Is Mavy Legaspi in relationship with Kyline Alcantara?

by Rachelle Siazon
Jun 18, 2021
Mavy Legaspi hints at a mystery girl in his life. Netizens are quick to speculate: Is it Kyline Alcantara?
PHOTO/S: @mavylegaspi / @itskylinealcantara Instagram

Si Kyline Alcantara ba ang babaeng nagpapatibok ng puso ngayon ni Mavy Legaspi?

Ito ang tanong ng netizens matapos isapubliko ni Mavy ang litrato ng isang babaeng sinisinta niya.

Hindi kita ang buong mukha ng babae pero litaw ang dimples at ngiti nito, base sa Instagram post ni Mavy noong June 16.

Nakaturo pa ang point finger ni Mavy sa dimples ng babae.

Sabi sa caption ni Mavy, "her. her smile. her dimples. yup, that’s the post."


Continue reading below ↓

teasing COMMENTS FROM MAVY'S FRIENDS

Dahil sa kanyang public display of affection, si Mavy ay inulan ng matinding panunukso mula sa mga malapit niyang kaibigan sa showbiz.

Komento ni Rayver Cruz: "I [see emoji] you."

Sagot ni Mavy: "kuys! i see you i see you!"


Panunukso ni Andre Paras: "MY BONES ARE KILIG TO THE MAX."

Continue reading below ↓

Sagot ni Mavy: "if you know, you know!"

Hirit uli ni Andre: "I sure do [lovestruck emoji] happy for you man!!!"


Maiksi pero malaman ang komento ni Rita Daniela: "AYUN NA."


Continue reading below ↓

Pati ang kaibigan ni Mavy na si Samantha Cruz ay nang-asar na nagsabi, "HUYY mavy."

Sagot ni Mavy, "HUYY sam."


Kunwa'y nagulat naman ang twin sister ni Mavy na si Cassy Legaspi.

Hirit ni Cassy, "maverick peter! ano nanaman to?"

Sagot ni Mavy, "maria cassandra! ako lang toh!"


Continue reading below ↓

Ganoon din ang mensahe ni Mavy sa kaibigan na si AC Bonifacio, "AC, AKO LANG TOH."


MAVY "HAPPY" TO BE AROUND "HER"

Noong June 14, una nang nag-post si Mavy ng half-body picture niya habang may point finger ng babae na nakaturo sa kanyang dimples.

Pareho pa silang nakasuot ng denim jacket.

Continue reading below ↓

Sweet na caption ni Mavy, "they say, 'happiness is having dimples' but to me, happiness is being around her."


Inasar din si Mavy ng iba niyang kaibigan dahil sa pagiging cheesy niya.

Pati kapatid niyang si Cassy ay nakitanong "so... sino si 'her'?"

Pero hindi itinago ni Mavy ang kasiyahang nadarama sa piling ng babaeng sinisinta.

Continue reading below ↓

Aniya, "sorry na guys... pigil na pigil smile ko sa first pic. alam mo na."

NETIZENS BELIEVE IT'S KYLINE ALCANTARA

Hindi man nagbanggit ng pangalan si Mavy, marami sa kanyang Instagram followers ang naniniwalang si Kyline Alcantara ang nasa litrato niya.

Magkatrabaho sina Mavy, 20, at Kyline, 18, sa GMA-7 Sunday variety show na All-Out Sundays.

Continue reading below ↓

Hindi raw maikakaila ang dimples, pisngi, at ngiti ni Kyline sa latest Instagram post ni Mavy.

Sa ngayon, wala pang direktang kumpirmasyon mula kay Mavy kung si Kyline nga ba ang kasama niya sa mga litrato.

Tikom din ang bibig ni Kyline sa isyu.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 30, inamin ng young actress na dumanas siya ng matinding heartbreak nitong pandemya.

Continue reading below ↓

Hindi binanggit ni Kyline kung sino ang kanyang ex-boyfriend, pero pinayuhan daw siya na sa isang relasyon "dapat mas mahal ka ng lalaki."

Natutunan din daw ni Kyline na pahalagahan ang sarili, at mas paigtingin ang pananampalataya niya sa Diyos.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mavy Legaspi hints at a mystery girl in his life. Netizens are quick to speculate: Is it Kyline Alcantara?
PHOTO/S: @mavylegaspi / @itskylinealcantara Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results