klase ng intimacy.

Continue reading below ↓

"Pwede yung kakain kayo nang sabay, yayayain ka kumain, kakamustahin ka, lalambingin ka, yayakapin ka. Yun, intimacy yun sa akin.

"Siya yung lumapit, ta's may na-develop na lang. Hindi yung ako ang nakapansin na, 'Uy, okay ito, ha.' Walang ganun."

NO BIG FIGHTS

Nagpapasalamat si Jackie dahil kahit kailan ay wala raw silang napag-awayan ni Tom na malaking isyu.

Lampas na rin daw sila sa stage na madalas silang nagkakaroon ng lovers' quarrel o LQ.

Paliwanag ni Jackie sa PEP.ph: "Marami, kasi pag nagsisimula kayo, andiyan yung petty issues. Kahit simpleng bagay na di ikakagalit, ikakagalit mo.

"Kasi bago pa lang kayo. Hindi mo pa tantiyado lahat.

"Pero ngayon napag-uusapan na, naiintindihan na. Ipapaliwanag both sides, ganyan."

Gaano na sila katagal ni Tom?

Sagot ni Jackie, "Almost five years."

Kaya kabisado na raw nila ang isa't isa.

"Sa relasyon, wala namang perpekto. Siya, magkakamali. Ikaw, dadating ka sa punto na magkakamali ka rin.

Continue reading below ↓

"Yung relationship, choice yun, e, kung gusto niyo kayo talaga."

SPENDING QUARANTINE TOGETHER

Ayon kay Jackie, nakatira siya sa Antipolo kasama ng kanyang pamilya.

Welcome daw si Tom na manatili sa kanilang bahay lalo na nitong pandemya.

Ani Jackie, "Many times dito siya nag-stay. Kasi sa [bahay niya sa] Quezon City, nung nandun mommy niya, dun siya nag-stay. Pero nung di na umuwi, dito na rin siya nag-stay."

Continue reading below ↓

Consistent daw si Tom sa pagpaparamdam sa mga simpleng bagay kung gaano siya kamahal nito.

"Sobrang maalaga siya. Kasi acidic ako. Warm water lang talaga iniinom ko.

"Kahit anong oras, sasabihin ko kailangan ko ng warm water. Kahit tulog or nakapikit or inaantok, baba talaga siya para mag-init ng tubig at maghalo ng warm water."

Continue reading below ↓

PRANKING TOM

Minsan na ring ipinakita ni Jackie kung paano niya kulitin ang nobyo na si Tom.

Sa kanyang vlog noong November 2020, nagtulug-tulugan si Jackie sa kama nang pumasok si Tom sa kuwarto.

Nagsimula siyang umungol na animo'y may masamang panaginip, kaya ilang beses siyang ginising ng nobyo.

Noong una ay sweet at mahinahon ang pagtawag ni Tom na "Love" kay Jackie.

Pero makikitang naalarma si Tom dahil hindi niya magising si Jackie kahit na inaalog na niya ang kamay at balikat ng dalaga.

Biglang tumawa naman si Jackie at sinabing "It's a prank!"

Natatawang reaksyion ni Tom, "Gulat na gulat ako. Kinabahan ako, sira-ulo."

Agad na niyakap ni Jackie si Tom para huwag itong mainis sa kanya.

Sabay kanta ni Jackie, "Ako ang nagwagi!"

Continue reading below ↓

Watch full interview with Jackie Gonzaga and Sunshine Guimary on PEP Spotlight:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From workmates to lovers! Ate Girl Jackie Gonzaga reveals she fell for Hashtag Tom Doromal effortlessly. She says,"Siya yung lumapit, ta's may na-develop na lang. Hindi yung ako ang nakapansin na, 'Uy, okay ito, ha.' Walang ganun."
PHOTO/S: @jackiegirlg / @hashtag_tomdoromal Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results